Allison's PoV
"Alis na po ako," dumating na ang motor na binook ko.
It's already 6:30pm, 7pm ang shift ko sa hospital na pinapasukan ko. Kailangan kong mag ojt dahil graduating student na ako, akala ko pa naman madali lang mag nursing pero hindi pala.
Naalala ko pa nung isang araw napagalitan ako ng head nurse namin, napatingin tuloy si doc sa pwesto namin kaya nahihiya ako humarap sakanya ngayong gabi.
"Good Evening po" bati ko sa mga nakakasalubong ko. Buti na lang mabilis lang ang byahe at walang traffic kundi mapapagalitan na naman ako dahil late, kaya nag ayos ako agad at nag ikot na para mag asikaso ng mga pasyente. Tinignan ko ang relo ko, it's already 9pm wala pa rin siya kaya nag abala na lang ako sa gagawin para makalimutan muna siya kahit saglit.
Hanggang sa natapos ang shift ko wala pa rin siya, baka siguro hindi talaga siya pumasok o may sakit siya ewan ko ba ang daming pumapasok sa isipan ko kung bakit wala siya ngayon.
Umuwi akong nalulungkot, nagpahiga na lang ako sa kama at nag kalikot sa cellphone at biglang naisip na subukan ko hanapin ang pangalan niya sa f*******:.
"Sa wakas nakita ko rin," matagal na ata siyang hindi nakakapag palit ng profile niya pero ganun pa rin, ang gwapo at medyo payat pa siya dito di katulad ngayon na chubby siya. Hehe, ang sarap siguro yakapin ni doc tapos pag matutulog kami nakadagan ako sakanya.
Add ko kaya?
Parang ang awkward naman nun alam pa naman niya na may gusto ako sakanya, naalala ko pa noon ng talikuran niya ako pag tapos ko umamin. Siguro iniisip niya na kaya ko pinili ang hospital na yun dahil sakanya, pero totoo naman. Nag take ako ng nursing dahil sakanya.
Alas tres na ng umaga at bored na bored ako kaya tinawagan ko si jannah at inaya na lumabas kami dahil minsan na lang makapag saya sa sobrang busy.
"Jannah, tara inom" masigla kong sabi.
"Tara ba tapos hanap afam hahaha," biro niya sakin. Ito talagang si jannah sabik sa lalaki kaya pag nasa bar kami batay ko siya lagi, nung minsan ay may naka halikan siya at lasing na lasing kaya muntik na i-motel nung lalaki buti na lang nasundan ko agad.
"Landi mo hahaha," binaba ko na ang tawag at napagka sunduan namin na sa bar na lang mismo magkita.
Nang makarating ako sa bar si jannah andoon sa gitna sumasayaw at naghe head bang pa, ang messy niya na. Kung wild ako, mas wild si jannah.
"Oh! Allison?" Humarap ako doon sa tumawag sa pangalan ko.
"Hello po, Doc" Si Dr. Julian Patrick Madrigal ang bestfriend ni Alexander.
"Hahaha. You're too formal, Miss Allison. Nasa bar tayo tapos doc tawag mo sakin?"
"Sorry. Yung bestfriend ko po kasi kailangan ko na puntahan," nakaka kaba naman siya kung maka titig tagos sa bungo.
"Oh, okay. Also, If you want to join us hanapin mo lang kami." Tumango na lang ako at pinuntahan na si Jannah.
Nauna siyang dumating kaya sabog na agad since mahina pa naman ang tolerance niya sa alak. Hinila ko na siya at pinaupo muna para mahimasmasan at sinabi sakanya na inimbita ako ni Julian, pero nagsisi agad ako nang sinabi ko iyon sakanya dahil hinatak niya ako at pinaghanap kung saan sila nakaupo ngayon.
Nahanap ko na sila pero hindi ko itinuturo kay Jannah. Andito siya, andito si Alexander. Mukhang namukhaan ni Jannah si Alexander kaya walang alinlangan na lumapit siya sa table nila kaya sinundan ko si Jannah baka kung anong masabi niya.
Binati ko sila isa isa bilang respeto pero di ko inaasahan na uupo ako sa tabi ni Alexander. Nagku kwentuhan at nagkakasiyahan kami habang si Alexander ay tahimik at tsaka lang sasagot pag tinanong, nararamdaman ko ang pininitig niya saakin kaya dini distract ko ang sarili sa pakiki join sa tawanan nila.
Naramdaman ko na nilagay ni Dr. Alexander ang kamay niya sa sandalan ko kaya parang nakaakbay siya sakin, dahan dahan ako nag straight ng upo dahin nakaka ilang at baka kung ano pang isipin ng mga kasama namin kung pwede lang makipag palit kay Jannah ay ginawa ko na.
"He he he," naiilang na tawa ko. Sino ba naman hindi maiilang yung crush mo parang naka akbay na sayo tapos mararamdaman mo pa na nakatitig.
Buti na lang at natapos na kami at napag pasyahan na umuwi na, magbo book pa lang sana kami ng masasakyan ay may huminto sa tapat namin na kotse. Bumukas ang bintana at bumungad saamin si Alexander.
"Isasabay ko na kayo," hindi ba't taga makati siya?
Siniko ako ni Jannah, alam ko na gusto niya makisakay pero iniisip ko na mapapalayo siya kung ihahatid niya kami.
"Hindi na po, Doc. Nakapag book na po kami" tinitigan niya pa ako ng ilang segundo tsaka umalis.
"Ally? Pagkakataon mo na yun!" Halos mabingi ako sa sigaw ni jannah.
Alam ko na pagkakataon na yun pero nakakahiya at iniisip ko na malayo pa ang uuwian niya kaya hindi na ako pumayag.
Nang makauwi na kaming dalawa ay nauna siya bumaba saakin dahil medyo malayo ang bahay nila saamin. Nag shower ako at natulog na lang dahil wala naman akong pasok pero may gawain pa rin sa acads, ang hirap ng pinasok ko pero worth it.
--------------------------------------------------------------------------