Chapter 5
Allison's PoV
Dumating na sila lahat dito sa resort. Nag pahinga muna kaming lahat dahil yung iba naming kasama mga puyaters at galing pa sa trabaho.
Nakatulog na ako sa kotse kanina kaya hindi na ako dinadapuan ng antok. Yung katabi ko naman ang himbing ng tulog. Tutal naman wala akong magawa, dahan dahan kong inangat ang kamay niyang nakayap saakin. Maingat akong umalis sa kama para ayusin ang gamit naming dalawa. Nilabas ko ang towel, swim suit at pajamas tsaka nilagay sa cabinet. Binuksan ko ang bag niya puro damit lang ang laman nito. Kinuha ko ang towel at short niya pang swimming tinabi ko iyon sa cabinet.
Natapos na ako sa pag aayos ng gamit naming dalawa. Nag iisip ako ng maaari kong gawin. Bago ko napag pasyahan lumabas nag palit na ako ng suot. Sinuot ko na ang bikini ko para mamaya hindi na ako magpapalit. Pa bow style ang bra top ko, ang bottom naman high cut. Hindi naman siguro magagalit sakin si Aris sa suot kong bikini. Sunod kong nilagay ang transparent beach dress ko na hanggang tuhod, kaya naman kitang kita yung panloob ko. Kulay itim pa naman ito kaya kitang kita talaga.
Sumulyap muna ako kung tulog pa siya. Mahimbing pa rin ang tulog niya kaya tahimik akong lumabas. 3pm na mga tulog pa rin sila, paano namin mae enjoy ang dagat kung puro higa lang sila. Bitbit ko ang beach bag ko dala dala ang aking sunscreen, wallet, phone at lipstick for momol. May tattoo stand sa gilid, dumiretso ako roon para magpa lagay ng henna. Wala pang customer kaya malalagyan na agad ako.
"Kuya, magkano pag henna lang?" May design na ako sa cellphone kaya hindi na ako pipili.
"Depende po, Ma'am. Pag malaki po nasa 300-400 po." Pumayag naman ako agad.
Tribal ang design na pinalagay ko may maliit na space para sa CY na name short for Chanyeol. Exo-L ata 'to!. Nang matapos na ang pagta tattoo sa'kin sinabihan ako na patuyuin muna ng maigi ang henna bago basain. Umalis na ako at nag lakad na pabalik sa kwarto namin. Habang naglalakad nag vibrate ang phone ko. Tumatawag pala si Aris, nag end ang call ng sasagutin ko na. Nagulat ako sa nakita ko, may 25 missed calls sa notif ko.
Halos lakad takbo ang ginawa ko makabalik lang agad. Nasa tapat na ako ng pinto at hingal na hingal. Saktong pagkarating ko, biglang bumukas ang pinto. Tumambad sakin ang likod ni Doc Julian na tumatawa pa, hindi niya pa ako napapansin.
"Oh! Kanina ka pa hinahanap ng boyfriend mo", Ani Doc Julian pagkaharap niya. Ni head to toe niya muna ako bago umalis. Na conscious tuloy ako bigla sa sarili. May curves naman ako at sakto lang ang taba sa katawan, hindi ako ganoon ka payat.
Sumilip muna ako para tignan kung anong ginagawa niya. Nakaupo siya sa kama habang nakatutok sa laptop at may tina-type. Pumasok na ako at sinarado ang pinto. Lumapit ako sa kama sa kaliwang side, sa kanan siya naka pwesto. Kinuha ko ang tubig sa side table at uminom, napahiga na lang ako sa kama sa pagod ko kakatakbo kanina.
"Saan ka galing? I've been calling you, ba't hindi mo sinasagot?" Tumingin ako sakanya. Naka focus pa rin siya sa ginagawa niya.
"Nag palagay kasi ako ng henna. Tignan mo ang ganda", Pinakita ko sakanya yung braso ko. Hinawakan niya ang kamay ko at sinuri ang tattoo ko.
"Well, it's pretty. Bagay sayo." Sabay bitaw sa kamay ko.
Ay! Hindi napansin yung suot ko. Okay!
Plan A: Mag pose sa harap niya.
Nag pose ako sa harap niya, nakapatong ang ulo ko sa kamay habang nakatagilid paharap sakaniya. Tinitigan ko siya, naka harap pa rin siya sa laptop niya. Mukhang naramdaman niya siguro ang paninitig ko kaya tumingin na siya sa'kin.
Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nag stop pa ng ilang segundo ang mata niya sa dibdib ko bago tumingin ulit sa mukha ko. Napangiti ako, mukhang nagwo work ang plano ko. Pero nagka mali ako, nag focus ulit siya sa pagta type.
Lumapit ako at niyakap na lang siya para mawala ang hiya ko sa reaksyon niya kanina. Pinatay niya ang laptop at itinabi sa side table niya. Niyakap niya ako pabalik kaya napahiga kaming dalawa.
Pumatong siya saakin, hinawi niya ang buhok na tumatabing sa mukha ko. Ginawaran niya ako ng marahang halik sa noo, sa ilong at sa labi. Nakaramdam ako ng init sa katawan ng mas lumalim pa ang halik.
"Hmmm", I moaned while still kissing.
His hands started to explore my body. Gigil niyang hinawakan ang bewang ko at mas lalong pinalalim ang halik. Sabik na sabik siya.
Napunta ang isa niyang kamay sa dibdib ko, hinimas niya ito nang hinimas. Napapikit ako sa sarap at init na ginagawad niya saakin.
"f**k!" Agad siyang humiwalay saakin. Napahilamos na lang siya at nag mura ulit.
"Bakit?" nagtatakha akong tumingin sakaniya.
"Let's go." Tumayo na siya at may kinuha sa cabinet. Yung swimming shorts niya, baka magpapalit na siya.
Lumabas na siya ng cr suot na niya ang binili kong shorts. Adidas 3-Stripes CLX very short shorts, bagay na bagay sakanya lalo na't maputi ang balat niya. Samantalang ako hindi manlang kaya pumantay sa kulay ng balat niya. Kung anu-ano pang ginamit ko na whitening soaps di naman tumalab. Hindi naman ako totally morena, medyo maputi ako ganon lang.
Kinuha niya ang beach bag at sinukbit sa balikat niya. Lumakad siya papalapit sakin at hinila ako patayo. "Hindi ka ba naiilang sa suot mo?"
"Bakit naman? Nasa beach tayo, Aris" umirap ako sakaniya.
Nauna na akong lumabas at pumunta sa kubo. Naroon na ang iba naming kasama. Tumabi ako kay Paul at nakipag chikahan.
"Alam mo ba nung isang araw may ni reject yang jowa mo" pabulong niyang kwento.
Noon pa man habulin na yang si Aris ng mga babae. Sorry na lang sila sakin bumigay ang hinahabol nila. Kaya pala tinanong niya ako noon kung may gusto ako sakanya, na love at first sight na pala siya sa kagandahan ko.
"Nako bes. Hindi ko na kailangan malaman yan. Alam mo naman na siya lang ang binabalik balikan nung mga naging pasyente niya." Nagtawanan kami.
Naghahampasan kami ni Paul nang dumating si Aris sa kubo namin. Tumabi agad siya kay Doc Julian at nag simula mag usap.
Naririnig ko na patungkol iyon sa Gossypiboma, rarest case para sa mga general surgeon.
Isa isa nang dumadating ang iba naming kasama. Nag tulungan kami lahat para maihanda na namin ang mga pagkain. Inabot na kami ng gabi kaya hindi na kami nakapag swimming sa dagat.
Napagpasyahan namin na mag inuman na lang sa buhanginan at naglaro ng spin the bottle. Ang unang magtatanong samin ay si Tania, mukhang lasing na siya kasi mamula mula ang pisngi niya. Nag start na siya mag spin, tumapat ito kay Aris na nasa tabi ko lang.
---------------------------------------------------------------------------
<3