THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA Sa isang pribadong hospital ko natagpuan ang aking sarili. Kinutuban na ako nang isnag kuwarto ang kanyang binubuksan. Agad na tumambad sa akin si L-jay! Oh my God! Si L-jay nga! Gusto kong magsaya kasi narito na sa harapan ko ang lalaking minahal at matagal ko nang hinahanap ngunit nalulungkot akong makita siya sa ganoong kalagayan. Humahagulgol ako. Nanginginig akong humawak sa kamay niya. Hindi ko na nagawang mabati pa ang mga naroon ngunit napansin kong binigyan nila ako ng pagkakataon para masolo si L-jay. Ilang buwan na ang nakakaraan. Ilang buwan akong nangulila at ngayong nakita ko siya ay hindi ko din naman nagugustuhan ang nakikita kong kalagayan niya. Pinisil ko ang butuhang kamay niya. Dinala sa aking labi. Humahagulgol kong hinalik-halikan

