Game 12

1019 Words
Pinag-uusapan ng mga ito ang papalapit na event, karamihan sa kanila ay nag-aaya ng mga player na sasama sa kanilang grupo. Ang iba naman ay puro katarantaduhan lamang ang ginagawa. “The event will start after an hour,”basa ko sa isang notification sa itaas. Mas lalong nakakagulo ang mga player sa world chat na naging dahilan ng aking pag-iling. Newbies.   Lumipas ang ilang sandali at bigla na lang umitim ang screen ng aking pc. Akala ko ay na sira na ito ngunit umaandar pa rin naman ang System Unit. What? Isang apoy ang lumabas sa screen at kasabay nito ang paglabas ng event title. Hindi ko mapigilan ang hindi mamangha sa ganda ng graphics nila ngayon. Naalala ko pa noon na ilang beses ko pa itong nilait dahil sa sobrang panget ng graphics nila, ngayon, kita mo nga naman, sobrang ganda na ng kanilang mga likha. Pagkatapos ng event name ay lumabas ang isang dragon at patuloy lamang ito sa paglipad paikot sa screen hanggang sa patungo sa harapan ko. “Are you ready?” tanong nito at may lumabas na yes or no sa baba. Walang pagdadalawang isip na pinindot ko ang Yes at agad na lumabas ang isang scroll. Sobrang luma na nito na parang na sunog na. “A very long time ago, there are no such thing as Dark Days, however, when the dragon has resurfaced. The people nightmares became true. Gloomy day time, fear can be seen in their eyes, lost courage. Only a hero can save them, a hero that will defeat the bosses in the gate, a hero that will defeat the dragon at the end and the hero shall be granted with reward.” That’s kinda weird but what can I say, that’s the creators plot. Patuloy pa rin sa pagkwento ang narrator sa buhay ng mga tao sa laro. Hindi ko alam kung bakit pero na eexcite ako sa game na ito. Isang emaila ang nag-pop up sa screen at nakita ko ang pangalan ng client ko. Agad ko itong pinindot dahil hindi pa naman kami nagsisimula. “I heard that the event has started?” tanong nito. “Yes,”tugon ko, “It already started, I am waiting for the narration to finished so that I can start doing the missions.” “Do you think you can win?”  Tanong nito. “I am not sure not until I try, right?” Hindi na muli itong nag-reply. Ano kaya ang nasa isip nito. Hindi ko na lamang ito pinansin at bumalik na sa laro. Tamang-tama rin at na tapos na ang mahabang narration ng laro. Agad na lumabas ang mahabang listahan sa kung ano ang gagawin. Karamihan sa mga nandito ay madali lang naman ngunit, sa isang parte lang talaga kami mahihirapan. Iyon ay ang makapatay ng tatlong bosses. May record na ako ng isa kaya dalawa na lang ang kulang. Ngunit, paano ako makakahanap ng bosses na walang kalaban? Sa oras na may kasama ako sa pakikipaglaban, given na, na sa oras na siya ang makapatay pero ako iyong mas malaki ang damage. Sa kaniya pa rin ang kills. Hindi ko na alam ang gagawin ko pero sa tingin ko ay kailangan ko na magsimulang maghanap ng pwedeng patayin na boss. “I think I should go with basic mission first.” Basa ko sa isang chat mula sa world chat. “Me either. These are all so simple. It is best to eliminate the simple before going to the hard one.” Reply naman ng isa. I don’t think na it will be a good idea. Para sa akin lang ay mas mainam na unahin muna ang mahirap kaysa sa madali. Paano kapag matatagalan ka sa mahirap? Edi sayang iyong oras, mas mabuti na iyong mahirap muna dahil siguradong matatapos mo at sunod-sunod na ang madali. “Let me go with you.” “Me too.” “Your idea is good.” Hindi ko alam kung tama ba na naglaro ang mga ito o ano. Hindi ko na lamang sila pinansin at nag-mute sa chat na iyon. Agad akong nagtungo sa gate at pumasok sa loob. Bago iyon ay nag-register muna ako bago tinago ang aking presensiya. Ayaw kong masundan ako ng mga ito, baka may makita pa akong boss at kunin pa nilang lahat, ako iyong kawawa. I need to be selfish, I need to do this. Not just because I have a client but because I don’t trust those people who played this game. Patuloy lamang ako sa pagtakbo habang nakatingin sa mga player na nandito. Abala silang lahat sa pakikipaglaban habang tinutulungan ang sarili na makapuntos. Para saan ba at ginagawa nila ang mga iyan? Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nila ng kasama sa paglaro ng event na ito gayong ayos lang naman maging mag-isa. Patuloy pa rin ako sa pagtakbo hanggang sa makarating na ako sa may isang malaking pinto. Hindi ako sigurado kung ano ang mayroon dito pero tila ba iniiwasan ng mga player ang lugar na ito. Bakit kaya? May kalaban kaya rito na sa tingin ko ay hindi ko kakayanin? Well, hindi ko rin naman malalaman kung hindi ko titignan. Kung mamamatay ako ay pwede ko naman sabihin sa aking client na hindi ko kinaya ang misyon o pinagawa niya sa akin. Sabi nga niya ay kung hindi ko kaya, hindi naman kailangan pilitin. Ayos lang naman sa kaniya, ngunit, sobrang laki kasi ng pera na ibibigay niya. Sayang din naman kung hindi ko kukunin, mas mabuti na iyong napupunta sa tamang kamay. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok na. Bumungad sa akin nag kulay berdeng usok. Hindi naman ito mabaho at hindi rin nakakalason. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ang isang babaeng kulay pula ang damit. May mga alagad din ito na kulay pula ang cloak. Ano ito? Kulto? Bakit may ganito na sila ngayon. Hindi ko inaasahan na pwede na pala gumawa ng ganitong klaseng grupo sa larong ito ah? Akala ko noong una ay apat o lima lamang ang dapat magkasama. Mukhang ayos na kapag more than that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD