MAXINE'S POV Katulad ng plano ni Lucas ay kumuha pa siya ng isang hotel room para kina Tatay, Nanay, Jessica at mga bata. At sa katabing silid naman ay ang pina-book ni Lucas para sa amin. Na ang plano niya talaga ay kaming dalawa lang ang mag-o-overnight ngayon. Andito kami ni Lucas sa isang cottage at pinapanood namin ang dalawang bat ana masayang naliligo sa swimming pool, kasama ang Tita Jessica nila. Mabuti na lang at umuwi si Jessica nagayong sem break niya. May nakakatulong akong mag-alaga sa mga bata. Samantalang ang kapatid kong si Justine ay nasa Manila at kasama ng aking biyenan sa pagbabantay kay Gabriel, na hanggang ngayon ay comatose pa rin. Ngunit ang sabi ng doctor ay malaki na ang chance ni Gabriel na magising, dahil ang karawan niya’y tinatangga

