Zach
“Anong nangyari diyan namatayan ba yan?.. oh my god namatay si Tita Margarita? Oh si Tito..” dinig kong tanong ni JM kila Theo.
“Siraulo!! Mukang broken hearted eh.. ayaw naman mag kwento” Sagot ni Theo. Hindi ko sila pinapansin at ayokong magkwento sakanila dahil sigurado ako a-asarin lang nila ako at sasabihin na nakarma ako.
“Bro.. Bakit maswerte ang kalendaryo at ikaw malas?” Tanong ni JM. Sinamaan ko ng tingin si JM dahil nag sisimula nanaman ng kalokohan.
“Sige na Huwag kang KJ Zachary” pilit nito saakin.
“Bakit!!” Galit kong tanong
“Kasi marami siyang date ikaw wala” sabay tawa nito ng malakas. Sila Theo At Matteo naman pinipigilan ang tawa.
“Ok.. Ok.. bawi ako saiyo bro.. Bakit malungkot ang kalendaryo?”
“Bakit!!?” Ako naman pinapatulan ang kalokohan ni JM.
“Kasi bilang na mga araw niya BOOM!!” Tawa ito ng tawa sa kalokohan niya.
“Hoy Theo Matteo Huwag niyong pigilan ang tawa niyo baka mautot kayo niyan” asar ni JM sa dalawa. Pero nagulat ako ng lumapit ito saakin at Inakbayan ako ni JM
“Ang saakin lang naman tol.. don’t waste your time sa pag lalasing walang magagawa yan.. kung babae man yan at worth it gawin mo lahat to win her back oh kahit ano pa ang problema mo tol basta buhay ka May Oras at araw ka pang maayos yan.” Inakbayan ko din ito.
“Thanks bro May sense ka rin palang kausap” biro ko.
“Tignan mo tong pakboi nato sama ng ugali.. may bayad yang payo ko” napakunot ako ng noo.
“Anong bayad..” tanong ko.
“MalApit nang matapos ang bago kong bar Punta kayo ni Theo sa grand opening ng bago kong JMS bar sa Tagaytay special guest ko kayo” kay lapad ng Ngiti nito.
“Sabi ko na nga ba Wala akong aasahan saiyong free eh” tinunga ko muli ang beer ko.
Halos dalawang buwan na ng Huli kong makita si Sparkle. I tried to forget her pero tang ina Hindi ko siya makalimutan. Nababaliw na nga ako sakanya Hindi ko alam Kung na love at first sight ako.. ang akala ko nung una libog lang na gusto ko lang siyang matikman pero Hindi eh lalo lang akong na Adik sakanya ng makuha ko siya. Iniisip ko pa lang na baka sa mga Oras na ito May kasama siyang Ibang lalaki gusto kong magwala.
“Paano mo ba malalaman Kung in love ka sa isang babae?” Malasing lasing kong tanong kay Theo. Pinag drive ako nito pauwi sa pent house ko dahil Meron din itong pent house sa Montemayor tower.
“Mararamdaman mo yun Zach.. Hindi siya mawala Wala sa isip mo pag nandiyan siya ayaw mo na siyang mawala sa tabi mo para bang kulang na kulang yung mga oras na mag kasama kayo and willing kang mag antay at masaktan para sakanya” Sagot ni Theo. Napangiti ako dahil mukang in love din ito.
“Alam na alam mo bro ha.. in love ka na ba?” Asar ko
“Bakit napunta saakin ang topic? Bakit pakboy in love kana ba?” Asar ni theo.
Hindi ako sumagot bagkus na pailing ako dahil sapul ako don Mukang malakas yata tama ko kay Sparkle in love na nga yata ako.
Sparkle
Dalawang buwan na ako sa kumbento sabi ni Sister Veron after 2 years daw Pwede na ako mag temporary vows tapos after 3years pwede na ako mag final vows.
“My gosh sister mas mahaba pa pala ito sa college course ko” mabait at super cool si sister Veron she’s guiding us to really see our purpose kung talaga bang dapat kaming mag madre.
“Aya alam ko Hindi talaga pag mamadre ang gusto mo sa buhay kaya hanggat Hindi ka pa nag te-take ng vows you have time to leave and do what you really want in life at yan ang gusto ng panginoon na sundin natin Kung ano ang nasa puso natin” napa Ngiti ako ng pilit.
“Buo na po ang pasya ko sister Veron sa piling ng panginoon walang sakit walang alinlangan at higit po sa lahat panatag ang loob ng aking nanay” napa taas naman ang kilay ni sister Veron.
“Bibigyan kita ng panahon para makapag isip isip iha diba sabi mo itong week end nag Yaya ang mga kaibigan mo lumabas sumama ka bumalik ka sa kumbento after ng Apricot festival.. use that time too to spend time with your family mag isip isip ka at pag Balik mo Kung gusto mo pa din mag mAdre Hindi na kita ku-kwestiyunin.”
At yun na nga week end came ang aking mga loka lokang kaibigan ay mag tutungo sa JMS bar grand opening. Nag suot lang ako ng simple dress at pinatungan ko ng denim jacket. Nang makapasok ako sa bar Grace immediately saw me and wave. Kumaway din ako at tinungo ang pwesto niya.
“OMG girl are you sure mag mamadre ka sayang naman ang Ganda mo at ka-sexyhan mo walang makikinabang” napa irap ako dahil kung alam lang niya may pakboy na naki nabang na sa katawan ko at Pepe ko kaya nga mag mamadre na lang ako.
Mayamaya lang dumating na si Dhaira.
“By the way alam niyo ba Bakit ko kayo dito yinaya sa JMS bar?” Tanong ni Grace. “Bagong branch ito ng JMS bar.. so as part of their grand opening the owner invited all the famous billionaire bachelor in the Philippines” kinikilig nitong saad. “You know who’s coming tonight? None other than Zachary Montemayor acckkkkhhhhttt!” Tili nito.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito at bumilis ang pintig ng puso ko.
“Shocks Hindi niya ako Pwedeng makita dito” bulong ko sa sarili ko. “naku mag papa biktima ka nanaman sa play boy na yun ikaw din baka ma broken hearted ka lang walang sini-seryoso yun” tinamaan ako sa sinabi ni Dhaira dahil naging mArupok ako dun sa pakboy na yun
“Kill joy mo!! Kayo din kasi masyadong seryoso eh kaya Kayo na bo-broken hearted.. Ang mga lalaki pag nakitang patay na patay kayo sakanila na wawalan na sila ng gana Wala ng challenge para sakanila kaya nag hahanap na ng iba.. Kaya ako sinasakyan ko lang ang gusto nila.” Napa isip ako sa ibig sabihin ni Grace.
“Anong ibig mong sabihin sakyan ang gusto nila” tanong ko.
“Kung s3x lang ang gusto yun ang ibigay mo but make sure to give your best performance yung hahanap hanapin kayo” pilya nitong sagot.
“Kaya Kung ako saiyo Sparkle try mo munang tikman ang langit sa lupa bago ka mag madre” kinurot ito ni Dhaira dahil sa kapilyahan. Hindi nila alam minsan ko ng natikman ang langit na sinasabi niya pero matapos ang langit sa impyerno ka iiwan ni pakboy. I went through h3ll dahil heart broken ako sakanya Bwisit siya.
“Accchhkkkttt!! Here they are shocks gwapo ni Theo at Zach” tili ni Grace. Nag paalam si Dhaira na mag CR daw siya gusto kong sumama pero pinigilan ako ni Grace.
“Tska ka mag CR pag Balik ni Dhaira iiwan niyo nanaman ako mag isa” tampo nito. Wala na akong nagawa Kung Hindi manatili sa pwesto namin.
They started playing chill out songs at ipinakilala si Pakboy.
“Thank you guys for coming sa grand opening ng JMS bar I’m so overwhelm sa suporta niyo kaya simulan na natin mag party!!!” Sigaw ng owner ng bar si JM. Ang gwapo din nito sobra.
“At dahil sainyong walang sawang suporta sa JMS bar dinala ko na ang request niyo mga girls!! The hottest bachelor in the country Zach Montemayor” sigaw muli nung JM. Ang mga babae naman walang humpay sa tilian mga Handa ng mag pawasak ng pepe including Grace.
“Shocks Sparkle ang gwapo niya!!! He is indeed the hottest bachelor in the country!! Kahit one night stand lang papayag ako!!” Napa irap ako sa sinabi nito.
“Bakit ka ba irap ng irap diyan! Don’t you think he’s gorgeous? Sarap gahasain diba?” Kilig na kilig na tukso ni Grace saakin.
“Gwapo ba yan baka Gago! Sorry po lord ha sa word ko.. pero tignan mo nga mukang mayabang at halatang pakboy!” Inis kong Sagot.
“Ay judge mental ka te!! I’m telling you subukan mong tumikim ng langit at baka si Zach na ang mag paparanas ng langit saiyo! Tignan mo oh mukang naka tingin siya sa pwesto natin” Muli nitong tukso. Natakot ako sa sinabi ni Grace kaya sinulyapan ko si Pakboy.
“Shocks para ngang dito siya naka tingin.. Hindi kaya namukaan niya ako?” Kinakabahan kong kausap sarili ko.
“At para sa mga single na beautiful girls dito kakantahan kayo ni Zach” pahabol nung JM.
“Kumakanta pala si pakboy” Napa lakas kong Sambit.
“Grabe ka talaga Sparkle kay papa Zach” naka simangot na saad ni Grace
“Siraulo ka JM!! Pasensiya na kayo dito sa kaibigan ko ginawa akong artista at singer” mga babae naman tili ng tili sarap kurutin ng mga singit.
“Hindi sana ako Kakanta Pero nandito yung babaeng matagal ko ng hinahanap kaya kakanta na ako and this song is for you sweet heart” Sambit nito habang nakatingin sa pwesto namin. Inalis ko agad ang tingin ko sakanya at binaling sa Drinks ko dahil halos lahat ng tao sinundan ang mata ni Zach kung kanino siya naka tingin.
“Hoy saatin ba naka tingin si Zach?” Takang tanong nito.
“Ewan ko.. baka pakuno o kaya baka may gusto saiyo” napa taas naman kilay ni Grace Mukang Hindi bumenta yung Palusot ko.
Sinulyapan kong muli si Zach ng mag tilian muli ang mga babae at nag simula itong tumugtog ng gitara.
When I met you
“There I was, an empty piece of a shell
Just minding my own world
Without even knowing what love and life were all about”
“Bwisit Bakit ang Ganda ng boses ni pakboy.. gwapo, sexy, bilyonaryo, magaling sa kama, maganda pA boses.. talagang lahat ng tools to be pakboy Meron siya sino bang Hindi magiging marupok kay Zach”
“Then you came
You brought me out of the shell
You gave the world to me
And before I knew
There I was, so in love with you”
“Sinulyapan ko ito pero parang napaso ang mga mata ko ng magtagpo ang mga mata namin.. kay lapad ng Ngiti niya habang nakanta at nakatingin saakin”
You gave me a reason for my being
And I love what I'm feeling
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you
“Is he singing the song for me? Sinusubukan ba niya kung magiging marupok ako ulit”
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you
When I met you
Matapos nitong kumanta nag pasalamat ito at mabilis nag lakad patungo sa pwesto namin. Aalis na sana ako pero si Grace pinigilan ako.
“Stay I want to know anong Meron sainyo ni Zach” at eto na si pakboy sa harap ko.
Nagulat ako ng yinakap niya ako ng mahigpit.
“I’m so happy to see you again sweet heart.. I’ve been looking for you Bakit mo ako biglang iniwan you ghosted me” May halong saya at lungkot ang boses nito.
“Zach.. you know why I left.. so don’t pretend na Hindi mo alam” napatakip ng bibig si Grace. “Oh my gosh may naka raan kayo Sparkle?” Inalis ni Zach ang pag kakayakap saakin.
“Yes Hindi lang past present and future din” mariin itong nakAtingin saakin.
“Hmmm.. past and present maybe pero future I don’t think so Zach.. mag ma madre na yang sweet heart mo eh” singit ni Grace.
“What a nun?! No way!!” Hindi makapaniwalang Sagot ni Zach.