Gracey pov Sobrang swerti talaga namin sa aming ate Afsheen. Dapat galit na silang lahat sa aking ginawa eh pero nariyan si ate para gumawa ng paraan. Pero natawa ako sa sinabi ni ate Clea na ako mismo ang gagastos sa sarili kong kasal. Bilang kaparusahan sa aking ginawang kasalanan. I will accept there decision dahil sa aking pagiging padalus-dalos nagkagulo ang lahat. At nakakahiya pa dahil ang aking pagseselos ang naging dahilan. Naging tampolan pa tuloy ang aking pagiging runaway bride. Nakakahiya paano kaya ako haharap sa mga magulang ni Gian. Haiisstttt ang tanga ko talaga grabe. "Hoy! Gusto mo bigyan kita ng martilyo para maipokpok mo sa ulo mo. Shungga neto eh balisang-balisa. Huhulaan ko kung ano ang nasa utak mo. It's either nagsisi ka sa katangahan na ginawa mo o nahihiya kang

