Mauubos na yata ang storage ng cellphone ko dahil sa dami ng pictures na kinuha namin. Ilang oras kaming nasa dagat at halos lahat yata ng fun activities ay ginawa namin. May iilang tourist spots pa kaming pinuntahan. Gusto pa nga nilang mag arkila ng bangka para pumunta sa kabilang isla para kumuha ng pictures pero dahil sa sobrang pagod namin ay hindi na rin natuloy. Ngayon ay pabalik na kami sa tinutuluyan namin dahil nakapag early dinner na rin kami sa isa pang local restaurant. Daig pa namin ang lantang gulay dahil pagod na pagod talaga kami. Medyo naging tan ang skin tone namin dahil sa ilang oras kaming nasa ilalim ng sikat ng araw. Dumiretso ako sa banyo para maligo habang sila ay nasa kwarto at naglapag muna ng gamit. Paglabas ko ng cubicle kung saan may shower ay nakita ko si

