Chapter 3

1088 Words
Allison's PoV Lumipas ang ilang buwan, malapit na ako makapag tapos. Maraming nangyari pero worth it lahat ng pagod at pagpupuyat ko, pati na rin ang pagkakaroon ng boyfriend. Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa akong magustuhan ni Aris, ang masunurin niya saakin ako lang ang pwedeng tumawag sakaniya ng Aris dahil halos lahat kundi Alex ay Alexander ang tawag sakaniya. He's a very sweet man pag kami lang, pero ang sungit niya saakin pag nasa hospital kami at naiintindihan ko 'yon dahil oras ng trabaho. ------------------- Lumapit ako sa table kung nasaan ang mga surgeon at grabe ang pagka busy nila, walang hinto sa pagdutdot ng computer. Hinanap ko ang aking boyfriend hehehe. Hindi pa alam ng mga ka trabaho niya dahil baka raw asarin siya, lumapit ako sakaniya at nag kunwari na may sasabihin tungkol sa trabaho. "Free ka ba today?" Bulong ko kay Aris. "No. I have surgery today." Ang sungit naman nito! Bahala ka di kita papansinin whole day. Mukhang kinarma ako sa plano ko, dahil buong araw na hindi ko siya pinapansin ni isang message saakin ay wala! Napaka sweet talaga ng boyfriend ko hindi manlang ako naalala, pero naisip ko na may surgery siya at alam ko na pagod siya kaya malamang nagpapahinga pa siya o di kaya nagdududutdot na naman sa laptop niya. "Sige, tignan natin kung sinong matigas sating dalawa" Ani ko. Baka nag sawa na iyon sakin o baka mayroon siyang nakikita na mas higit saakin. "Mukhang patay na patay naman siya sakin kaya di ako iiwan n'on" halos mabaliw na ako kakaisip sakaniya. Tiwala lang Allison. Alam ko naman na hindi niya magagawang mag cheat saakin. Sa ganda kong ito?. Wala na siyang makikitang katulad ko. Oh diba confident ako. Ako lang 'to guys. It's been 2 days na hindi pa rin siya nagme message saakin, magkaiba na rin ang schedule namin. Halos puro school works ang ginagawa ko ngayon. Nararamdaman ko na dapat ko siyang kamustahin kung okay lang ba siya pero kasi iniisip ko na baka mamaya may ginagawa pala siya, makakaistorbo pa pala ako sakaniya. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag aayos ng kwarto ko. Habang nag aayos ako biglang nag ring ang cellphone ko. Alexander Villafuerte is calling... "Omg, tumatawag na siya!" Medyo natili na ako. Buti na lang sound proof ang mga kwarto namin dito kaya pwede ako mag ingay. "Hello!" Masigla kong bati sakaniya nang sagutin ako ang tawag. "How are you?" "Haler! Ako dapat ang nagtatanong niyan halos 2 days kang walang paramdam." "I'm sorry. Babawi ako sayo. I'm just too busy yesterday." Napairap na lang ako. Marupok ako, e. Tsaka alam ko na kailangan niyang tapusin ang research niya. Tinapos niya agad ang call dahil nagda drive pala siya. Nasabi niya rin saakin na balak ng mga kasama niya mag beach, para naman maka langhap sila ng sariwang hangin pati na rin ang ilang nurses ay sasama. 3 days daw kami roon buti na lang at may mga kasama kaming ibang nurse, dahil kung puro kapwa niya doctor kasama ay paniguradong OP ako sakanila. Pinagpatuloy ko ang pag aayos ng mga gamit ko at hinanda ko na rin ang maleta, naghanap ako ng mga bikini na susuotin yung sexy ako tignan para naman maakit sakin si Aris. Sa loob ng isang buwan namin bilang mag jowa, wala kaming kiss na nagaganap pa. Hindi sa nagmamadali ako pero kasi kahit kiss sa lips ay wala, puro noo lang minsan lang din magsabi ng 'I love you'. Ewan ko ba sa boyfriend ko masyado siyang seryoso sa buhay niya. Today is another day. Day of duty na naman, wala ata ngayon ang aking boyfie dahil hindi ko pa siya nakikita simula kanina. Sinimulan ko na mag ikot ikot at inisa isa ang mga pasyente para ma monitor sila. Isa sa experience ko ang paglalagay ng catheter sa ari ng isang lalaki, napapangiwi na lang ako habang pinapasok iyon. "Hoy!" May kumalabit saakin. Tinignan ko kung sino ito kaya tumalikod ako. "Paul, may kailangan ka?" Tanong ko. Alam ko na ito may ichichismis na naman 'to. Kaya kinaibigan ko talaga itong si Paul dahil sa pagiging madaldal niya at kahit siya ay dakilang chismoso rito ay napaka bait naman niya, tsaka ang mga chismis niya ay totoo never siya nag kwento ng fake news hahaha. "Alam mo ba na may outing tayo ngayong friday hanggang monday ng umaga." Medyo pabulong niya habang nagra round kami sa mga pasyente namin. "Nasabi na saakin 'yan ni Aris kahapon. Isasama niya raw ako, since kasama naman pala ikaw at yung iba hindi ako maa out of place roon." Malapit na kami sa pwesto kung asaan ang mga doctor, may makikita na nakasulat doon ay Surgery at Medicine. Napadaan kami sa harap nila at ang maririnig mo sakanila ay ang tunog ng mga keyboard, lahat sila ay busy sa mga ginagawa. Nararamdaman ko na may nakatingin saakin kaya tumingin ako sa pwesto kung saan ang upuan ni Aris. Pumasok pala siya? Baka kakapasok lang niya, iniwas ko ang tingin at tuloy na nakipag usap kay Paul. Gumana sana itong plano ko ang pagselosin siya! Muhahahaha. Ngumiti ako kay Paul at sinenyasan siya gamit ang mga mata ko, mukhang nakuha niya naman ang pakay ko kaya naki ride na rin siya. Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Paul, hinawakan niya ang bewang ko ng mabilisan dahil nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya saaming dalawa. Akala ko ay gagana ang plano ko pero hindi, nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya at itinuloy na lang namin ni Paul ang pagra round. "Gurl! Baka naman pag initan ako ng boyfriend mo, ah." Natawa lang ako sakaniya. "Hindi 'yan. Tsaka bakit kasi ayaw mo ipakita sa kanila na isa ka pa lang sirena." "Alam mo naman. Baka lumayo ang mga fafa saakin." Malandi niyang sabi. Ito talagang baklang 'to. Minsan tuwang tuwa siya dahil nakakakita siya ng oten, kinuwento pa sakin kung gaano kalaki at sinukat niya pa talaga. Uwian na. Nag sabay kami ni Paul ngayon pauwi dahil sa lola niya siya uuwi, nagpaalam na kami at lumakad palabas ng hospital. Wala kaming pasok bukas kaya magpapahinga na lang muna ako. Bago pa ako makauwi ay nag text saakin si Aris. "Love. Be ready next week. I will pick you up at 7 am." Hihihi. Nag reply na lang ako sakanya ng 'Okay'. Akala ko galit, hindi pala. Ihahanda ko na ba ang kabataan?. If ever, pwede bang wala nang labasan ng kwarto?. _______________________________________________________________________ <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD