"Nasaan ka na ba? Bilisan mo na," Vera said hurriedly. Natataranta kong sinarado ang unit ko bago pinindot ang button down icon ng elevator at galing pa ito sa pinaka taas kaya napabuntong hininga ako. "Eto na, eto na. Natataranta ako lalo sa'yo. Ibababa ko na," I said before I hung up. Ang bagal nang pagbaba ng elevator kaya napatingin ako sa fire exit door at naisipang maghagdan nalang kesa hintayin ang elevator dahil mas lalo lang akong mahuhuli. Late na ako para sa morning assembly kaya nandito na ako nakapila sa labas ng gate at tulad ko ay may mga kasama rin ako na late. Medyo hinihingal pa ako kaya pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang panyo. First day of class ay late ako! Tsaka lang kami pinapasok nang natapos ang flag ceremony at hindi muna kami binigyan ng slip. Nasa thir

