“Gusto mong masarado ang gate, hindi ba? Isa pa, matagal din bago ang araw na iyon,”sabi ko at nilingon siya, “Kung kaya, gagawin ko ito para sa iyo. Basta, sasagutin mo lahat ng katanungan ko.” Hindi makaimik ang babae. Hindi yata nito inaasahan na isa akong player. I mean, wala naman tao sa mundo ang hindi player. Ang kakaiba lang sa lugar na ito, walang system na lumabas sa kanilang harapan. Iyon ang malaking misteryo. “S-sige,”tugon nito, “Makakabalik ka ba? Kita mo kung anong klaseng nilalang ang nandiyaan sa loob. Hindi natin alam kung gaano kalakas ang boss nila. Maaring ikamatay mo pa ito.” “Alam ko na ang iba’t-ibang klaseng nilalang sa loob ng gate. Sa loob ba naman ng ilang buwan na walang tigil na pakikipaglabanan? Isa pa, huwag kang mag-alala. Kapag may gusto akong maabot s

