SUNOD sunod na malalakas na katok ang pumukaw kay Ken. Padabog siyang bumangon at mabilis na pinagbuksan si Jane, ang nakatatanda niyang kapatid.
"You know what? Just break the door. Nakakahiya naman sayo." Sarkastikong turan ni Ken bago bumalik sa kaniyang kama at naupo.
"Wow level up ang attitude." Biro ni Jane sanhi para tingnan siya ng masama ni Ken. Dala ang maliit na maleta dire-diretsong itong pumasok sa kwarto ng nakababatang kapatid. Humiga ito sa kama niya, "Yaahhh! So tiring!" Iniunat nito ang magkabilang kamay bago ipinikit ang mga mata.
Kauuwi lang ni Jane galing sa bansang Thailand kaya sigurado si Ken na pagod talaga ito. Dagdag pa ang stress sa daming pinapagawang trabaho ng mga magulang nila kaya hindi na lang niya ito inabala at hinayaan na lamang na makapagpahinga.
Tumayo si Ken upang kunin ang laptop na nakapatong sa mesa niya. Pagkabukas niya nito ay bumungad agad sa kaniya ang maraming chats mula sa mga kaibigan niya. Ngunit nakuha ang pansin niya ng mensahe ng hindi niya kilalang tao.
'Mr. Phantom?' Tanong ni Ken sa isip niya.
Agad niyang binuksan ang message nito. Bumungad sa kaniya ang mga larawan niya - solo at kasama ang mga kaibigan niya. Kumunot ang noo niya at the same time nakaramdam din siya ng kaba.
Agad niyang ni-stalk ang account ng estranghero. Walang kahit na anong picture.
"Creepy." Salita niya.
Maya-maya ay naalala niya si Justin, isa sa mga kaibigan niya na mahilig gumawa ng alter account at magbiro. Sa pag-aakala ay mabilis niya itong nireplyan.
'Don't me Justin!' reply niya bago muling itinurn off ang laptop niya.
"Who's Justin?" Nagulat si Ken sa biglang pagsasalitang iyon ng ate niya. Muntikan niya pang mabitawan ang laptop niya. Tiningnan na naman niya ito ng masama. "Sorry." Jane mouthed habang nakapeace sign.
"Be thankful dahil hindi ko naihampas sayo ang laptop ko." Irap na sabi ni Ken bago ipatong ang laptop sa mesa niya.
"Ang harsh mo talaga kahit kailan. Napakarude!" Umiling-iling si Jane. Nag-eenjoy asarin ang batang kapatid dahil mabilis itong mapikon. Asar-talo.
"Alam mo kung pumunta ka lang dito para mambwisit the door is widely open. Makakalabas ka na." Napatawa ng tuluyan si Jane at nagmwestrang sumusuko na.
"Oh right! Ito na lalabas na." Natatawang sabi niya. Kinuha niya ang maletang dala niya. "Maliligo muna ako, magbihis ka na rin." Tumango lamang si Ken at ngumiti habang tinitingnan ang nakatatandang kapatid palabas sa kwarto niya. Kahit kailan talaga ay wala itong pagbabago. Sobrang kulit parin nito. Kung titingnan ay parang si Ken ang matanda dahil sa pagiging isip bata ng ate niya.
"HOW are mom and dad?" Tanong ni Ken habang nagmamaneho ng kotse. Patungo sila ngayon sa milktea shop na madalas nilang tinatambayan ng ate niya kapag umuuwi ito galing sa ibang bansa.
"They're doing good. Busy. As always." Sagot ni Jane habang abala sa pagscroll sa cellphone niya. Napahinga siya ng malalim. Kailan kaya niya muling makikita ang mga ito? Sa bente dos na existence niya sa mundo ay tatlong beses pa lang niya ang mga ito nakita. Tanging mga katulong lang ng pamilya nila ang nag-aalaga sa kaniya. Sa tatlong beses na iyon ay oras lang din niya nakakasama. Madalas ang mga ito sa ibang bansa abala sa business ng pamilya nila.
Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na sila sa CaféTéa. Pagkapasok sa shop ay agad silang umorder ng paborito nilang orderin dito - Thai milktea at nutella moouse cake.
"Next year mom told me you can follow us in Thailand." Sabi ni Jane bago sumimsim sa straw ng milktea. Nakaramdam ng galak si Ken.
"Bakit hindi pa ngayon?" Birong sabi nito. Sumimangot ang kapatid niyang si Jane. "Yeah I know. Hindi pa pwede ngayon." Hinawakan ng ate niya ang mga kamay niya at ngumiti.
"Everything will be alright little brother." Ngumiti din siya sa ate niya. Naiintindihan niya kung bakit hindi pa siya pwedeng sumunod sa mga ito. Ayos lang sa kaniya dahil dinadalawa naman siya palagi ng ate niya.
Tumunog ang ringtone ng messenger ni Ken. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at agad na tiningnan kung sino ang nagchat sa kaniya.
'Mr. Phantom' bigkas niya sa isip niya. Agad niyang binuksan ang chat nito.
Bigla siyang nagulat sa larawan niya at ng ate niya na kasalukuyang kumakain sa CaféTéa. Iniikot niya ang paningin niya sa loob ng shop. Halos naman ng taong nandito ay abala sa pagkukwentuhan at pagkain.
"Hey are you okay? Parang namumutla ka?" Nag-aalalang tanong ng ate niya. Hinawakan pa nito ang noo niya upang tingnan kung may sakit ba ito.
"I'm okay ate. Medyo masakit lang ang ulo ko." Ngumiti siya, "But I'm fine." Pahabol niya bago muling ikutin ng tingin ang loob ng shop.
'Where are you?' reply niya. Pagkasent niya nun ay agad naman itong nagreply.
'Outside CaféTéa looking at you.' Tumingin tingin din si Ken sa labas ng shop. Gawa sa bubog ang wall nito kaya nakikita ang labas. Napansin niya ang di katangkarang lalaki na nakasentro ang tingin sa kanila sa may parking lot malapit sa kotse niya. Nakasuot ito ng itim na leather jacket, itim na sobrero at itim na mask.
"Ken is there a problem? Parang balisa ka. Sino bang hinahanap mo?" Takang tanong ng kapatid niya.
"Ate pupunta muna ako saglit sa kotse kukunin ko lang ang charger." Tumango lamang si Jane sa kapatid. Agad namang tumayo si Ken at mabilis na lumabas.
Dumiretso siya sa parking lot sa harap ng shop ngunit nabigo siyang maabutan ang pakay niya. Iniikot niya ang kaniyang paningin ngunit walang anino ng lalaki siyang nakita.
"Saan na yun? Ang bilis naman yata niyang nawala." Kausap niya sa kaniyang sarili.
Tumunog muli ang cellphone niya kaya agaran niya itong tiningnan.
'Nice to meet you!' Chat ng estranghero. Nakaramdam siya ng inis. Alam niyang pinaglalaruan siya nito.
Sa inis ay kinuha na lamang niya ang charger sa loob ng sasakyan at bumalik sa loob ng shop. Naabutan niyang may kausap ang ate niya sa cellphone nito.
"Okay, see yah!" Nakangiting wika ni Jane bago na-end ang tawag.
"You have an appointment?" Direct na tanong ni Ken sa kapatid. Tumango si Jane bilang sagot.
"Mom want to meet her friend. One of our investor." Paliwanag ni Jane.
"You can use my car. Magkocommute na lang ako pauwi." Sabi ni Ken bago sumimsim ng milktea. Hinawakan muli ni Jane ang kamay ng kapatid.
"I know what you're thinking. Don't worry madali lang ako." Ngumiti si Jane at ginulo ang buhok ni Ken. Napanguso naman ito. Pagdating talaga sa kaniyang ate ay nagiging childish ito.
Inihatid ni Ken ang kapatid sa parking lot hanggang sa makaalis ito. Nag-abang siya ng taxi. Napagdesisyunan siya na magliwali muna. Ilang araw din kasi siyang nagstay sa condo unit niya, walang labas labas.
"Manong sa malapit na bar lang po." Wika niya sa driver ng taxi. Wala trip lang niya uminom ngayong gabi. Matagal-tagal din kasi siyang hindi nakainom na mag-isa.
Muling tumunog ang ringtone ng messenger niya. Pagka-open ay agad na nagpop out sa screen ng cellphone niya ang chathead ni Mr. Phantom.
Mali pala ang hinala niya kanina. Akala niya ay ang kaibigan niyang si Justin ang nangtitrip sa kaniya pero di pala.
Larawan ng likod ng taxing sinasakyan niya ang sinend na message ng estrangherong lalaki. Nilingon niya ang likuran ng sinasakyan niya. May kotseng itim na sumusunod sa sinasakyan niya.
Tama nga. Sinusundan na naman siya.
'What do you want from me!?' inis na reply niya. 'Can you please stop stalking me!' dagdag niya. Pagkalingon niyang mulinsa likuran ay wala ng nakasunod sa kanila. Napahinga siya ng malalim.
"Sir nandito na po tayo." Napatingin si Ken sa rear-view mirror kung saan nakatingin din sa kaniya ang driver. Kumuha siya ng pera sa wallet niya at iniabot sa driver.
Pagkababa ay napahinto siya ng mabasa ang pamilyar na pangalan ng bar. Ito yata ang trending na bar na nabasa niya sa internet na kakabukas lamang nakaraang araw.
'Blackswan' basa niya sa ngalan ng bar at tuluyang pumasok sa loob.