Kabanata 1

986 Words
Farrah 's POV Hay naku si ate na naman ang magaling sa paningin nila mama.Hindi na nila naisip na baka may pinagdadaanan lang ako kaya mababa ang grades ko ngayon second grading. Pumasok na lang ako sa kwarto ko at nagfacebook.Wala akong makausap, wala akong masabihan man lang ng nararamdaman.Sino ba pwede makachat dito,hmp wala naman pwede, hindi online si Sophie, bff ko.Makagawa nga ng bagong account. Masarap sa pakiramdam na meron kang masabihan ng iniisip mo,yung handang makinig sayo ng hindi ka pag iisipan ng masama pagkatapos.Oh "Happy Me" account.Sino kaya pwede maiadd dito.Search Search..Yung hindi ko kilala dapat, para bagong simula.Ang dami pwede iadd kaya lang di ko type.Gusto yung konti lang friends niya para may time sya sakin hahaha.Heto kayang si Wizard, i add friend ko kaya, 32 lang friends nya.Ok add friend na kita.Mukhang abandon account na ata ito.Chat ko kaya,kahit di sya magreply. Happy::Hi Accept mo naman ako,tapos chat tayo.Gusto ko lang ng invisible friend. Can you be my invisible friend.? Malungkot lang kasi ako, nagalit na naman si mama kasi ang baba ng grades ko ng second grading.Ano bang magagawa ko ang hirap talaga ng exam, tapos pang gulo pa yung boyfriend ko,napapansin ko parang may iba sa kanya,kaya di ako makafocus.Hays sorry ah.Nageemote ako agad sayo, di mo pa nga ako friend.Siya cge na, bye na.Tulog na ako..hahaha feeling close naman agad ako dito,,, parang tanga lang di ba!!! Anyway wag mo na lang ako pansinin,,, block mo na lang po ako kapag ayaw mo makatanggap ng mga kaechosan kong mensahe, ang oa ko din naman nga kasi. Hahaha.. Hehehe gudnyt na Lang po wiz. ☁☁☁☁☁☁☁☁ ☁☁☁✨ ☁☁☁☁☁ ☁✨☁☁☁☁ ☁☁☁☁☁☁ ☁Good Night✨ ☁☁☁☁☁ ☁☁☁☁☁ ☁☁☁☁☁☁☁☁ Kinabukasan, maaga akong nagising,nagkape muna ako at nag almusal bago naligo at gumayak na para pumasok sa school.Tapos na ang second grading, kailangan ko bumawi ngayong third grading para wala na masabi sakin sina mama. Pagdating sa school,nakita ko agad si Dexter, kasama na naman niya sina Justin at Rey, pati yung isang girl na si Alix daw yun sabi ni Sophia na Bff ko.Ewan ko ba ako ang girlfriend ni Dex pero hindi naman niya ako malimit samahan.Palaging silang apat ang magkakasama,minsan nagpasama ako kay Dex maglunch,tinanggihan nya lang ako.May gagawin daw sila nila Justin,tapos makita kita ko, kasama niya yung Alix na yung kumakain sa canteen. Oh farrah,'sabay tapik sa braso ko' bakit nakatunganga ka naman sa kanila? bungad sakin ni Sophia. 'mukhang kararating niya lang din Ewan ko ba Sophie, hindi talaga palagay ang loob ko kay Alix na yun,feeling ko hindi siya girlfriend ni Justin,di naman sila close, Mas close Si Alix at Dex,pansin mo ba? tanong ko Pansin ko din girl,matagal ko ng pansin,Kayo pa ba ni Dexter?, Girl kasi parang you are out of his mind na. Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib dahil sa sinabi ni Sophie.Pero totoo naman, di ko na ramdam na boyfriend ko siya,kaya nga di ako nakafocus sa exam gawa niya.. Dumaan sa harap namin ang apat.Nasa una sina Justine at Rey,magkasabay sa likod sina Dex at Alix. Dexter,'tawag ko.Lumingon naman siya pati si Alix.Hindi agad siya lumapit sakin, nagpaalam muna sya kay Alix bago lumapit. Bakit farrah? 'tanong niya sakin nung makalapit na siya sakin. Farrah? 'napakunot ang aking noo .Di kasi yun ang tawag niya sakin kundi spongebob,yun kasi tawag niya sakin kasi adik ako kay spongebob dati,pero ngayon di na. Hindi siya makasagot agad, napabaling ang tingin niya kay Alix na mukhang naiinip na sa kanya kaaantay at dahil dun hindi na sya nag abala pa na tugunan ang aking pagtataka. Farrah,mauna na ako ,may hihiramin kasi akong headset sa classmate ni Alix,chat na lang tayo, 'sabay talikod at deretsong lakad kasabay ni Alix. Naiwan pa rin ako na may pagtataka,meron talaga akong pakiramdam na may namamagitan sa dalawang yun.At kung ano man yun ay dapat ko ng malaman kaagad para hindi ako nagmumukhang tanga, alam niyo ba yun. Pinagmumukha niya akong tanga !! Natapos ang klase maghapon, na wala akong kagana gana.Kakasabi ko pa lang kaninang umaga na dapat akong makabawi.Bwisit kasing Dexter yun.Lipad na lipad ang isip ko kakaisip sa kanila ni Alix. Hanggang sa makauwi na ako, di ko na nakita anino niya.Nalulungkot na naman ako. Ganito ba ang love? Nasasaktan? Nalulungkot? Di ba dapat masaya? Boyfriend ko siya pero parang hindi. Wag niyang sasabihin na ipinagpalit niya ako dun sa malanding Alix na yun. Porket di siya makakiss sakin, ganon na, ipagpapalit na. Dalagang pilipina pa din naman ako. At kung talagang pagmamahal ang pag-ibig niya sa akin ay maghihintay siya sa kung ano mang pangangailangan ng katawan niya na kung ano man yun, naririnig ko yun minsan sa matatanda. Sa bata pa naming ito, meron na ba kaming ganoon, sa isip isip ko. Parang wala pa naman ako nararamdaman. Anong pakiramdam ba yun??? Curious lang ako !!! Iyon kasi ang nakikita kong malamang na dahilan sa pagpalit sakin ni Dex Kay Alix kung sila man nga. Sexy si Alix at malimit ko siya makita na pumapayag na magpahalik sa lalaki. Sexy din ako no!!!!di ko lang pahalata ,ayaw ko kasi mabastos ng mga tambay na lalaki dun sa amin. Ang mamanyak pa naman nila, parang mga nakadroga kung makatingin. Jusko ko po!!!! Bawal!!!! Bawal!!! Ang kiss!!! Hindi na nga ako makakuha ng mataas na grades ,,magpapakiss PA,,, for sure patay ako nito kay mama at Papa kung magpapakiss pa ako hahaha Hays!!!! Bahala na si Batman. Lord, sanay agad mong hilumin ang puso kung sakali na magkabreak na talaga kami ni Dexter. Aalamin ko talaga ang namamagitan sa kanila ni Alix para Kung sakaling sila nga, bibitaw na ako kahit masakit. Alam kong malulungkot din ako dahil naging masaya din naman kami ni Dexter. Ngayon na lang kami naging ganito na may hindi pagkakaunawaan ng ilang beses siya magtry magkiss pero di ako pumayag tapos yan dumating si Alix sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD