Prologue

594 Words
Prologue "Kalokohan mo kasi! Ayan pilay ka ngayon." Dinala ko siya agad sa emergency pero mukhang maghihintay pa kami ng matagal dahil public itong napuntahan namin. Ang daming pasyente at mas nadadagdagan pa bawat oras. Inilibot ko ang paningin ko, grabe ba't ang popogi ata ng mga doctor ngayon? "Grabe, ang gwapo nila" sa isip isip ko. Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko, yung doctor na medyo chubby pero maputi. Mas maputi pa siya sakin, huh. "Dale Ponce!" Sumenyas ako ng tawagin ang pangalan ng kapatid ko. "Dadalhin na po namin siya for x-ray, Ma'am." Sabi ng isang nurse saakin. Sumunod lang ako hanggang sa matapos sila. "Kamusta naman po ang paa niya, Doc?" "Base sa resulta ng x-ray kailangan simentuhan ang paa niya." "Sige po kung kinakailangan." Halos 4 hours na ata kaming naghihintay hindi pa rin nalalagyan ng simento ang paa ni Dale. Natutulog na ang kapatid ko sa aking tabi, ako naman ay sumisilay sa mga poging doctor. Ano kayang feeling magka jowa ng doctor? Panigurado mga seryoso sila, hehehe. Di ko namalayan naka titig na rin pala saakin ang doctor na tinititigan ko! Nag iwas ako ng tingin sakanya. Sumulyap ako saglit sakanya ay hindi na siya nakatingin may ginagawa na siya sa laptop niya, binasa ko na rin ang pangalan niya sa ID na nasa gilid ng pants niya. Alexander Aris Villafuerte. Post-Graduate. Pangalan pa lang ang pogi na at kahit na chubby ay gwapo siya. Nakakunot ang kaniyang noo habang nagpipindot siya sa laptop. "Ako rin kaya pindutin mo?" Kinikilig ako! Kung anu-ano ang iniisip ko pati ba naman sa hospital landi pa rin ang inaatupag? Kalma ka lang self. At mukhang nasabi ko ata ng malakas, napatingin siya sakin at tinaasan ako ng kilay. Baka pag jinowa ko siya hindi lang kilay ang tataas sakanya! Hanggang sa nalagyan na ng simento ang paa ni Dale, pinayagan na kami makauwi. Nilalakad ko ngayon ang mga kailangan bayaran. Nang matapos ako ay napasulyap ulit ako kay Dr. Alexander, sana magkita ulit tayo. Isang linggo na ang lumipas nang bumalik ulit kami sa hospital para sa check up ni Dale. Makikita ko na naman ang bebe ko hahaha. Kaso bigla akong naihi kaya sinabi ko sa kapatid ko na magccr lang ako habang naglalakad ako ay nag text saakin si mama para maki balita, nagtitipa ako nang may bumangga saakin. Napaangat ako ng tingin at di makapaniwala na magkikita ulit kami, si Dr. Alexander naka casual lang siya ngayon black shirt at jeans ang suot niya. "Miss, nasa hospital ka ngayon. Don't use your phone while you're walking." Taray naman niya sakin kaya nag sorry na lang ako at nilampasan na siya. Sa cr ko na lang rereplyan si mama. "Thank you, Doc!" Natapos din ang check up ni Dale, tulak tulak ko ang wheel chair niya at nakita ko na madadaanan namin ang pwesto nila Dr. Alexander kaya diretso akong lumakad at sa kasamaang palad nahulog ang bag ko at nagkalat ang mga gamit doon. Napatingin sakin lahat ng tao roon. Nakakahiya! Pinulot ko ang mga gamit ko ng mabilisan at tinakip ang buhok ko sa mukha ko. Napansin ko na tumayo si doc, akala ko tutulungan niya ako ang bwiset na yun nilampasan lang ako! Nakalabas na kami nang makasalubong namin siya, lumapit siya saakin at may sinabi. "Do you like me?" Kinakabahan ako sakanya parang mangangain siya kung maka titig. "Opo, doc" pag amin ko. Nang masabi ko iyon ay bigla niya na lang ako tinalikuran ng walang pasabi at tinanaw siya na papalayo saakin. ------------------------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD