MAXINE’S POV AFTER TWO MONTHS AND HALF Mabilis lumipas ang araw; at ngayon ang pinakahinihintay kong result ng LET. Katatapos lamang naming magniig ni Lucas nang tumunog ang aking cellphone, at nakita kong si Sahara ang tumatawag sa akin. Mabilis kong sinagot ang tawag niya. “Hello, Sahara, bakit napatawag ka?” “Hello, Maxine, tumawag ako sa ‘yo, kasi gusto kitang i-congratulate! I just saw on the news the result of the board exam. And you passed it, Maxine! Ikaw ang nasa top!” mabilis niyang tugon na punong-puno ng excitement. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig mula kay Sahara. Nagawa kong makapasa sa board exam na ako pa ang nag-top. Sobrang matutuwa ang mga magulang ko nito sa akin. Magsasalita na sana ako nang muling magsalita si Sahara. “Hey, Maxine! Natahimik ka na diyan

