MAXINE’S POV Katatapos lang namin na magniig ni Lucas nang tumunog ang kanyang cellphone. Mabilis na dinampot ni Lucas ang kanyang cellphone sa bedside table. ‘‘Hello, Dad, bakit ka napatawag?’’ tanong ni Lucas sa tumawag sa kanya na walang iba kung ‘di ang daddy niya. Tumingin sa akin si Lucas at bigla niyang hinwakan ang aking mga kamay. “Sige, Dad, papunta na kami diyan,” muling sabi ni Lucas at pinutol na niya ang kanyang linya. Kinakabahan ako sa mga titig sa akin ni Lucas, dahil biglang nalungkot ang kanyang mukha ng makausap niya ang kanyang ama. “Babe, why are you usad?” tanong ko kay Lucas na hanggang ngayon ay nakatitig lang sa akin. Sa halip na sagitin niya ang aking tanong ay niyakap niya ako nang m

