Chapter 3

1270 Words
Chapter 3 ZAINNAYA's POV Napatingin ako kay Era pinapatahan ni Gabby nang bigla syang lumapit sakin saka yumakap. " W-Wala na K-kami ni Denver nakita ko syang kahalikan si Lacy sa locker room noong araw na absent ka at nang kinausap ko sya s-sabi nya l-linigawan lang nya daw a-ako para m-mapalapit s-sayu dahil Ikaw ang gusto nya pero hindi mo naman sya pinapansin kaya ako ang niligawan nya para makalapit sya sayu, hindi naman nya talaga ako minahal dahil tuwing magkasama kami Ikaw ang hinahanap nya o kaya'y inaalam nya ang tungkol sayu at nalaman ko ring sya ang nagpapadala sayu ng mga bulaklak at chocolate lalo iyong staff toy sakanya iyon galing" mahabang kwento nito sakin dahilan ng pananahimik nya " Naya! Sorry kasi diko mapigilang maingit sayu, kasi yung nag iisang gusto ko Ikaw naman ang gusto. Boyfriend ko na nga pero Ikaw naman ang sadya, walang wala ako kumpara sayu Ikaw maganda at ako sakto lang pwedi na nang pag tyagaan, Ikaw may mala porcelanang balat at natural ang kinis kahit atah alikabok mahihiyang dumapo sayu samantalang ako kailangan ko pang gumamit ng kong ano anong pampaganda para lang mapansin nila. Ikaw matalino, talented, madiskarte at higit sa lahat ideal girl ng karamihan almost perfect kana nga eh! Kumpara sakin alam mo bang nanliliit ako kapag kasama kita, Naya patawad dahil ingit ako sayu pero sana hindi ito ang dahilan para masira ang pagkakaibigan natin, Gabby patawad din." Nagkatinginan kami ni Gabby dahil sa sinabi ni Era Kaya agad kaming lumapit dito saka niyakap si Era diko alam na may saloobin syang ganon sakin " Era girl! Hindi masisira ang pagkakaibigan natin dahil sa insecurities mo at hindi mo rin kailangan ikumpara ang sarili mo kay Naya girl, dahil gaya ng sabi namin sayu na hindi tayu pare pareho may katangian kang wala kami pero dahil dyan sa insecurity mo hindi mo yun napapansin." Seryusong saad ni Gabby Kay Era " Kahit man ako babe hindi ko gustong ikumpara mo ang sarili mo sakin mag kakaibigan na tayo simula bata palang nandyam kayu ni Gabby kapag kailangan ko, nandyan tayu kapag si Gabby naman ang may problima at kailangan patawanin at ngayun Ikaw naman!, andito kami ni Gabby para sayu pero hindi ko alam na may ganyan kang sa loobin sakin. Babe naman!.... Hindi ako galit sayu pero pakiusap wag kang maingit sakin dahil mabait ka, matalino at higit sa lahat maganda ka hindi lang sa labas kundi pati sa loob wag kang mag papatalo sa insecurities mo huh! Pamilya ko kayo diba nga mana ka sakin hayt!! Tama nga ang drama malelate tayu tara na pero mauna na kayu mag ccr lang ako sunod ako sa inyo" tapos na ang iyakan at yakapan sabi ko na nga ba may mali kaya tahimik si Era dahil sa t*******ong Denver na yan kaya hintayin moko dahil mag tutuos tayu! Kaya tumayu narin kami maglalakad na sana ako. " Samahan kana namin!" Agarang saad ni Era " Oo nga naman Naya girl!" Pag pupumilit ni Gabby pero pinigilan ko na sila " Hindi una na kayu madali lang naman ako ehh sige na kita nalang tayu sa room!" Saka ako humiwalay sa kanila dahil alam ko mag pupumilit lang sila pero ang totoo ay pupuntahan ko talaga si Denver para kausapin pero pag hindi sya na dala sa pakiusapan, may kasabihan tayu kung hindi sya madadala sa santong dasalan, dadalhin ko sya sa santong paspasan. Kaibigan ko ang niloko nya at ang masakit pa ginamit nya lang si Era para lang sakin. Si Michael Denver Anderson ay Isang varsity player at tinaguriang Campus heartthrob at talaga namang habulin rin ng mga babae dahil sa gwapo at mayaman din ito, Kong baga sikat sya hindi lang dito sa school namin kundi dito rin sa buong syudad namin dahil Anak sya ng mayor at talagang mayaman din ito dahil na rin sa negosyo nilang Babuyan at poultry meron ding bakery shop. Simula ng High school palang kami eh masugid ko na syang manliligaw, oo manliligaw ko sya napapayag nya ako dahil narin sa kakulitan nya pero hindi ibig sabihing sasagutin ko sya dahil una palang na alam nyang hindi ako mag boboyfriend hanggang hindi pa ako nakakapagtapos ng pag aaral at na bibigyan na magandang buhay si ate Jaila at Inay Carmelita. Pero hindi sya tumitigil sa pag papadala ng bulaklak at chocolate kahit nag ka girlfriend na sya pero ibinigay ko lang ang mga iyun sa mga kaibigan ko sinabihan ko na rin syang tumigil na pero hanggang ngayun nagpapadala pa sya, Hindi lang sya ang nagpapadala sakin marami ring kalalakihan ang ganon sakin pero wala akong pinapansin sa kanila. Pero hindi ko alam na naging sila ang alam ko crush lang ito ni Era una palang binalaan ko na sya at Kilala nya naman si Denver pero naging sila parin ni Era, Wala sana saking problema iyun pero ang lokohin ang kaibigan ko yun ang problema ko. Pumunta ako sa lugar na alam Kong naroon sya hindi nga ako nag kamali dahil nandito sya sa cafeteria Kasama ang mga teammates nya at ang girlfriend nya atah na si Lacy Lennon. Kahit alanganin ay lumapit parin ako nagkakatuwaan sila kaya hindi nila ako napansin tumikhim ako para maagaw ang atensyon nila. " Oh Hi! Miss Zainnaya" bati sakin ni Lukas " Ganda nanaman ng araw ko nakita ko na si Zainnaya babes " ngiting saad ni David Binati din ako ng iba kaya tumango nalang ako sa kanila saka ako tumingin kay Denver. "Ah! Pwedi ba kitang makausap" napatingin ako sa mga kaibigan ni Denver ng mag hiyawan sila pero agad naman itong sinaway at pinatigil ni Denver. Nakita ko naman ang pag irap ni Lacy sakin. Tumango ito sakin saka ngumiti maglalakad na sana ako paalis ng mag salita si Lacy. " Bakit kailangan mo syang kausapin, bakit kailangan nyo pang lumabas kong pwedi mo namang sabihin dito" kaya humarap ako nakita ko ang nanlilisik nyang mata kaya napa ngisi ako, ayuko ng gulo pero kong naghahanap sya pagbibigyan ko sya " Bakit ka nangingialam ikaw ba kakausapin ko! At bakit sa labas ko pa sabihin sa gusto ko syang masulo may angal ka! " Saka ako napangisi at napairap " That's my Girl" " Astig talaga ni Zainnaya" " Lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya" Yan ang mga narinig ko maglalakad na sana ako palabas ng biglang may humila sa buhok ko. " Wag mokong tatalikuran kapag kinakausap pa kita at kong sabihin kong may angal ako at bakit ako nangingialam kasi girlfriend lang naman ako ng gusto mong kausapin at masulo" saka ako pinag sasabonutan " Galawin mo na ang lahat wag lang ang buhok ko" nahawakan ko ang kamay nya nakahanap ako ng tyempo para sipain sya sa tuhod dahilan para mapaupo sya, kaya nabitawan nya ang buhok ko tyaka ko sya sinukmuraan at hinila ko ang buhok nya paharap sakin, inaawat narin kami nila Denver pero dahil nang gigigil ako dito sa bruhang to kaya hindi ako nag patinag " Z tama na please hayaan mo na si Lacy! Tama na" awat sakin ni Denver " Sa susunod kilalanin mo ang kakalabanin mo dahil kung hindi ako nakapag pigil ngayun bangkay kang iuuwi sa mga magulang mo at Isa pa pala nalaman ko rin ang ginawa mo sa kaibigan ko na pinahiya mo sya kaya itong dapat sayo" Hindi Ako nag dalawang isip para bigyan sya ng malutong na sampal, iniwan ko sila saka dumiretso sa garden kong saan payapa Saka ko pinakalma ang sarili ko hindi narin ako nakapasok sa dalawa kong subject.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD