Chapter 19
Alone
NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na mula sa bintana. Nakabukas na ang kurtina. Pagtingin ko sa gilid ay nalungkot ako bigla. He left and Im alone.
Dahil sa alak ay naisuko ko yung virginity ko. I'm so stupid! Idiot!
Dahan dahan akong tumayo. Kahit na nasasaktan ako sa paglakad ay pinilit ko parin. Masakit ang private part ko.
Pumasok ako sa CR at agad na nagbabad sa bath tub. May nakahanda na kasi tapos may pa rose petals pa. Si Craize ba ang gumawa nito? Imposible.
Pagkatapos kong magbabad ay naligo na ako at nag banlaw. Binuksan ko ang cabinet at nagulat ako ng may isang pants, blouse and even undergarments. Yung mga gamit na damit ko kagabi nawala din.
I have no choice kaya nagbihis na lang din. Agad akong lumabas ng kwarto pagkatapos kong mag-ayos.
Dumeretso ako sa kusina at nakita si Blaze.
"Oh hi, good morning. Craize told me that you were sick that's why I gave you some clothes. By the way, kanina pang madaling araw umuwi si Craize. Veanicequa called him." Sabi ni Blaze at bigla na lang sumimangot. "I really hate that b***h's guts. I still hate her but I don't have a choice kasi si Mommy na nakapag-desisyon na ikakasal sila. And actually next week na yun"
Sa haba ng sinabi ni Blaze ay ang tanging naintindihan ko lang ay magpapakasal na si Craize kay Veanicequa. My mind went blank. And then he left me after banging me. Parang na hit and run ako ah.
"G-Ganun ba. Pakisabi na thank you sa pag-aalaga saakin. I have to go Blaze" Sabi ko at pilit na ngumiti.
"Are you really okay?" Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Tumango ako at ngumiti.
"Of course!"
Nagpaalam na ako at agad pumunta sa condo ni Martin. He told me his address bago kami pumunta dito sa Pilipinas.
Sumakay ako ng taxi. Nakatingin lang ako sa labas. Bigla na lang lumitaw ang isang imahe ng nangyari saamin ni Craize kagabi. Agad akong umiling at pinunasan ang luha ko. Di ko namalayan ay tumutulo na pala.
Pagdating sa condominium building ay agad akong pumasok sa elevator. Pinindot ko ang floor 27.
Bumukas ang elevator at naglakad na ako para hanapin ang condo ni Martin. Nakita ko ang #897 at agad ko itong binuksan gamit ang card. Itinapat ko ito sa scanner at automatic na bumukas ang pinto.
"Martin?" Tawag ko. Pero walang boses ang sumagot. Where the heck is Martin?
[Refer to a chapter were Martin met Veanicequa and Craize and Veanicequa's father]
I guess busy siya sa business partnership na ginagawa niya ngayon. I suddenly miss him.
Pumasok ako sa isang extrang room at agad humiga. I still feel sore and tired.
Di namalayan ay nakatulog na pala ako.
"Where are you, Veanice? Hinahanap ka ni Kuya!" Sigaw saakin ni Blaze sa kabilang linya. Tinawagan niya kasi ako.
"Huh? B--bakit ako? Nandyan naman si V--Veanicequa diba?" Kinagat ko ang labi ko para iwasang maiyak.
Pagkatapos kong tumakbo palabas ng ospital ay dumeretso na ako sa bahay. Nagkulong ako sa kwarto. Nag aalala na nga sila Nanay pero pinilit ko ang sarili na wag muna silang pansinin.
"Ano ba, Veanice! Kahit na bulag si Kuya di siya bobo, Veanice. Alam niyang hindi ikaw si Veanicequa. He said he felt empty while staring at her!"
"No please...tama na... Blaze wag muna ngayon" Di ko na napigilan at napahagulhol na lang ako sa sakit. Napindot ko ang end button. Nahulog ko ang cellphone sa sahig. Agad akong humiga at niyakap ang unan.
Ang sakit...ang sakit sakit. Parang nag-iisa lang ako sa madilim na kwarto na to. Empty and alone.
"VEANICE!"
Napaupo ako mula sa pagkakahiga sa gulat. Nanlaki ang mata ko nang makita si Martin na nag-aalalang tumitingin saakin. Bigla na lang akong umiyak kaya yinakap niya ako. Sumandal ako sa dibdib niya habang siya naman ay inaalo ako.
"Him again?" Ramdam ko ang pait sa boses niya. Yes, matagal ko ng alam na may gusto saakin si Martin pero di ako pumayag na ligawan niya ako.
Ayaw kong paasahin siya. Dahil alam ko sa huli ay masasaktan lang siya.
At isa pa kaibigan lang ang turing ko kay Martin at wala ng iba.
Tumango ako sa tanong niya habang humihikbi. Naramdaman kong humigpit ang yakap niya saakin.
"How can that man hurt you like this?! I even saw him making out with a girl inside the girl's father's office" Natigilan ako.
Ibig sabihin iniwan niya ako para samahan niya si Veanicequa? I mentally laughed. Im so pathetic. Ofcourse! Fiancé niya eh!
"Let's eat pizza instead and watch some Netflix movies" Sabi niya. Huminto naman ako sa pag-iyak at tumango tango.
I heard him chuckled at binitawan na ako.
"Let's go"
NANDITO kami ngayon sa sala habang ako ay busy sa pag-scroscroll sa mga magagandang panoorin sa Netflix. Then I saw the movie Coco. Isang cartoon movie pero maraming aral na mapupulot. Plus the soundtrack is amazing.
Biglang tumunog ang doorbell.
"I guess the pizza is here" Masayang sabi ni Martin. Parehas kasi kaming pizza lovers. We love pizzas. Pero di kami araw araw kumakain. Its still bad.
Narinig kong nagsalita si Martin. At sumirado ang pinto.
Nakita ko siyang lumalakad papalapit saakin habang hawak hawak ang apat na box ng pizza. We ordered cheezy pizzas with meats. Yum!
Nilapag niya na ang apat na box. Agad akong nagbukas ng isa at kumuha ng isang slice.
Kumagat ako at napapikit sa sarap.
Tumingin kami sa isat-isa ni Martin at tumawa. We are really meant to become bestfriends.
With my bestfriend, I feel happy and he made me forgot about my heartaches. He makes me happy always.
"The best pizza ever! HAHAHAHA" Iniwagayway pa namin ang pizza na hawak namin.
Even though my happiness ain't permanent. Ang mahalaga ay sumaya ako.
With him, I don't feel alone.
---
RHEAlisticFantasy