Chapter 1

955 Words
ZAINNAYA's POV Pagud akong naupo sa kawayan naming upoan dito sa maliit naming Sala saka inalis ang sapatos ko. " Zainnaya!!" rinig kong sigaw ni ate Jaila mula sa labas kaya napaayus ako nang upo. Bumungad ang mala tigreng mukha ni ate Jaila dahil sa galit "Zainnaya! Ano nanaman tong narinig kong hindi ka nanaman raw pumasok at nag gagala ka lang raw at lumalandi huh?!" galit na sigaw sakin ni ate Jaila kaya napayuko ako Ang totoo hindi ako gumala o lumandi dahil nagtrabaho ako sa karendirya na malapit sa paaralan namin bilang taga hugas at nag lalako rin ng mga kakanin para makaipon ako ng pambayad sa matrikula ko dahil hindi ako pinapa pasuk ng guro ko dahil dipa ako nakababayad. Agad na lumapit sakin si ate Jaila at pinag papalo ako ng maliit nyang bag " Ate! tama na po nasasaktan na po ako" pakiusap ko "Talagang masasaktan kang bata ka kapag di kapa tumino, Ang bata bata mo pa pero lumalandi kana ah! Pasalamat ka ngang pinag aaral pa kita kahit walang wala rin ako at kong tutuosin kaya kitang palayasin sa pamamahay ko eh! dahil di ka naman anak ni inay at hindi ka naman namin kadugo. Pero alang alang sa Inay kaya binibigay ko sayo kong ano ang makakaya ko na hindi kayang ibigay ng totoo mong mga magulang dahil kahit sila inabanduna kana dahil sa Ikaw ang bunga ng kanilang pakakamali. Kaya sana naman mahiya ka Zainnaya! pakiusap tumino kana " mahabang lintaya ni ate Jaila saka umopu sa katabi kong upoan Lumapit ako kay ate Jaila na umiiyak saka yumakap sa kanya. " Ate patawad po kong nagiging pabigat nako sayu, hindi po ako nag gagala o lumalandi nagtatrabaho po ako sa karendiryang malapit sa paaralan namin bilang taga hugas at nag lalako na rin po ng mga kakanin para po makabawas ng gastusin dito sa bahay." Pag sasabi ko ng totoo dahil hindi ko kayang magsinungaling Kay ate Jaila. Agad nyang kinalas ang yakap ko at hinarap ako. " Bakit mo kailangan mag trabaho imbis na pumasok ka at mag aral? Bakit di mo sakin sinabi " Nagugulohang tanong nito sakin " Hindi po ako pinapa pasuk ng guro ko dahil dipa raw po ako nakababayad Ng matrikula ko, at ayaw ko na pong mag alala pa kayu dahil marami napo kayung babayaran dito sa bahay ate, kaya pumasok po ako sa karendirya at nag bebenta ng kakanin para hindi nyu na po isipin ang sa matrikula ko" nakayuko Kong paliwanag Kay ate, naramdaman kong niyakap nya ako saka ko naman pinahid ang luha ko. "Ilang araw kang hindi pumasok? At mag kano ang babayaran mo sa matrikula mo?" tanong nya sakin " Tatlong araw na po ate, tapos 5500 po ang babayaran pero meron na po akong 1300 na naipon, saka mamaya po mag titinda ako sa terminal ng mga kakanin at sigarilyo para dagdag kita ko po" nakayuko kong Saad Kinuha nya ang maliit na bag nya at kumuha ng 4500 saka ibinigay sakin "Nakakuha ako ng malaking tip sa mayamang parukyano kagabi, Magpahinga kana at ang 300 sayu na baun mo na bukas. sige na mag ayus kana mag luluto lang ako tawagin nalang kita" Saka dumiretso sya sa kusina agad naman akong pumasok sa kwarto ko at nag bihis. Ang trabaho pala ni ate Jaila ay Isang waitress at dancer sa Isang sikat na Restobar sa kabilang bayan sa hirap ng buhay pinasok nya yun dahil walang tumatanggap na matinong trabaho pa sakanya dahil high school graduate lang ang natapos nya at kailangan nya na rin kumayud noon dahil sa sakit ni inay na walang pambayad ng mga gamot, Hindi rin Kasi ako pinatigil ni ate nang pag aaral kaya kailangan doble ang kita nya. ngayun ay nag aaral ako ng koleheyo sa kursong HRM (Hotel Restaurant and management). Pumasok sa isip ko Yung sinasabi ni ate Jaila kanina totoo ang mga sinabi ni ate na inabanduna na ako ng mga magulang ko at ibinigay Kay Inay Carmelita dahil sa ako ang bunga ng Isang gabing pagkakamali nila. Galing ako sa mayayamang pamilya ang ama ko raw ay may asawa na bago pa ako mabuo limang taon na silang mag asawa pero hindi sila mag ka anak at ang aking Ina ko naman ay ganon ding may asawa na pero may Isa silang anak na lalaki pero ayaw sakin ng asawa ng Ina ko kaya ibinigay Ako sa ama ko pero ayaw naman sakin ang ama ko kaya ibinigay ako kay Inay Carmelita na isang katulong sa mansyon ng ama ko apat na taon ako noon ng ibinigay kay Inay Carmelita sya na rin ang nag palaki sakin Kasama si ate Jaila. 18 ako ngayun at si ate naman ay 27 na, siyam na taon ang agwat namin, 3 taon na ang nakalipas mula ng mamatay si Inay sa sakit nya sa puso iyon ang sabi sakin ni ate Jaila kaya kami nalang ni ate ang mag kasama ngayun. Noon lagi akong sinisisi at sinasaktan ni ate dahil raw sakin kaya nawala si Inay kaya inisip ko non siguro napakapasaway ko at duon inatake si Inay dahil Wala akong maalala na may kasalanan ako sa pagkawala ni inay, pero unti unti na syang nagiging mabait sakin kaya masaya na ako na bumabalik na ang ate ko. Nakakain na kami at nakapaghugas na rin ako ng kinainan namin saka naman tumungo si ate sa kwarto nya para magpalit dahil papasok pa sya ng trabaho sa bar bilang dancer naman. Restobar ito sa umaga restaurant tapos sa gabi naman bar, waitress si ate sa umaga tapos dancer naman sa gabi. Umalis na si ate, mamayang madaling araw nanaman sya uuwi kaya naiwan naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD