Gian pov Maaga akong nagising, well actually naging tulog manok ako dahil natatakot akong baka umalis siya o mawala na lang bigla sa aking tabi. Siguro naging praning na ako dahil habang magkahawak ang aming mga kamay tinalian ko ito ng panyo. Wala na itong kamalay-malay sa aking ginawa dahil siguro sa pagod mula sa byahe. Idagdag pang halos hindi ko na tinantanan dahil nasasabik akong siya ay angkinin. At ngayon nga sa unang liwayway ng liwanag ang mukha niya ang aking nababanaag. Kahit isang kisapmata ay ayaw kong gawin, sa takot na mawalay siya sa akin. Di baling mapuyat masiguro ko lang na sa mahamog ng umaga sa aking pagkakape siya ay makakasama. “Ling, gising kana magkakape na tayo,”bulong ko sa kanya. “Hmmm antok pa ako eh,”namamaos boses niyang sagot. May video clip na dumatin

