MAXINE’S POV Pagkatapos naming mamasyal ni Lucas sa Garden by the Bay ay umuwi muna kami ni Lucas sa condo upang kunin lahat ang gamit niya, at dito na kami nag-check in ni Lucas dito sa Marina Bay Sands Luxury Hotel. First time kong makapag-check in dito, kasi nanghihinayang ako sa ibabayad Three Hundred Seventy-nine Singapore Dollar. Pero para kay Lucas ay baliwala ang halaga na ibabayad namin dito. Ang mahalaga sa kanya’y maging special ang huling gabi niya dito sa Singapore. Mula dito sa taas ng Marina Bay Hotel ay makikita mo ang buong Singapore. Maraming turista ang nagpupunta dito dahil sa magandang view ang makikita mo, habang naliligo ka dito sa swimming pool. Kinakailangan namin ni Lucas na maglagay ng sunblock lotion dahil tutok ang sikat

