Chapter 7: That Guy

798 Words
Third Person POV It's Sunday morning when Luna decides to go to the mall. May inuutos kasi si Lucille sa kanya kaya kahit marami pa siyang dapat gagawin, ay di na niya ito natuloy gawin. Nang mabili nito ang pinapabili ay nakapag desisyon siya na maglibot-libot muna sa mall. Dala-dala ang pitong bag na pinabili ay napatigil siya ng makakita ito ng isang dress. Mula sa labas ng isang boutique ay mas lumapit pa ito para tingnan ng maigi ang isang kulay asul na dress. Napatitig siya rito at napatingin sa kanyang dalang pera. "Mabibili din kita sa susunod. Wag muna ngayon kasi mahirap pa tayo." sabi nito sa sarili at itinago ang isang daan sa kanyang bulsa. Di maitatanggi na gusto niyang bilhin ang dress na iyon pero alam niya sa sarili niya na wala naman siyang pera pambili nun. Ni minsan sa buhay niya ay di pa siya nakakabili ng damit sa mall. Halos lahat ng mga damit ay binili niya lamang sa ukay-ukay. Simula kasi ng mag highschool siya ay tumigil na ang kanyang ama sa pagbigay ng mga damit kaya naman ang pera na binibigay sa kanya ay minsan itinipid niya ito para bumili lamang ng damit. Kung tutuusin ay mabibilang lang ang mga damit na meron siya, ang iba kasi ay maliit na sa kanya kaya ipinamimigay niya na lamang sa mga nangangailangan kagaya na lamang ng mga nasunugan. Ang iba naman sa mga damit nito ay kahit sira na ay tinatahi niya lamang para may masuot pa ito. She made a promise to herself na kapag nagkapagtrabaho na ito at nagkapera ay bibili siya ng mga damit na matagal na niyang gusto bilhin. Nang papalabas na ito ng mall ay bigla na lamang may bumangga sa kanya at naging dahilan ito para mahulog lahat ng mga dala nito. Napakamot naman ito ng ulo nang mapansin na hindi man lang siya tinulungan ng nakabangga sa kanya. Napabuntong-hininga ito at nagsimulang damputin ang mga bags na nahulog. At sa awa ng Diyos ay may tumulong sa kanya sa pagdampot. Nang makuha nila ang huling dalawang paper bag ay agad itong tumingin sa tumulong sa kanya. I 'Putangina ang gwapo.' Ayan na lamang ang nasabi niya ng makita ang kabuuan na mukha nito. Isang makisig na lalaki na nasa 6 feet ang taas. May muscles din ito na pwedeng pang headlock. Natawa na lamang siya sa kanyang naisip. Nagpatuloy siyang suriin ang mukha ng lalaki at nakitang may magandang feautures nga ito. Mula sa mga mata at matangos na ilong, manipis din ang labi nito- "Done checking me?" tanong ng lalaki na agad naman nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Umayos ito ng tayo at tumingin ulit sa mata ng lalaki. "a-ah haha ahm. Salamat po sa pagtulong." nahihiyang sabi nito sabay yuko. Natawa naman ang lalaki dahil halata sa boses ni Luna na naiilang ito. "It's okay and You're welcome." nakangiting sambit ng lalaki. Napatango na lamang si Luna. "S-sige po. Mauna na po ako. Salamat po ulit sa tulong." pagpapaalam ni Luna at akmang aalis na sana ng magsalita ulit ang lalaki. "W-wait..." mahinang sambit ng lalaki pero sapat na ito para marinig ni Luna. Napalingon siya sa lalaki. "What's your name?" tanong nito. Nagtataka man pero sinagot naman ito ni Luna. "Luna." sabi niya. Nagulat naman siya ng biglang lumapit ang lalaki at inabot ang kamay nito. "Hi Luna, I'm Tristan." pagpapakilala nito. Inabot naman niya ang kamay ng lalaki. "It's nice meeting you, Luna." nakangiting dagdag nito. Sinuklian naman ito ng matamis na ngiti ni Luna. "Nice meeting you din po. Salamat po ulit dito. Mauna na po ako, hinahanap na po ako sa amin" sabi niya. Tumango naman si Tristan. Nagsimula ng maglakad si Luna palayo ng bigla itong lumingon sa kanyang likod, nakita niyang naroon pa din ang lalaki, kaya naman ginamit niya ang pagkakataon na ito para purihin. "GWAPO NIYO PO!" sigaw niya sabay takbo palayo. Natawa naman ang lalaki sa sinabi ni Luna at napailing ito. Para sa kanya, ibang klase si Luna. Maraming beses na siyang nakakarinig at sinasabihan ng gwapo pero ito ang unang beses na kinilig ito. Walang kaideya-ideya naman si Luna na ang lalaking nagngangalang Tristan ay iyon ang lalaking bisita ng kanyang stepmom noong nakaraang araw. --- Habang nag aabang ng taxi ay biglang may lumapit kay Luna na matandang babae. napatingin siya rito at napansing nakatingin ito sa kanya. "Nakilala mo na siya." sabi ng matandang babae sa kanya. Nagtataka naman itong tumingin sa matanda. "Sino po, lola?" tanong niya. "Ang lalaking magpapasaya sayo habang buhay." sabi ng matanda at umalis na. Napangiti naman si Luna ng maisip ang sinabi ng matandang babae. Alam niyang si Carter ang tinutukoy ng matanda. 'Si Carter lang naman ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD