Chapter VI
Reese's POV
Pagdilat ko ng aking mata ay tanging ilaw mula sa kisame ang unang bumungad sa akin.
"Thanks god youre awake." biglang salita ni Raymond mula sa aking tabi, tinignan ko lang siya at bumangon ako mula sa pagkakahiga pero wala akong lakas kaya inalalayan niya ako.
"Kamusta ka na?, do you want to eat? drink?" muli niyang tanong.
"Nauuhaw ako best." medyo nahihina ko pang sabi sa kanya, agad niya naman akong binigyan ng tubig na may straw.
"Kamusta ang pakiramdam mo? Ok ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong sakin.
"Dont worry im fine, pumunta ba si Chase rito?" tanong ko kay Raymond.
"Yes yes nandito siya kanina bago ako dumating, he's so tired kaya pina-uwi ko muna siya para makapagpahinga." kwento nito.
Weeks has passed and finally naka recover na ako mula sa sugat na natamo ko mula sa mga akyat bahay na iyon. Nagfile ako ng case against them and i win, they will live the rest of they're life in jail. Busy ako kakadecorate ng sala para sa birthday mamaya ni Chase he doesnt know that i prepared a party for him, it was a surprise and Raymond help me.
It's already 10:30 pm pero hanggang ngayon hindi pa dumadating si Chase, sinusubukan kong tawagan siya pero hindi niya naman ito sinasagot, nagpaalam muna si Raymond na uuwi because he forgot his gift for Chase, babalik nalang siya mamaya.
I decided to open one bottle of beer while waiting for Chase, ang isa ay naging dalawa hanggang sa hindi ko napansin na nakaubos na ako ng kalahating case, i check my phone if he texted me pero kahit isang mansahe ay wala akong natanggap.
"Where are you Chase?" malungkot kong sabi then tears slowly falling from my eyes.
Patakbo kong tinungo ang banyo dahil ramdam ko na parang binabaliktad ang aking sikmura, naghilamos ako ng aking mukha pagkatapos kong sumuka, i look my reflection in the mirror.
"Isa kang tanga Reese, Chase is a married man now ba't kailangan mo pang ipagsiksikan ang sarili mo sa kanya." sabi ko sa aking sarili, muli akong naghilamos at lumabas ng banyo.
Isa-isa kong tinanggal ang mga balloons na nakasabit sa dingding ng bahay pati na rin ang ibang mga decorations, i was heartbroken he never came for me maybe im not that special, after all this year he still chooses his family before me, dahil sa kalasingan at pagod ko ay napahiga nalang ako sa sahig habang yakap- yakap ang aking mga tuhod.
"Tapos na ba ang party?" sabi ni Raymond nang mapansin nito na ang gulo-gulo ng bahay, lumapit siya sa akin at agad niya akong niyakap.
Chase's POV
Its my special day, i want to spend my night with Reese nasa biyahe na ako papunta sa kanya nang tumawag ang aking asawa, it was an emergency one of the twins got a high fever kaya dali-dali akong umuwi nang bahay, i called our family doctor pero di ito sumasagot, mabilis kong pinatakbo ang aking sasakyan para makauwi agad.
Pagdating ko ng bahay ay dali-dali akong pumasok ngunit madilim ang buong paligid kaya kinapkap ko ang switch ng ilaw..
"HAPPY BIRTHDAY"....nagulat ako dahil sa biglang pagputok ng confetti kasabay nito ang paglaglagan ng mga makukulay na lobo tiningnan ko ang mga mukha sa loob ng sala at nandoon ang lahat ng mahahalaga sa akin, tumakbo ang aking kambal at yumakap sila sa akin, lumuhod naman ako para magkalebel kami.
"Happy Birthday Papa." sabay na sabi ng aking kambal at sabay din silang humalik sa aking pisngi.
"Salamat mga anak." isa-isa ko silang hinalikan sa noo at niyakap, lumapit si Chloe at binati niya ako i thank and kiss her, i never expect na e surprise ako ng aking asawa. Malalim na ang gabi at unti-unti nang nagsi-uwian ang mga bisita.
"Hon thank you so much for this special night, im very happy." sabi ko sa aking asawa at niyakap siya.
Maaga palang ay umalis na ako ng bahay para puntahan si Reese, pagdating ko ay agad akong bumaba ng sasakyan at nagdoorbell pero walang lumabas, nakaka-ilang tawag na ako sa kanya pero cannot be reach ang kanyang telepono, muli kong naramdaman ang unang pagkakataon na umalis si Reese, that time when he left without saying, mabilisan kong pinaandar ang aking sasakyan at tinungo ang Ray.n.bow. Pagdating ko doon ay nawala ang aking kaba nang makita si Reese kasama ng kanyang bestfriend patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Pinag-alala mo ako alam mo ba yun?" mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya.
"Sino ba ang nagsabi sayong mag-alala ka sa akin? Diba wala?" kumalas ako sa pagkakayakap kay Reese nang sabihin niya iyon, pareho kaming nagulat ni Raymond sa sinabi nito.
"Hmmm, maiwan ko muna kayong dalawa may gagawin lang ako." paalam ni Raymond, tinapik niya ako sa balikat bago siya umalis.
"Do we have a problem Reese?" pa una kong tanong sa kanya, lumingon siya at seryosong tumingin sa akin. Namamaga ang kanyang mata dahil sa kakaiyak, alam kong ako dahilan kung bakit umiyak ang mahal ko?
Hinawakan ko ang kanyang pisngi "Hey, lets talk about this, ok?" sabi ko rito.
"Please Chase itigil na natin to." hindi na niya napigilan ang mga luha niyang kanina pa nagbabantang lumabas.
"What do you mean?" sabi ko rito, please wag mong sabihin.
"Itigil na natin ang relasyon natin Chase." at bumagsak na rin ang mga luha ko, he finally said the words that i dont want to hear, it feels like im tearing apart.
"But why?, i thought you still love me?, you promise that you'll still love me, ba't ngayon ititigil na natin?" kong sabi sa kanya sa garalgal na boses.
"I dont want to hurt myself again Chase, alam mo ba kagabi? I prepare a surprise birthday party for you but you never came." sabi nito.
"Please Reese let me explain, honestly i want to spend my special day with you but Chloe called me that one of the kids got a high fever so i go back home, hindi ko akalain na may surpresa pala silang naghihintay sa akin, just like you they prepare a surprise birthday party for me." mahaba kong paliwanag sa kanya. Hinawakan niya ang aking kamay habang nakatingin sa akin.
"I know, thats why i decided to let you go, hindi ko gustong nahahati ang oras mo between me and youre family" sabi nito.
"f*ck no, i dont want to choose pareho kayong mahalaga sa buhay ko." hinalikan ko ang kanyang noo at bibig bago siya yakapin.
Raymond's POV
**** Kriiiing****
Tiningnan ko ang telepono ni Reese.
(My Shrek) calling....
Nakakailang tawag na si Chase kay Reese pero hindi niya ito sinasagot, masama pa rin siguro ang kanyang loob sa kanyang nobyo, kung ako sa sitwasyon ni Reese sasama din ang loob ko dahil todo effort ka tapos mapupunta lang sa wala ang lahat.
Nasa gitna kami ng pag-uusap ni Reese nang biglang dumating si Chase, napatingin siya sa aming dalawa at agad siyang lumapit kay Reese at niyakap ito ng mahigpit.
"Pinag-alala mo ako alam mo ba yun?" mangiyak-ngiyak nitong sabi kay Reese.
"Sino ba ang nagsabi sayong mag-alala ka sa akin? Diba wala?" seryosong sabi ni Reese, kumalas naman mula sa pagkakayakap si Chase nang sabihin niya iyon, nagkatinginan kaming dalawa ni Chase dahil sa gulat.
"Hmmm, maiwan ko muna kayong dalawa may gagawin lang ako." ramdam ko ang tensyon kaya nagpaalam ako, tinapik ko ang balikat ni Chase bago ako umalis, kahit sa ganitong paraan ay maiparamdam ko sa kanya na wag siyang mawalan ng pag-asa.
"Do we have a problem Reese?" rinig kong sabi ni Chase, "Hey, lets talk about this, ok?" dagdag pa nito.
Kumubli ako sa pader para marinig pa ang kanilang pag-uusap, hindi ko gustong makisali sa kanilang relasyon pero hindi ko rin gustong mangyari muli ang dati, ayaw kong makita na maging miserable muli ang buhay ng aking bestfriend.
Flashback...
"Besty, tingnan mo ang dalawang yun oh, aren't they cute?" biglang sabi ni Reese kaya napatingin ako sa kanya, alam kong NBSB itong kaibigan ko kaya ramdam ko na he needs someone who can make him special, yung magsasabi sa kanya ng hindi ka nag-iisa hindi kita iiwan kahit ano man ang mangyari.
Kahit may bagyo ngayon ay madami pa rin ang kumakain sa aking resto, kakapasok lang ng aking besty at medyo basa ang kanyang katawan, agad ko siyang tinawag alam kong hindi na naman ito kumain ng tanghalian , i feel pity for him because all he do in his life is work, kaya wala na siyang oras maghanap ng jowa, hays! nakakaawang bakla.
Pagkatapos niyang umorder ay naghanap na siya agad ng bakanteng mesa, i prepare his food dahil busy ang lahat ng aking tauhan dahil sa dami ng tao, nang matapos ko nang ihanda ang kanyang pagkain ay agad ko na itong ipinahatid sa kanya, nandito lang ako sa gilid habang pinagmamasdan ang aking besty, tamang-tama naman ang pagdating ni Chase, He is my cousin in mother side he's from Cavite. I already plan this gusto kong ipagtagpo silang dalawa, matagal ko nang kine-kwento si Reese sa kanya and i see that he's already interested in him kahit sa kwento palang.
"Hi cous, maraming tao ngayon ah." sabi nito.
"Payday kasi ngayon kaya maraming tao. By the way do you remember my friend that i always tell you?" sagot ko rito.
"Sinong friend?" takang tanong niya sa akin.
"Wow! Ang bilis mo namang makalimot, yung bestfriend ko." sabi ko rito.
"Ah ok, bakit? nandito ba siya? Asan?" excited nitong sabi sabay hanap sa mga kumakain.
"Hahahha, ikaw Chase ha! gusto mo talaga siyang makilala? natatawa kong tanong rito.
"Of course, i want to meet him. By the way asan siya?" muli niyang tanong sa akin.
"Over there". turo ko sa direction ni Reese na lumalamon, i see his excitement in his eyes, walang paalam siyang umalis and he grabs his food at agad na siyang lumapit sa mesa kung nasaan kumakain si Reese.
I saw a spark in Reese's eyes when he saw Chase, ako ang naging kupido nilang dalawa kung bakit sila nagkatuluyan hanggang sa inamin ni Chase ang totoong dahilan ng kanyang pagkawala.
Isang sikat na modelo si Chase bago pa niya makilala si Reese and Chloe is the spoiled brat of the Dela Cruz's. This slut ay naaksidenteng nabuntis ng kanyang tagong nobyo, ayaw itong panagutan ng lalaki kaya iniwan siya nito wala na siyang ibang naisip pa, gulong-gulo na ang kanyang isip, if her father knows about this she will be an outcast. Until one day she dragged Chase in her problem.
Kinidnap nila si Chase at tinago sa lumang bahay, Pinipilit nilang ipakasal si Chase kay Chloe, sa una ay hindi pumayag si Chase sa gusto nila hanggang sa sinama nila ang pangalan ni Reese sa usapan, they will kill his boyfriend if he don't marry Chloe. Mahal na mahal nito ang kanyang nobyo kaya pinili niyang pakasalan si Chloe para sa kaligtasan ni Reese.
Huli na nang malaman ni Chase na kasabwat din pala ang ama ni Chloe, kaya siya pinakasal sa kanyang anak para hindi mapahiya ang kanilang angkan.
"Itigil na natin ang relasyon natin Chase." napatakip ako sa aking bibig nang marinig ang sinabi ni Reese.
"But why?, i thought you still love me?, you promise that you'll still love me, ba't ngayon ititigil na natin?" kahit na nakikinig lang ako ay ramdam ko ang bigat ng emosyon.
"I don't want to hurt myself again Chase, alam mo ba kagabi? I prepared a surprise birthday party for you but you never came." sabi ni Reese.
Chase explains his side but Reese really wants to let go of Chase, gusto niyang itigil kung ano mang relasyon ang namamagitan sa kanilang dalawa. Alam kong alam na rin ni Chloe ang tungkol dito and i know she's making her move now.
Chloe's POV
Matutulog na sana ako nang magring ang aking telepono, bumangon ako at tinignan kung sino ang tumawag pero unknown number ang lumabas sa screen.
"Hello?, who's this?" tanong ko sa kabilang linya.
"Hello Chloe." biglang nanlamig ang aking buong katawan dahil sa pamilyar na boses, agad akong lumabas ng kwarto at tinungo ang aming garden para hindi magising si Chase, how did he get my digits? Lalong nanlamig ang aking katawan dahil sa lamig ng hangin na tumatama sa aking balat.
"Do you miss me?" sabi nito.
"Pwede ba Mark wag mo na akong guluhin pa, we're already done" galit kong sabi sa kanya.
"Kalma lang Chloe, hindi ako tumawag para guluhin ka, i'm just here for my kids." bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
"No, they're not your kids, pwede ba Mark tigilan mo na ang pangbubwisit sakin kung ayaw mong humandusay sa daan." matapang kong sabi rito.
"Oh are you threatening me?, Hahaha ako pa talaga Chloe? here's the deal my love, you let me see my kids and i will never bother you anymore, or else lalabas ang lahat ng baho mo, Deal?" seryoso nitong sabi, napatigil ako sa huli nitong sabi, oh sh*t anong gagawin ko?, pano kung kunin ni Mark ang mga bata sa akin? Hindi ako papayag na makita niya ang mga bata.
"Never, manigas ka Mark, you will never see the twins." galit kong sabi rito bago ko pinatay ang tawag, dahil sa inis ko ay napasigaw nalang ako, that crazy maniac i never see that coming. Papasok na ako ng bahay ng mapansin ko si Chase na pababa ng hagdan kaya agad kong tinungo ang kusina, binuksan ko ang ref at kinuha ang pitsel.
"Oh hon, are you also thirsty?" tanong ko rito nang makapasok siya sa kusina.
"Yeah, i heared a scream kaya nagising ako, did you heared it too?" tanong niya sa akin habang humihikab, bigla akong kinabahan kaya uminom ako ng tubig.
"A scream? No, i don't heared it, baka nanaginip ka lang." sabi ko sa kanya at binigyan siya ng tubig.
"Yeah, baka sa panaginip ko lang yun." sabi nito. "I'll be back to sleep good night hon." sabi nito pagkatapos niyang uminom ng tubig.
"Good night, aakyat ako pagkatapos ko rito." malumanay kong sabi rito.
Reese's POV
"I know, thats why i decided to let you go, hindi ko gustong nahahati ang oras mo between me and your family" sabi ko kay Chase, why do i always feel this kind of pain?
"f*ck no, i dont want to choose pareho kayong mahalaga sa buhay ko." hinalikan niya ang aking noo at bibig bago niya ako yakapin. This is for our own good, hindi man kasalanan ang umibig pero ang mali lang ay umibig ako sa may asawa and this is wrong, our love is wrong, lahat nang ito ay mali and i have to let him go even its tearing me apart.
For the last time i touch his face and kiss him, i can't take this anymore kaya patakbo akong umalis sa bahay ni Raymond, i heard Chase calling me but i dont mind him, palabas na ako ng pinto nang hatakin ako ni Chase pabalik kaya napayakap ako sa kanya at dito ko na binihos ang lahat nang aking luha.
Two months later…
Lumalamig na ang simoy nang hangin, nakasabit na ang makukulay na parol, ramdam mo na talaga sa paligid na malapit na talaga ang pasko, nagmadali akong pumasok ng simbahan dahil malapit nang mag-umpisa ang misa. Matagal na rin akong walang balita kay Chase, mabuti nang ganito.
"Sorry." pagpaumanhin ng lalaki sa akin dahil nabangga niya ako.
"Oh, i-im sorry din." humingi din ako ng dispensa sa kanya dahil sa totoo lang ako talaga ang nakabangga sa kanya. Pagkatapos ng misa ay dumaan muna ako sa nagbebenta ng bibingka dahil nagutom ako.
"Dalawang bibingka nga po." napatingin ako sa aking katabi dahil sabay kaming nagsalita, napa-iling ako habang nakangiti.
"Sige ikaw muna." sabi ng lalaki.
"Thank you ha" pasalamat ko rito at nginitian ko siya.
Pagkatapos kong bumili ay naglakad-lakad muna ako sa parke habang kinakain ang bibingka nang may tumawag sa akin, paglingon ko ay ang lalaki pala na kasabay kong bumili kanina.
"Hey, it's me again, naiwan mo to kanina." at binigay niya sa akin ang payong na nakalimutan ko sa tindahan ng bibingka.
"Oh sh*t, thank you ha! Naabala pa kita." sabi ko rito.
"Naku wala yun, by the way i'm Christian, tian nalang for short." lumahad ito ng kanyang kamay at ngumiti agad ko namang inabot ang kanyang kamay, bakit ganun bigla akong nakaramdam ng kuryente sa kanyang kamay, its the same feeling when i touch Chase's hands kaya agad ko siyang binitawan, its so weird.