CHAPTER 4

2007 Words
Scarlett’s Point of view Nagising ako sa isang kwarto na hindi pamilyar sa akin. Nang maramdaman ko ang lamig na hatid ng air-conditioned ay napabigwas ako ng bangon. Bigla naman ang pagsigid ng kirot sa pagitan ko. At bigla kong nayakap ang sarili ko ng mapagtanto ko na bukod sa makapal na kumot ay wala na akong ibang sout. Bigla din ang pagsakit ng ulo ko dala marahil ng hangover. Unti-unti ay naalala ko ang mga nangyari kagabi. Sa sobrang kalasingan ko ay nawalan ako ng malay kagabi. Napatakip ako ng bibig ng maalala ko ang mga nangyari sa amin ni Dave. “F*ck, did I really just gave in like that?” Napasabunot ako sa buhok ko. Nagpalinga linga ako sa paligid. Walang tao. Kahit masakit ang ulo ko at ang p********e ko ay pinilit kong bumangon. Kailangan kong makaalis dito para maisalba ang konting kahihiyan ko. Hinagilap ko ang dala kong purse kagabi, magpapa sundo na lang ako sa driver namin sa bahay. Habang naglalakad ako sa lobby ng hotel na iyon ay pinagtitinginan ako ng mga tao. “Is that Scarlett Faye Garcia? The famous model?” “Yeah I think so, I didn’t know she’s staying here?” “Baka may binisita lang na kakilala?” Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang puting denim na jacket na sout ko. Nagsimula ng magbulong- bulongan ang mga taong nakakakilala sa akin, ang iba pa ay nag-uumpisa na ring lumapit sa akin. Mas lalo ko pang binilisan ang mga hakbang ko. Mabuti na lang at paglabas ko ng hotel na iyon ay naka-abang na sa labas ang sasakyan ko na minamaneho ng driver namin. Agad akong sumampa sa kotse. “Let’s go Manong.” Habang nasa sasakyan ako ay napa isip ako. That moment, I saw Dave’s photos, things and some of his garments so I can assumed he brings me to his condo. Gusto kong magalit sa kanya, I want to know bakit of all places ay sa condo niya pa ako dinala. He could have bring me home. Or let me sleep sa guest rooms ng mga pinsan ko. But deep inside me feels guilty, kung iisipin ko din ng maiigi ay may kasalanan din ako. I should’ve controlled my drinks. Hindi sana ako nagpakalasing. Hindi sana mangyayari sa amin ang nangyari kagabi. Somehow ay na realized ko rin na kung talagang sinamantala ni Dave ang kalasingan ko, he shouldn’t stop the moment I cried. Napailing ako. Naiinis pa rin ako sa sarili ko dahil sa katangahang ginawa ko kagabi. Parang maiiyak ako sa sobrang inis. Although I’m such a brat, for me my virginity is something I wanted to present as a gift to the man I wanna marry someday. But that’s not gonna happen anymore. Pinalis ko ang pumatak na luha sa aking kanang pisngi. Para saan pa ba itong pagluha ko, marami naman diyan na nagkakatuluyan kahit hindi naman sila ang na una sa isa’t isa. Napabuntong-hininga na lang ako. Bigla naman ang pag-ring ng cellphone ko. Sa pangalawang pagkakataon ay nagpakawala ulit ako ng malalim na buntong hininga bago sinagot ang cellphone ko. “At last, you answered” Bungad sa akin ni Lacy. “Why?” Pahintamad na tanong ko sa kaibigan ko. “What why? You passed out last night. Tumawag ako sa inyo kagabi the moment I feel better to check on you pero ang sabi sa akin ng mga katulong hindi ka raw umuwi sa inyo kagabi. I’m about to tell Calisto to ask Dave kung saang kalye ka niya tinapon ka gabi. Like bes, you’re almost half dead!!!” And she burst out of laughter. “Hmmm… Ang saya mo ah.” I sarcastically said with fake smile on my faced as if she saw me on the other line. “Super bes, kung nakita mo lang itsura mo kagabi sa sobrang kalasingan. Muntik pa ngang mapa-away si Dave dahil sa’yo.” Automatikong napaangat ang kanang kilay ko. “Oh yeah?” I replied with disbelief. “Oo kaya, paano kasi as you passed out, that man we were dancing with yesterday wants to grab you out of Dave’s grip. Ito namang lolo mo overprotective, sinigawan ba naman agad iyong tao?” “Will then I guess I have to thank Dave anyway huh?” “Why? Hindi pa kayo nagkikita? Saan ka pala natulog ka gabi?” Nag-alangan akong sabihin sa kaibigan ko kung saan talaga ako natulog, but on second thought, wala namang masama if I tell her half truth. “He brings me to his condo but as I woke up, he was not there so I don’t get a chance na pasalamatan siya.” “Is that so, will I guess totoo nga talaga ang sinasabi ni Calisto na may early meeting sila ngayon if Dave went to work early, I thought he’s just making excuses.” Kahit na sa telepono lang kami nag- uusap ng kaibigan ko, ramdam ko ang biglang pagkalungkot sa tono niya. I know she loves my cousin so much dahil sa nakikita kong pagtatiyaga niya sa pagiging workaholic nito. “Stop being paranoid at itigil mo na rin iyang pagdadrama mo, hindi bagay sayo. I’m not defending him, but at least kahit workaholic ang pinsan ko, we know na ikaw lang ang babae sa buhay niya.” Me as always trying to comfort her. “Yeah, minsan iyon na lang din ang iniisip ko.” Wari nito sabay hagikgik. Napangiti na rin ako. Isa sa nagustuhan ko sa kaibigan kong ito, na kahit ang tingin sa kanya ng iba ay social climber siya, fame seeker at iba pang negatibo ay hindi siya nagpakita na apektado siya. But when it comes to my cousin, for her, everything matters. And that’s how I know she’s really Inlove with him. Nagkwentuhan lang kami saglit tungkol sa mga kalokuhan namin kagabi at sa mga schedules namin sa trabaho, after noon ay nag hung-up na kami pareho. Pagkarating ko sa bahay ay agad akong nag shower. May pasok ako sa summer class ko ngayong hapon, pero bago iyon ay kailangan ko munang dumaan sa agency ko dahil may sasabihin raw na importante ang management. Lumapit ako sa wardrobe kung saan nakasalansan ng maigi ang mga damit ko. Pumili lang ako ng simpling black highwaist jeans, kulay maroon na turtle-neck na hanggang siko lang ang manggas. Pinarisan ko ito ng itim na leather jacket at kulay maroon na four inch high-heels. Rolex lang na relo ang accessories ko at simpling stud na hikaw. As I become a model, through that kind of industry ay naging habit ko na ang pagbagayin ang mga sout ko. Pagkatapos ko lang maglagay ng konting press powder at lipstick ay binitbit ko na ang bag ko na may mga laman ng ilang libro at gamit pang eskwela. Malapit ko na rin matapos ang special class ko. Business Ad ang kinuha kong kurso kaya apat na taon na rin akong nagtatyaga sa pag – attend ng special class ko kahit na may trabaho ako. Matapos kong suruin ang itsura ko sa full-length mirror dito sa kwarto ko ay bumaba na ako. Kanina bago ako mag-shower ay pinasabihan ko na ang driver namin na ihanda na ang kotse ko. Sakto naman at nasa tapat na ito ng pintuan namin. Matapos iabot sa akin ng driver ang susi ay ipagbubukas pa sana ako ng pinto nito. “Ako na lang po Manong. Thank you.” I smiled at him. Alam ko hindi ako ganoon ka close sa kanila matapos mamatay ng mommy ko ay ginugul ko na ang atensyon ko sa pagbabarkada at pagparty. Ginawa ko iyon hindi dahil sa masaya ako, kundi dahil sa ayoko lang maramdaman ang sakit at pangungulila. Hanggang ngayon pa rin naman ay nangungulila pa ako sa mommy ko, lalo na ng ibuhos lahat ng daddy ko ang oras at atensyon niya sa trabaho. Alam ko, parehas lang kami. Nagpapakalunod sa kahit anong pwedeng pagkaabalahan para makalimut at maka move on. Pinalis ko muna ang malungkot na isiping iyon bago pinaandar ang kotse. Masyado ng malungkot ang araw ko na ito simula ng magising ako sa condo ni Dave, at hindi ko na yata kakayanin pang dagdagan ng isa pang malungkot na isipin. Pagkatapos ng halos kalahating oras ng pagmamaneho ay nakarating na rin ako sa building kung nasaan ang agency ko. Pinarada ko lang ang kotse ko sa parking lot, pagkatapos ay dumiresto na ako sa agency. “Hi.” Bati ko sa receptionist sa labas ng agency. “Maam Scarlett, good morning po.” Bati naman sa akin na tila nagulat pa ito na makita ako. “Good morning din. May appointment kasi ako ngayon. Ang sabi sa akin ng handler ko may announcement daw ngayon ang management.” Salaysay ko sa kanya na naka-ngiti. “Ah yes po Maam Scarlett, actually po medyo late na po kayo. Deretso na lang po kayo sa conference room, nandoon na po silang lahat.” Magiliw at may ngiti naman na sagot nito. “Ganoon ba, okey thank you.” Dumeretso na ako sa sinabi nitong conference room. Matagal na rin ako sa ahensyang ito kung kaya ay kilala na rin ako ng mga empleyado at kabisado ko na rin ang pasikot-sikot dito. Siguro nga ay special treatment na maituturing dahil sa open akong maglabas pasok sa building na ito. Bagaman hindi sila strikto sa akin ay hindi ko naman iyon inaabuso, sumusunod naman ako sa patakaran sa building na ito at sa trabaho, dahilan na rin marahil kung bakit magiliw sila sa akin. Malapit na ako sa pinto ng conference room ng marinig ko ang boses ng handler ko at ng may-ari ng agency. Nag-uusap sila na para bang may pinagkakasunduan, bagay na hindi madalas mangyari tuwing may mga meetings kami. Co-owners ang handler ko at ang CEO ng agency na ito. Magkaiba sila ng estilo sa pagpili ng mga empleyado at models kung kaya ay madalas silang nag-aargumento. Kumatok muna ako at hinintay na pwede na akong pumasok bago ko binuksan ang pinto. “Good morning” Pagbati ko sa lahat ng naroon sa conference room. Bukod kasi sa handler ko at sa may-ari ng agency ay may mga iilang artista at models din na nandoon. “Good morning din” Pagbalik-bati sa akin ng may-ari na siyang nakatayo ngayon sa harap ng conference room. Bago ako maupo ay lumapit muna ako sa handler ko at nakipag beso-beso sa kanya, pagkatapos ay umupo ako sa tabi ng mga kapwa ko models. Halos lahat ng most paid nilang artista at modelo ay may sariling upuan o pwesto sa bawat sulok ng building na iyon. Pero hindi ako. Naasiwa kasi ako sa pakiramdam na pinagtitinginan ka ng mga kapwa mo empleyado kapag naka-upo ka sa upuan o sa lugar na may pangalan mo. Ayoko rin makaramdam ng sobra-sobrang special treatment kung kaya hindi ko tinanggap na bigyan nila ako ng sarili kong pwesto o upuan. Ang iba, akala nila ay pakitang tao ko lang daw iyon, ang iba naman ay naniniwalang iyon talaga ang gusto ko. Ganoon pa man ay hindi ko na inisip pa ang iisipin at sasabihin nila. Kahit pa man noong unang pasok ko rito ay ganoon na ang ugali ko. Siguro ay dala na rin ng katotohanang hindi talaga ako apektado dahil hindi naman talaga ako nagkukumahog na sumikat o magkaroon ng trabaho. Pero laking pasalamat pa rin ako dahil sa may mga tao pa ring hinahangaan ako, dahilan para tanghalin akong most valuable at most paid artist sa kompanyang ito. “Okey since nandito na ang lahat, ay uumpisahan ko na ang announcement ko. Pinatawag ko kayong lahat dito dahil sa may maganda akong balita sa inyo. Nakatanggap ako ng imbitasyon mula sa isa sa pinakasikat na film maker dito sa ating bansa. And Miss Scarlett, could you please stand here beside me?” Gulat at may halong pagtataka akong napatayo at naglalakad sa tabi nito. “Miss Scarlett here, has been chosen to play the leading role sa gagawin nilang drama series.” Narinig ko ang mga hiyawan at palakpakan ng mga tao sa loob ng silid na iyon. Nakita ko naman na napatayo pa habang hindi magkamayaw sa pagpalakpak ang handler ko. Ako naman ay naluha na lamang ng unti-unting mag-sink in sa isip ko ang sinabi ng CEO. “Really? Baka po nagkakamali lang kayo?” Hindi makapaniwalang tanong ko dito. Nang ngumiti at umiling ay nayakap ko ito sa sobrang tuwa. Matapos namin magyakapan ay niyakap naman ako at binati ng handler ko pati na ng mga naroon sa silid na iyon. “Wait, there’s more.” At naging seryoso na ang lahat. “Lahat ng narito will also be taking parts sa nasabing upcoming series.” At Muli ay nag hiyawan at nagpalakpakan ang lahat.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD