Binuksan ko ang bintana sa gilid ko ng kaonti at narinig namin ang paghampas ng alon at mahinang tinig ng hangin. Tinignan ko siya at hindi siya nakatingin saakin. Nakatungkod ang kaliwa niyang braso sa bintana at pinatong niya ang kamao niya sa kaliwang pisngi niya. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana niya. Pakiramdam ko ay pinagbibigyan niya ang kagustuhan ko na manahimik. I suddenly feel guilty. He is right. I should stop giving him the silent treatment. Gusto ko siyang kausapin tungkol sa relasyon namin pero paano ko sisimulan? Ang hirap. "Are you sure you still want to be with me? I mean...you know that I'm so hard to deal with," I say. Which makes him look at me. I smile at him tiredly before sighing. Hindi ko pa nalalabas lahat ng nasa isip ko pero naiiyak agad ako.

