2- "Kindat."

2331 Words
“I'M so glad na ang Hacienda del Martin ang napili ninyong setting para sa upcoming movie.” nakangiting pahayag ng may-ari at donya ng nasabing hacienda. Si Mrs. Cordova del Martin. “We're glad too, madame. Napakaganda at napakalawak naman kasi nitong hacienda ninyo, tamang-tama sa theme ng gagawing bagong pelikula.” natutuwang sagot naman ni direk Mendez. Kasalukuyan silang nasa hapagkainan sa mansyon ng mga del Martin dahil inimbitahan sila ng sa tantiya ni Carmela ay nasa mid-40's na donya na siya ring nagpahiram sa kanila ng malaki at magarbong rest house na kasalukuyang tinutuluyan nila ng mga kasama niya rito sa Mindanao. Kahit kuwarentahin na’y halata pa rin ang kasosyalan sa aura at pananamit nito, may sense of fashion. “Eh, ikaw, Lorraine? How are you? It’s been a long time since our last meeting.” baling ng donya sa co-star niya. “I'm doing good, tita Cordova. Oo nga po eh, ang tagal na rin. Namiss ko nga po kayo, itong San-Isidro.” “I missed you too, hija. How about my only son? Don't tell me, hindi mo s'ya namiss? Magtatampo talaga ako sayo!” may panunukso sa tono ng magandang donya. Mukhang close ang mga ito. Sabagay, this is Lorraine's true province kaya hindi na s'ya magtataka kung close ito sa mga tao rito sa Mindanao. Sa pagkakaalam din kasi niya ay anak si Lorraine ng dating Mayor ng lungsod na ito kaya hindi na rin malabo kung magkakasundo ang mga ito. Elites nga naman talaga. Namula ang pisngi ni Lorraine sabay marahang tumawa. “Syempre, namiss ko rin po si Ervin, tita!” “Talaga?” “Oo naman po!” “That's good to hear. Kahit ako ay namimiss ko na rin yung mga panahong bata pa kayo at lagi mo siyang pinapasyalan dito sa mansyon tapos naglalaro kayo at naghahabulan saka tatawa nang tatawa.” So, may naiwan palang childhood sweetheart ang bida rito sa Mindanao? Sounds cliche! “Me too, tita, I miss my childhood years with your son! Nga pala, where is he? Hindi ko pa po s'ya nakikita simula nang dumating kami rito.” Ngumisi ang donya. “Namimiss mo na nga talaga s'ya. Don't worry, bababa na rin 'yon mayamaya lang. May tinatapos lang na papers sa kwarto niya.” Magiliw na tumango si Lorraine at nagpatuloy ang mga ito sa pagkain ngunit hindi rin nagtagal ay may naririnig na silang mga yapak pababa ng hagdan. “Son, dalian mong bumaba rito. Naghihintay ang mga bisita, especially the girl you've missed for how many years!” anang donya sa mapilya talagang tono. “Yes, ma. Nandiyan na po!” sagot ng lalaking nasa likuran. Awtomatikong lumipad ang mga mata niya sa lalaking iyon. Napakapamilyar ng boses nito at nang tuluyang magtama ang mga mata nila ay hindi siya maaaring magkamali, the poor perverted man! Poor? Gaga! Poor ba 'yan?! Kaagad na sermon ng kanyang isipan. Eh, sa hindi nga naman ito mukhang poor. Nakasuot ito ngayon ng itim na loose t-shirt tapos ay maong na shorts na hanggang tuhod saka spongebob na slippers sa paa. Hindi ito mukhang dukha dahil sa katunayan ay mukha pa nga itong pinakamayamang bachelor sa henerasyon nito sa kahit simpleng suot na pambahay lamang nito ngayon. And she heard it, right? Nag-iisa itong anak ng may-ari ng hacienda! Lumapit ito sa ina at humalik sa pisngi ng donya. Proud na proud namang bumaling sa kanilang lahat si Mrs. Cordova. “So, everyone, this is my son Ervin Emmanuel del Martin.” “Hindi n'yo naman sinabi, ang gwapo pala ng anak ninyo, Madame!” kilig na kilig namang biro kaagad ng direktor. Natawa si Ervin. Halos panindigan naman siya ng mga balahibo sa batok sabay kalabog ng kanyang puso nang itinuon nito ang brownish nitong mga mata sa kanya habang nakangiti. She knows it, maloko ang ngiti nito dahil ganyan na ganyan din ito nang basta na lamang siyang hinalikan noong isang araw! “It's a pleasure to meet you all. Nga pala, welcome to Hacienda del Martin.” wika pa nito sa kanilang lahat ngunit sa kanya talaga nakatingin. “Maam, ang gwapo niya at nakatingin pa sa inyo!” mayamaya ay kinikilig na bulong ni Abby sa kanya. Tiningnan lang niya ng masama ang kanyang P.A kaya tumino rin kaagad ito pero kinikilig-kilig pa rin. Eh, ano naman kung nakatingin sa kanya ang loko-loko! Tumango at nagpasalamat ang mga kasamahan niya sa binata ngunit siya ay nanatiling tahimik na kumakain. Umarko naman ang kilay niya nang bigla itong niyakap ni Lorraine. “I missed you so much, Ervin!” Niyakap din ito pabalik ng binata. “I missed you too, Lorraine.” magiliw namang sagot nito ngunit nasa kanya pa rin talaga ang mga mata. Napairap na lamang siya ng wala sa oras. Nag-‘I missed you too’ ito sa kayakap pero sa kanya naman nakatingin. Anong gimik nito? “Come here. Inireserba talaga kita ng upuan para tabi tayo tulad ng lagi.” ani Lorraine sabay hila sa binata paupo sa tabi nito. “Namiss n’yo nga talaga ang isa’t-isa ha?” panunukso naman ni Mrs. Cordova sa dalawa habang ang ganda ng ngiti. “Mas gumanda pa lalo ngayon si Lorraine, 'di ba, anak?” “Ma, naman! Matagal na pong maganda si Lorraine!” pilyo namang sagot ng binata. Pinamulahang bigla ng mukha si Lorraine at natatawang hinampas si Ervin sa braso. “Bolero ka pa rin talaga hanggang ngayon!” So, childhood sweethearts pala talaga ang mga ito? At mukhang gustong-gusto nga ng mga ito ang isa’t-isa! Umismid siya. Sounds cliche! Nagpatuloy sila sa pagkain. Panay ang kwentuhan ng dalawang sina Lorraine at Ervin sa harapan niya. Mukhang close na close nga ang mga ito sa isa’t-isa. Naiilang nga lang siya at panay ang irap nang mayamaya ay tinititigan siya ng binata. Oo nga't nakikipagkwentuhan at tawanan ito sa katabi ngunit sa kanya naman nakapako ang mga mata nito! “Ikaw, Miss Miranda? Kontrabida ka pa rin sa pelikulang ito na iso-shoot n’yo ngayon?” baling mayamaya sa kanya ng donya. Magalang siyang tumango. “Opo. Ako po si Almira at kotrabida pa rin po role ko.” “You know what? Bagay na bagay sayo ang role ng kontrabida.” Napangiti siya. “Salamat po.” “Tipong kaiinisan at kagagalitan ka talaga ng mga tao dahil sa pagiging impakta mo. Kahit ako no'ng last teleserye n'yo ni Lorraine na napanuod ko, halos isumpa rin kita dahil sa sobrang kamalditahan mo.” dugtong pa nito. Hindi niya alam kung matutuwa pa ba s'ya sa sunod na sinabi ng donya o maiirita. Ang prangka lang kasi! Well, 'yon naman ang gusto n'ya 'di ba? To keep the mean image in the public kaya dapat nga matuwa pa siya sa sinabi nito pero sa mga sandaling ito, parang hindi talaga niya magawang matuwa! Nakuha naman ni Ervin ang atensyon nilang lahat nang bigla na lamang itong humalakhak ng malakas. “That means, ma, she's a very effective antagonist! 