MAXINE’S POV
Hanggang ngayo’y hindi ako makapaniwala na niloko lamang ako ni Lucas, at nagawa pa talaga niyang makipagpustahan, kapalit ang pagkuha sa aking virginity. Sobrang sakit nang ginawa niya sa akin. Kung bakit kasi, naniwalala ako sa mga salita niya.
“Ang sakit-sakit, Lucas!” Galit kong sigaw, habang andito ako sa may Philcoa Footbridge dito sa Quezon City.
Habang nakatingin ako malawak na lansangan ng Quezon City, ay tila tinatawag ako ng mga ilaw ng sasakyan sa madilim na gabi, parang hinihikayat ako na tapusin na lamang ang buhay ko.
“Lucas, minahal kita. Pero bakit mo ginawa sa akin ito?” muling sigaw ko, habang patuloy na umiiyak.
Nakakaisip na akong tumalon, pero bigla kong naisip ang pamilya ko na umaasa sa akin. Napailing ako sa maling bagay na pumasok sa aking isipan. Mali ang kitilin ko ang sarili kong buhay, dahil sa isang lalaki na katulad ni Lucas. Ngumiti ako at pinahid ko ang aking mga luha.
‘Isinusumpa ko, ikaw naman Lucas Buenaventura ang maghahabol sa akin,’ sumpang binitiwan ko, dahil ipapakita ko sa kanya ang bagong Maxine dela Vega.
Nagdesisyon na akong umuwi sa dorm upang ayusin ang aking sarili.
** **
Pagkarating na pagkarating ko sa dorm; mabilis kong inalis ang mga luma kong damit na wala na ata sa uso. At inilabas ko ang mga damit na binigay sa akin ng mga kaibigan ko. Noon pa nila ako binibigyan ng mga usong damit na babagay sa akin. Ngunit hindi ko ito mga ginagamit, dahil hindi ako kompotable sa mga maiikling kasuotan at mga tube at venus cut na damit. Inalis ko na rin ang mga eyeglasses na ginagamit ko. At inilabas ko ang contact lense na binili ni Heat sa akin noon. Ganoon din ang mga make-up na binigay nila sa akin.
Habang nag-aayos ako ng aking mga gamit nang may biglang nagsalita.
“Oh, Maxine, what are you doing?” tanong ni Klein nang makita niyang nasa basurahan ang mga eyeglasses na malimit kong gamitin.
“Because, people change,” simple kong tugon at nagpatuloy na ako sa aking ginagawa.
Tumango na lamang si Klein sa sinabi ko. Siya ang aking roommate na halos lahat ata ng bisyo ay ginagawa niya. Pati nga ang magpapalit-palit ng boyfriend ay ginagawa na niya.
Habang nag-aayos ako ng aking mga gamit; nakita kong nagsindi ng sigarilyo si Klein at tahimik na nanigarilyo sa may kama niya.
Lumapit ako kay Klein. “Can I try?” tanong ko at kinuha ko ang isang kaha ng sigarilyo.
Ngumiti nang pilya si Klein. ‘‘Sure, why not.’’ She took a deep breath and look at me. “Maxine, magsabi ka nga sa akin ng totoo. May problema ka ba? Bakit parang ang dami mong gusting baguhin sa sarili mo?” seryosong tanong niya sa akin.
Kinagat ko ang aking ibabang labi bago ko siya sagutin.
“Si Lucas,” matipid kong tugon.
Kumunot ang noo ni Klein at tinitigan ako. ‘‘Lucas? As in. . . Lucas Buenaventura?” paniniguro niya.
Tumango ako bilang tugon na ikinagulat niya.
‘‘Magsabi ka nga ng totoo sa akin. Anong ginawa sa ‘yo ni Lucas, para magbago ka ng bongga?”
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo o hindi. Pero siya lamang ang p’wedeng makinig sa akin ngayon. Dahil simula nang gabing magkita-kita kaming magkakaibigan at gawin ang dare na napagkasunduan naming lahat, ay hindi ko na sila nakitang muli. Kahit si Heat na siyang itinuturing kong ate at pinaka-close ko sa lahat, ni hindi ko na rin makausap. At wala rin akong balita sa kanila. Isa pa’y nahihiya akong magpakita sa kanila, after kong sumama kay Lucas at isuko ang aking bataan.
Kumuha ako ng isang sigarilyo at pilit kong sinindihan ito. Pagkatapos, nagsimula na akong magk’wento kay Klein.
“After graduation, niligawan ako ni Lucas. Sumama siya sa akin sa probinsya,” panimula ko na ikinagulat ni Klein.
“Talaga? Sumama siya sa ‘yo sa probinsya?” tanong niya, habang napapailing.
Ngumiti ako. “Yeah! Sumama siya sa akin sa probinsya. Nagselos pa nga siya sa kaibigan kong bakla,” pagtatapat ko.
“I can’t believe na sasama siya sa probinsya. Alam ng lahat na. . . he hates promdi
“Kahit naman ako, hindi rin makapaniwalang sasama siya sa akin sa probinsya. But I tell you the truth. He come with me, at muntilkan pa ngang may mangyari sa amin sa ilog,” pagpapatuloy ko.
“Pagkatapos, anong nangyari sa inyong dalawa? Para pag-aralan mo ang mga bisyong kinakaayawan mo.” Sabay kuha niya sa akin ng sigarilyo at tinuruan ako kung paano humithit nito.
“Then he took my viginity. Kapalit ng isang racing car,” pagtatapat ko, dahilan upang umiyak akong muli.
Napailing si Klein. “My God, Maxine! Bakit ka nagtiwala sa salita niya? Kilala siyang playboy sa buong campus. Pagkatapos! Ganoon ka lang kadaling bumukaka sa kanya?” Napabuntong hininga muna si Klein, bago muling magsalita. “Hindi ko sinasabing perpekto ako. Pero. . . ako ang nanghihinayang sa ‘yo! ‘Coz you are wasting your life with that guy!” pahayag niya na may halong inis.
“I know! That’s why I want to change. Gusto kong baguhin ang buong pagkatao ko. Para maipakita ko sa kanya, na hindi na ako ang isang Maxine na kilalang nerdy scholar,” pagtatapat ko.
Tumango si Klein at niyakap niya ako. ‘‘Maxine, you can change, but not him. Magbago ka, para sa sarili mo, kung gusto mo talaga. At huwag mong sisirain ang buhay mo, nang dahil sa lalaking ‘yon,” payo niya sa akin.
Kahit hindi kami madalas mag-usap ni Klein, ay parang magkapatid na rin ang turingan naming dalawa. Lalo na kapag ganitong may problema ang isa. Pero mostly siya ang malimit kong natutulungan, lalo na sa mga school project at thesis niya. Kung ‘di dahil sa akin, bagsak na sana siya at hindi makaka-graduate ng college.
** **
Katulad nang sinabi ko, pinag-aralan ko kung paano manigarilyo, sa tulong ni Klein. At ngayon naman ay tinuturuan niya akong uminom ng alak. Tinurua niya ako, dahil nangako ako sa kanya na hindi ako magpapakalulong sa bisyo, at gusto lamang makalimutan ang sakit na aking nararamdaman.
Ngumiti si Klein habang tahimik kaming umiinom ng tequila. “Magaling ka naman pa lang matuto,’’ puri niya sa akin.
Tumango ako. ‘‘Lahat naman ng bagay, kapag ginusto mo. Walang imposible.” Sabay inom ko ng tequila at pagkatapos ay humithit ako ng sigarilyo.
‘‘Tama ka. And look to yourself now. Parang hindi na ikaw ang Maxine na roommate ko,” pagsang-ayon niya sa aking sinabi.
Ngumiti na lamang ako at muling uminom ng tequila.
Simula nang matuto akong uminom at manigarilyo’y kapwa na naming inililihim sa landlord ng dorm. Dahil bawal mag-inom dito, pero nagkasundo kaming dalawa ni Klein na walang magsasabi.
Habang nag-iinom kami ni Klein ay may tumawag sa kanya sa cellphone.
Pagkatapos niyang makipag-usap ay lumapit siya sa akin at sinaraduhan niya ang bote ng tequila.
“Come, lets go! Tumawag ang bago kong boylet. Nasa Zenclub siya at hinihintay na niya tayo,” sabi niya.
Kinagat ko ang ibabang labi ko. “Okay,” matipid kong tugon, pero ang isip ko ay may naiisip na gawin. Alam kong makikita ko si Lucas sa Zenclub, dahil every Friday night ay naroon silang magkakaibigan.
Pinili ko ang isang spaghetti strap red fitted dress na hanggang kalahati ng aking hita. Pagkatapos ay nagpahid ako ng make-up sa aking mukha. Kung noon ay kuntento na ako sa face powder at lip-gloss, ngayon ay hindi ako nakakalabas ng walang lagay na mascara at eyeliner sa aking mapupungay na mata. At ang blush on na ginagamit ko sa aking pisngi ay ang babagay sa aking suot na damit. Pinili ko ang red lipstick na kasing pula ng suot kong dress.
Habang tinititigan ko ang aking sarili sa salamin, hindi ako makapaniwala sa malaking pagbabago na ginawa ko. Sinong mag-aakala na ang manang at nerdy look ko’y biglang naglaho, at napalitan ng isang sophisticated look.
“Wow! Ikaw na talaga ang hundred and one percent make-over,” puri sa akin ni Klein nang makita niya ako sa harapan ng salamin.
Ngumiti ako nang pilya. “Kailangan kong maging maganda, kapag pupunta sa club na pinupuntahan niya,” pilya kong tugon na ang totoo’y natatakot ako sa muling pagkikita namin ni Lucas. Dahil baka hindi ko magawa ang plano ko na paibigin siya.
Hindi nagtagal ay umalis na kami ng dorm papuntang Zenclub.
** **
Habang papalapit kami ng Zenclub ay lumalakas ang pintig ng aking mga puso, dahil anumang oras ay p’wede kaming magkita ni Lucas.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa nasabing club; hinanap ng aking mga mata si Lucas ngunit hindi ko siya makita. Samantalang halos lahat ng kalalakihan ay nagkakandahaba ang mga leeg sa paghabol ng tingin sa akin.
Napailing ako, dahil ganoon na lamang ang pag-interes nilang maisayaw ako. Ngunit wala akong pinagbigyan, dahil isang lalaki lamang ang gusto kong maghabol sa akin ngayon.
“Max’s, what do you want to drink?” tanong ni Klein sa akin.
“Spirytus Vodka, please,” mabilis kong tugon at nagsindi ako ng sigarilyo.
“Are you sure, Maxine? It’s ninety-six percent of alcohol,” gulat na tanong niya sa akin.
Alam kong mataas ang alcohol percentage ng nasabing liquor drink. Pero gusto kong magwala ngayon sa stage dahil natanaw ko na ang grupo nina Lucas.
“Yes!” diretso kong tugon, habang ang mga mata ko ay nakatutok kay Lucas na nahalata naman ni Klein.
Itinaas niya ang kanyang mga kilay. “Now I know, but I want to remind you, keep tight your belt,” makahulugang wika niya.
“Don’t worry. I can take care of myself, now,” mabilis kong tugon.
Habang lumalalim ang gabi ay nawawala na rin ako sa aking sarili, dahil sa lakas ng alcohol na ininom ko. Sinong hindi mababangag? Eh, halos ako lamang ang umiinom ng nasabing liquor drink na in-order ko.
Hindi nagtagal ay nagtama ang mga mata namin ni Lucas. Ngumiti ako nang pilya at pasimple kong ibinaba ang lace panty na kulay pula rin.
Napalunok si Lucas sa aking ginawa. Ngunit hindi ko alam kung tuwa ba siya o hindi? Dahil ang mga mata niya ay madilim na nakatitig sa akin. Napangisi ako sa naisip ko, dahil wala na namang bago sa pagtingin niya sa akin. Dahil simula’t sapul ay galit siya sa katulad kong promdi.
Tumayo ako nang patugtugin ang kanta ni Rihanna na We Found Love
Yellow diamonds in the light
And we're standing side by side
As your shadow crosses mine
What it takes to come alive
“Hey, Maxine,” tawag sa akin ni Klein nang maglalakad na ako patungo sa dance floor.
Isang ngiti ang aking pinakawalan. “I feel I’m dancing,” tugon ko sa lasing kong boses.
“Are you sure na kaya mong magsayaw? Baka mamaya, nakahiga ka na pala diyan sa gitna,” paniniguro ni Klein, na may kasamang pag-aalala.
“Yes, I can dance!” sigaw ko at pumunta na ako sa gitna.
It's the way I'm feeling I just can't deny
But I've gotta let it go
Halos lahat ng kalalakihan ay pinalibutan ako sa gitna at nakipagsayaw sa akin.
Ngumiti ako nang pilya nang makita kong nangagagalaiti o nanggigil sa galit si Lucas ng may lalaking nakipagsayaw sa akin at hinapit ako, upang mapadikit ang p*********i niya sa akin.
Napailing ako, dahil kahit naramdaman ko ang paggalaw ng sandata nito ay hindi ako nakaramdam ng init sa katawan. Hindi katulad kay Lucas.
We found love in a hopeless place
We found love in a hopeless place
We found love in a hopeless place
We found love in a hopeless place
Ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa makamunduhang pumapasok sa utak ko. Bigla naman akong natauhan nang maramdaman ko ang kamay ng lalaking kasayaw ko na unti-unti nang bumaba sa may p’wetan ko.
“Bastos!” Sabay sampal ko sa lalaki.
Ngumisi ang lalaki. “C’mon, alam kong naghahanap ka,” sabi nang lalaki at hinawakan ang aking mga braso. “Alam mo bang wala pang nakakasampal sa akin?! Ikaw pa lang!” galit na pahayag ng lalaki at tinangka niya na halikan ako.
Shine a light through an open door
Love and life I will divide
Turn away 'cause I need you more
Feel the heartbeat in my mind
Nang dahil sa takot ko sa lalaki’y buong lakas ko itong itinulak at naglakad na ako pabalik sa table naming ni Klein. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo sa stage ay may humaklit sa aking braso. Laking takot ko nang makita ang lalaki na galit nag alit sa akin.
“Ang tapang mo, ah!” galit na sabi ng lalaki at hinila ako.
It's the way I'm feeling I just can't deny
But I've gotta let it go
“Array! Nasasaktan ako, ano ba?!” daing ko nang hinigpitan ng lalaki ang pagkakahawak niya sa aking braso.
“Masasaktan ka talaga! Kapag hindi mo ibinigay ang gus—”
Hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin niya ng may biglang sumuntok dito.
“Don’t you ever try to touch my girl! Or else, I will spank your ass, asshole!”
Halos manigas ako nang makita ko si Lucas na galit na galit sa lalaki.
Tumayo ang lalaki at hinarap si Lucas. “Ano bang pinagsasabi mo? Eh, ako ang unang nakakita sa babaeng ‘yan!” galit na tugon ng lalaki kay Lucas.
Nagtagis ang mga panga ni Lucas kasabay nang pagkuyom ng kanyang kamao.
Yellow diamonds in the light
And we're standing side by side
As your shadow crosses mine.
“Bingi ka ba? O nagbibingi-bingihan?” galit na tanong ni Lucas at hinapit niya ang aking beywang, palapit sa kanya.
‘Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa ginagawang pagtatanggol sa akin ni Lucas? O maiinis lang? Dahil hindi ko alam, kung totoo ba siyang concern sa akin, o may gusto na naman siyang gawin sa akin?’ mga katanungan na gumugulo sa aking isipan.
Tumingin si Lucas nang matalim sa lalaki. ‘‘Makinig ka sa akin. Ang magandang babae na nasa harapan mo’y pag-aari ko. She is my FIANCEE!” sabi ni Lucas na idiniin niya ang salitang fiancée.
Nagulat naman ako nang bigla akong halikan ni Lucas sa aking mga labi.
Ngumiti si Lucas pagkatapos niya akong halikan at pagkatapos ay muling hinarap ang lalaki.
“Naniniwala ka na?!” muling tanong ni Lucas sa lalaki at hinawakan na ko sa aking kamay at hinila na ako palabas ng Zenclub.
Natapos ang kanta na hindi ako nakapag-enjoy sumayaw nang dahil sa lalaking manyak na ‘yon. At pagkatapos ngayon ay hila-hila ako ni Lucas, palabas ng mismong club.
“Get in the car,” utos sa akin ni Lucas nang buksan niya ang pintuan ng kotse niya.
Umiling ako. ‘‘Bakit kita susundin?! Sino ka?! Para sundín ko?!” sunod-sunod kong tanong kay Lucas.
Ngumisi si Lucas at imbes na sagutin ang mga tanong ko ay hinawakan niya ako sa aking braso. “Sasakay ka?! O Ako ang magsasakay sa ‘yo?!” galit na tugon ni Lucas.
Ang kapal din talaga ng lalaking ito. Hindi na nasiyahan na halikan ako sa harap ng maraming tao, ngayon naman ay gusto na naman niya akong dalhin kung saan.
Bago kami tuluyang makalayo sa bar ay narinig ko ang isang love songs tungkol sa lihim na pagtingin.
Isang awitin na sinulat ni Pambz.
Tuwing ikay nakikita
Di maipaliwanag ang nadarama
Kapag dumaraan ka saking harapan
Di mapigilang ngumiti pero pilit tinatago ang nararamdaman
Pre-chorus
Hanggang kailan kaya maikukubli
Tinatagong pagtingin ko sa iyo
Chorus
Akoy lihim na umiibig sa isang katulad mo
Natatakot masaktan kapag nalaman ang pagmamahal sa 'yo
At ikay uniwas at di mo na pansinin
Kayat itatago na lang ang sayo'y lihim na pagtingin
Kapag kaharap ka
Walang masabi at natutulala
At kung akoy kakausapin mo
Akoy nanlalambot at biglang namumula
Bridge
Dahil walang lakas ng loob ako'y nahihirapan
Pagkat ang turing mo sakin ay isang kaibigan lang
Tumulo ang aking mga luha dahil nagpakatanga ako at umasa sa lalaking matagal ko nang minamahal.