Pabalik balik ang tingin nya sa cellphone nya at sa loob ng gate. Bumuntong hininga ako bago bumaba. Madilim na sa labas at dire diretso lang ang lakad ko. Nakita ako ng gwardya at wala naman siyang sinabi saakin. Humikab ako bago pinusod ang aking buhok hanggang sa nakalabas na ako ng gate. Wala ni anino ni Russel. Siguro nabagot na at umuwi. I sighed in relief. Napapagod rin 'yon kaya alam kong hindi siya maghihintay saakin ng ganoon katagal. Lumiko ako bago napahinto dahil sa nakita. Nakaupo sa gutter malapit sa poste si Russel at nang makita ako ay tumayo agad sya bago pinagpagan ang sarili. The light of the street lamp post highlighted his face. He looked tired and stressed but he managed to smile at me. "Buti nalang hindi agad ako umalis," he said while chuckling. I sighed