'Yon naman talaga ang role ng mga kontrabida 'di ba? Ang inisin at galitin ang mga viewers sa pamamagitan ng pagpapahirap sa buhay ng mga bida. Hindi mabubuhay ng mag-isa ang mga bida sa teleserye o sa movies kung wala ang mga kontrabida.” “Tama! Bale kung wala si Maam Carmela, walang saysay din ang drama ni Miss Lorraine!” kaagad na sang-ayon ni Abby. Nakatawang tumango-tango naman ang binata sa kanyang personal assistant. Parang hinaplos bigla ang kanyang puso. She just can't believe it, maliban kay Abby at sa mommy niya ay ngayon na lamang ulit may nakaintindi at naka-appreciate sa role niya bilang isang kontrabida. Sumigla bigla ang kanyang pakiramdam. Kahit papa'no pala ay may kwenta rin ang medyo bastos na MAYAMAN na binata! Matapos ng lunch na iyon sa mag-inang del Martin ay bumalik na rin kaagad sila ng mga kasamahan niya sa rest house at nakinig na naman sa mga instructions ng direktor. “Ikaw, Mel, malaki-laki rin ang role mo sa pelikulang ito. Isa kang kontrabidang mayaman at heredera ng hacienda na 'to. May mga eksena ka ring nakasakay ka sa likod ng isang kabayo.” Tumango siya, nakakasunod. Sumakay ulit sa likod ng kabayo? Na-excite bigla tuloy siyang makasampa ulit doon. “Since may background ka na rin naman sa pangangabayo dahil sa iilang mga workshops ninyo noon, binibigyan kita ngayon ng dalawang linggo para magtraining ulit at sanayin ulit ang sarili mo sa pagsampa sa likod no’n.” patuloy ng direktor. “Eh, direk, kukuha pa ba tayo ng trainer ko o learn by myself nalang? Since may background naman na ako, konting recall nalang at practice.” “Syempre, kailangan mo pa ring kumuha ng trainer na expert kahit pa sabihin nating may background ka na nga sa pangangabayo, Carmela. Baka kasi magkaroon ng instances na maaari kang madisgrasya o kaya nama’y mahulog ka sa pangangabayo kung mag-isa ka lang at background knowledge lang ang dala mo. What if may nakalimutan kang basics bigla? What if naapakan mo bigla yung hindi mo dapat maapakan tapos tumakbo bigla ng napakabilis yung kabayo? Edi napahamak ka pa ng wala sa oras. So, you should really find an expert trainer to at least assist you. You know, hindi ganoon kadali ang pangangabayo so we should be cautious and safe.” Tumango siya. “Okay po.” Naiintindihan niya ang punto nito. Gusto lamang nitong maging mas ligtas at mas maingat kaya hindi nito alintana kung maglalabas na naman ito ng pera para sa budget sa trainer sa pangangabayo na iha-hire nila para i-assist siya at i-guide tuwing sasampa siya ng kabayo at magpapraktis. “Don't worry, direk, kami na ang bahalang maghanap ng trainer ni Mel, marami naman sigurong mga trabahante ang pwedeng mai-hire rito para masamahan sa pangangabayo ang alaga ko.” ani Mrs. Phoebe naman na kanyang manager. “Pwede ako.” Napalingon silang lahat mula sa nagsalita sa likuran. Doon ay nakita niya si Ervin na naglalakad palapit dito sa kinaroroonan nila dala-dala ang ngiti nitong tila hindi katiwa-tiwala. “Ervin, nandiyan ka pala! Anong ibig mong sabihin na pwede ka?” maaliwalas ang mukha at ngiting-ngiting salubong ni direk Mendez dito. “Naghahanap kayo ng trainer ni Mel sa pangangabayo ‘di ba? Pwede ako. Ako magtuturo sa kanya, personally.” ang ganda talaga ng ngiti ng loko habang nakatingin sa kanya. Umirap siya at umiwas sa mga mata nito. Nakaka-intimidate kaya masyado ang brown eyes nito! And besides, kung ito lang din naman ang makakasama niya at gagabay sa kanya sa pangangabayo, aba’y ‘wag nalang ‘no! Baka kung gawin na naman nito ang ginawa nito sa kanya noong una nilang pagkikita. Urgh! “No need. Makakahanap pa naman kami ng ibang trainer diyan.” mataray niyang sagot sa binata. “Ikaw din, libre pa naman sana serbisyo ko.” patuloy nito, nanunukso ang tono. “Talaga, libre? Seryoso, Ervin?” tila manghang-mangha at hindi makapaniwala ang direktor. Tumango naman ang lalaki. “Sana pero mukhang ayaw naman ng artista n'yo eh.” “Ayoko talaga!” mariin niyang sagot dahilan kaya kinurot siya ng direktor sa kanyang tagiliran. “Anong ayaw mo, Mel? Pumayag ka na! Libre na nga 'to, umaarte ka pa!” “No, direk! Hindi pwedeng si Ervin ang mag-train sa kanya!” mayamaya ay bayolenteng reaksyon ni Lorraine. Binalingan ng direktor ang atribidang dalaga at pinagtaasan ng kilay. “At bakit hindi, Lorraine?” Natahimik si Lorraine at tila ilang sandaling nag-isip ng idadahilan. “Kasi busy palagi si Ervin sa negosyo nila at sa pagpapatakbo nitong hacienda!” “Okay lang, Lorraine. I can leave work anytime I want to.” masiglang sagot ni Ervin dito. “Oh, ayos lang daw sa kanya, Lorraine, kaya 'wag ka nang makiatribida pa.” anang mataray na direktor na ikinatahimik nga naman ni Lorraine saka binalingan ulit siya. “Ikaw naman, Carmela, 'wag nang masyadong maarte, pumayag ka na sa alok ni Ervin!” “I'm sorry, direk, pero ayoko talaga.” Nabigla pa siya nang hinila siya nito sa braso at bumulong sa kanya. “Wag ka nang umarte pa! Ang ganda na ng inaalok niya! Bukod sa libreng serbisyo, may libreng tsansing ka pa sa yummy at malaadonis niyang pangangatawan tapos ang gwapo-gwapo pa!” Napapakunot na lamang ang noo niya sa pagnanasa nito para sa lalaking kaharap nila. “Kung ako lang ang nasa posisyon mo, grab ko kaagad 'yan 'no! Haler? Bawal tinatanggihan yung grasya, ano ka ba! Pumayag ka na!” “No, direk.” pagmamatigas pa rin niya. Kinurot na naman siya nito sa tagilaran kaya halos mapatili siya. Kung hindi lang talaga binabae ang nilalang na 'to, iisipin na talaga niyang nananantsing ito! “Sa ayaw at sa gusto mo, papayag ka.” pabulong pa rin ngunit siguradong deklara nito. “Oh, ano? Papayag ka na ba, Mel?” nakangising tanong ni Ervin. “Hindi, ayoko-“ Pasimpleng kinurot siya ni direk Mendez sa kanyang likod. “Yes, of course, papayag na raw s'ya, Ervin, at makakapagsimula na raw kayo kung kailan mo gusto.” Akmang aangal pa sana siya ngunit mas diniinan lamang ng bakla ang kurot sa kanyang likod kaya humahapdi na iyon. “Di ba, Mel?” Ngayon ay wala na talaga siyang choice! “Yeah, okay.” “Great!” tuwang-tuwa naman ang lokong si Ervin. “Good job, Mel.” nakangising bulong ulit ni direk sabay bitaw sa likod niya at kinindatan pa siya. This is just so irritating! 'Ni wala siyang nagawa! Nakita naman niya si Lorraine na ang sama-sama ng tingin sa kanya at parang maiiyak. She doesn't give a damn. Nakita rin niya ang pagguhit ng magandang ngiti sa mga labi ng kanyang manager at P.A tulad ng direktor na para bang tuwang-tuwa ang mga ito sa nangyayari ngayon. Samantalang siya naman ay halos hindi maipinta ang mukha. Damn it! Ngayon ay responsibilidad pa niyang pakisamahan ang malokong binata!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD