Pagkatapos ng ilang araw ko pagkawala simula noong inaya ako ng Guild Master na maging kasapi nila ay hindi na ako bumalik pa. Wala na akong plano pa na bumalik doon at kausapin siya. Final na ang desisyon ko, wala akong sasalihan na grupo at hindi ako sasali kahit kailanman. Alam kong isa ito sa masamang pakikitungo sa mga taong mababait na tulad niya pero, hindi rin naman niya ako masisisi kung labis ang aking pagkawalang tiwala sa kanila. Ilang beses na ba itong nangyari sa akin? Ilang beses na nga ba ako niloko? Tapos iisipin pa nila na magtitiwala ako? Huwag na.
Agad akong pumasok sa isang gate rito sa aming lugar. Nang tuluyan na akong nasa loob ay hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti, napakagandang lugar.
Kailan pa kaya ako makaka-balik sa kaharian na ito? Taon pa ba? Buwan o dekada? Iyon ay hindi ko alam. Possible rin na hindi na ako makakabalik pa dahil sa taong may tangkang pumatay sa akin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang intensyon nito. Gusto ko man malaman ay hindi ko naman ito matanong. Pagkatapos nang ilang araw na habulan namin sa tuwing nandoon ako sa bayan ay bigla na lang itong tumigil at nawala. Ngunit ayon naman kay Fengari ay nasa paligid ko lang raw ito at nakamasid. Tila ba binabantayan lahat ng kinikilos ko.
Hindi ko nga lang alam kung balak ba ako nitong patayin sa oras na makaalis na ako sa kaharian na ito. Possible naman, kung alam nga lang nito na aalis na ako ngayong araw. Ang sinabi ko kasi kay Aling Cita ay ipagkalat niya na umalis na ako kahapon, nang sa gayon ay umalis na rin ang lalaking iyon at hindi na ako mag-aalala pa na may naka-sunod sa akin.
Hindi ko nga lang alam kung kumagat ba ito sa pekeng balita. Kung matalino siya ay maaring hindi ito naniwala at pinuntahan niya ako rito sa kastilyo upang kumpirmahin, ngunit kung medyo may katangahan naman ang taong iyon ay maaring kumagat nga iyon.
Huminga na lang ako ng malalim atsaka tumayo na. Tama na nga itong pagda-drama ko, kailangan ko nang mag-ayos dahil kailangan ko ng magpaalam sa mga prinsesa at hari. Tumayo na ako sa pagkakahiga at nagtungo na sa banyo. Binuksan ko na ang gripo upang punuin ng tubig ang banyera at kumuha ng sabon.
Binuhos ko ang sabon sa banyera at kaunting langis dito. Kumuha rin ako ng ilang mababangong kandila at sinindihan ito atsaka inilagay sa lalagyan.
Lumipas ang ilang sandali ay na puno na rin ito sa wakas at naamoy ko na ang mabangong pabango ng langis. Hinubad ko na ang aking damit atsaka pumasok sa loob ng banyera at humiga.
Napaka-sarap ng tubig.
Ipinkit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang mainit-init na tubig sa aking katawan. Ramdam ko ang pagkalma ng aking mga kalamnan at pagkawala ng aking pagod sa katawan.
Ayaw ko munang magmadali sa pagligo, hindi ko pa alam kung ilang araw pa ako bago makakaligo ulit. Hindi naman pwedeng basta-basta na lang akong maghu-hubad sa mga batis na makikita ko. Wala rin akong alam kung anong hayop ang bigla na lang lalabas sa aking harapan at atakihin ako bigla tapos hubo't-hubad pa ako.
Nanatili lamang ako roon ng mahigit isang oras at pinapakiramdaman ang tubig sa aking katawan. Ilang sandali pa ay bumangon na ako at binanlawan ang aking katawan, pagkatapos ay agad akong nagbihis at nagsuklay ng aking buhok.
Kinuha ko na rin ang ilang gamit na binili ko sa bayan at inilagay sa aking Spritual Storage atsaka lumabas na ng kwarto. Habang naglalakad ako sa mahabang pasilyo na ito ay na pansin ko na walang masiyadong tao. Wala rin ang tatlong katulong na laging nakasunod sa akin, nagtataka rin ako kung bakit walang mga kawal sa bawat sulok. Noon ay lagi naman silang nandoon at kahit kailan ay hindi umalis sa kanilang mga pwesto.
Patuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa harap ng Throne Room. Nakita ko naman roon ang dalawang prinsesa at ang Hari na naka-upo sa kanilang mga trono habang nag-uusap-usap.
Pumunta ako sa kanilang harapan at yumuko.
"Magandang umaga, Mahal na Prinsesa, Mahal na Hari,"bati ko sa kanila.
"Kori,"tawag ni Flora. Itinaas ko naman ang aking paningin at ngumiti sa kanila.
"Narito po ako upang pormal na magpaalam sa inyo,"sabi ko, "Nais ko rin po sanang magpasalamat sa lahat ng nagawa niyo sa akin habang dito ako namamalagi sa inyong kaharian."
"Ayaw mo na ba dito?" Tanong nang hari. Umiling naman ako sa kaniya bilang tugon.
"Hindi naman po sa ganoon, mahal na hari, gusto ko lang po tumulong sa iba pang bayan na nangangailangan ng tulong. Kung kaya ay aalis po ako ngayong araw,"saad ko at ngumiti sa kanila.
"Kung iyan ang desisyon mo ay susuportahan kita, ngunit,"seryosong sabi ng hari.
"Ngunit?"
May kasalanan ba akong nagawa o may hindi ba ako na gawa na utos ng hari sa akin?
"Sa amin ka lang ba magpapaalam? Hindi mo ba pupuntahan ang iyong mga kaibigan sa bayan at pormal na magpaalam din sa kanila?" Tanong nito.
"Pormal na po akong nagpaalam sa kanila noong isang araw, nagkaroon po kami ng kaunting kasiyahan sa tindahan nila Aling Cita,"tugon ko sa kaniya.
"Hindi naman siguro masama kung ihahatid ka namin hanggang sa labasan, hindi ba?"
Napa-lingon naman ako sa aking likod ng biglang may nagsalita na isang napaka-pamilyar na boses at noong mapatingin ako ay labis ang aking pagkagulat nang makita ko si Aling Cita kasama ang ilang mga tao sa bayan at iyong mga kawal atsaka pati na rin ang tatlong katulong na lagi kong kasama dito sa palasyo.
Naka-ngiti lamang ang mga ito habang may dala-dalang gamit sa kanilang mga kamay. Hindi ko alam kung ano man ang laman ng mga iyon ngunit sa tingin ko ay isa iyong regalo para sa akin.
"Aling Cita,"tawag ko rito habang nalu-luha ang aking mga mata.
"Syempre mawawala ba kami?" Tanong ng isang lalaking napaka-laki ng katawan na may peklat sa kaniyang isang mata.
"Ambo!" Sigaw ko rito. Tumakbo naman ako sa kanila at yinakap ang mga ito. "bakit kayo naririto? Akala ko ba ay abala kayo ngayong araw?"
"Abala nga kami,"ani ng mga ito, "Sa paghahanda ng mga regalo namin para sa iyo."
Sabay-sabay naman nilang inilahad ang mga kagamitan na kanilang dala. Napa-ngiti naman ako sa ginawa nila at tinaggap ito ng bukal sa kalooban.
"Salamat sa lahat,"sabi ko at ipinasok na sa Spiritual Storage ang mga regalo. "Hindi ko alam kung ano dapat ang mararamdaman ko. Salamat sa inyo!"
Napa-iyak na lang ako ng tuluyan at yinakap naman ako ni Aling Cita. May ibinigay din ang mga katulong sa akin at pati na rin ang mga kawal. Hindi ko rin alam kung ano ang laman ng mga iyon pero bubuksan ko rin ang mga ito sa oras na makarating na ako sa susunod na bayan.
"Syempre naman. Naku naman itong batang 'to, oo,"ani ni Aling Cita. "Oh siya, tara na at baka magabihan ka pa sa iyong paglalakbay. Masiyadong delikado ang kagubatan na iyong dadaanan."
Pinunasan ko naman ang luha ko at ngiting tinignan ang mga ito. "Tama po kayo,"sabi ko. Humarap muna ako sa Hari at mga prinsesa na ngayon ay nasa aking tabi na atsaka yinakap ang mga ito.
"Salamat sa inyong lahat,"sabi ko.
"Kori!" Sigaw ni Flora at yinakap ako nang sobrang higpit. Tila ba isang bata ito na iiwan ng kaniyang kaibigan dahil kailangan na nitong umuwi. Ganoon din ang maliit na prinsesa na si Fairy, yakap-yakap din nito ang aking pang-ibabang bahagi habang umiiyak at ayaw akong umalis. Napa-ngiti na lamang ako at yinapak din pabalik si Flora gamit ang isang kamay ko habang hinaplos ko naman ang buhok ni Fairy gamit ang isa ko pang kamay.
"Mamimiss kita!" Sigaw nito.
"Huwag kayong mag-alala. Babalik din ako dito at bibisitahin ko kayo,"sabi ko.
"Kung hindi mo man kami mabisita ay magpadala ka lang ng sulat at sisiguraduhin ko na pupunta at pupunta ako agad sa bayan ng sola!" Sigaw ng prinsesa.
"Pangako,"
Umiyak lang ng umiyak ang dalawa sa mga bisig ko hanggang sa kumalas na ang mga ito at pormal na nagpaalam. Nagsimula na kaming maglakad ng mga kasama ko patungo sa labas ng palasyo. Bago pa kami maka-alis ng tuluyan sa gate ay napatingin ako sa kabuuan nito ng huling beses.
Mamimiss ko talaga ang palasyon ito. Napakaraming memorya na ang naiwan ko sa loob, kasama na roon ang mga bago kong kaibigan na maiiwan ko na naman.
"hali ka na?" Aya ni Aling Cita. Tumango lamang ako at nagsimula na kaming maglakad lahat.
Nagkwe-kwentuhan pa kami ng mga ito habang naglalakad kami patungo sa labasan. Ang mga tao ay napapalingon sa amin habang naguguluhan. Paano ba naman kasi ay sunod-sunod kaming lahat at ang lalaki ng mga katawan nitong mga kasama ko, kung kaya ay nasa amin talaga ang atensyon ng lahat.
Ang lalakas pa ng mga boses ng lalaki dahil kine-kwento nila ang tungkol sa kanilang paglalakbay nitong mga nagdaang araw. Napapa-iling na lang ako nang maalala ko kung gaano kalala ang ginawa kong paggagamot sa kanila sa araw na iyon. Biruin mo, labing dalawa silang lahat tapos ang lalalim ng sugat at iyong iba ay halos bali-bali na ang mga buto. Kung iisipin ay napaka-impossible ng gamutin ang sitwasyon na iyon ngunit laking pasasalamat ko na lang sa pag-eensayo sa akin ni Brother Nani, kung kaya ay nakakaya kong gamutin ang mga ito.
Naalala ko rin noong sinugod ako noong manggagamot nila dito sa bayan. Akala niya ay nasa unang stage pa lang ako kung kaya ay hinamon ako nito sa isang paligsahan, ano pa nga ba ang nangyari? Syempre ay nanalo ako. Umusad din ako sa pang-anim na stage dahil sa sunod-sunod na paggagamot na ginawa ko. Noong una ay akala ko magkaka-sakit ako kaya biglang sumama ang pakiramdam ko at ang init ng aking katawan, ngunit nang makarating ako sa aking silid sa palasyo ay bigla na lang sumabog ang loob ko at doon ko nalaman na nasa susunod na stage na pala ako. Sobrang saya ko no'n.
Hindi ko alam na posible pala akong umangat kapag gumagamot na ako ng mga malalang sakit.
Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa harap ng gate. Dito na muli magsisimula ang aking paglalakbay at paglalaban upang mabuhay. Hindi ko alam kung ano man ang naghihintay sa akin sa labas, maaring iyong tao na iyon o maari ring mga halimaw na sobrang laki at hindi ko kayang labanan.
Huminga muna ako ng malalim atsaka humarap sa kanila. Naka-ngiti lamang ang mga ito habang iyong iba naman ay naiiyak na naka-tingin sa akin.
"Mamimiss ko kayong lahat,"sabi ko.
"Ano ba kayo, huwag ka nga kayong umiyak,"saad ni Ambo at umiwas ng tingin habang tumutulo ang kaniyang mga luha, "Tularan niyo ko."
"Manahimik ka riyan, isa ka pang iyakin,"ani ni Aling Cita. Natawa naman ang mgakasama namin at napapa-iling na lang sa reaksiyon ni Ambo.
"Babalik din naman ako dito, Ambo,"sabi ko, "Huwag mo 'ko masiyadong mamiss ah?"
"Asa ka!" Sigaw nito. Natawa na lang kaming lahat sa kaniya.
"Dito na lang po ako,"sabi ko, "Salamat po sa inyong lahat. Masaya po ako na nakilala ko kayo. Paalam! Babalik at babalik po ako, pangako!"
Naglalakad lamang ako na patalikod habang kumakaway sa kanila. Nang makalagpas na ako sa labasan ay agad na nilang sinarado ang gate at nagsimula na akong maglakbay.
Dito na muli magsisimula ang panibagong laban sa buhay. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa akin ngunit hindi naman ako makaka-punta sa susunod na bayan kung hindi ko ito lalabanan. Bahala na siguro kung ano man ang mangyari, tatakbo na lang ako kapag masiyado ng mapanganib ang buhay ko.
Pagkalabas ko ng bayan ay agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin mula sa mga puno. Hindi ko alam na kagubatan na pala ang nasa likod ng labasan.
Napakaraming puno rito at napakalaki rin. May ilang maliliit din na hayop ang nagpapakita, hindi kalayuan mula sa akin. Patuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa inabutan na ako ng ilang oras.
"Mahal na Prinsesa,"
"Bakit Fengari?" Tanong ko rito.
"Nandito na naman po 'yong presensya ng taong nasa bayan ng Floridel,"
"Ano?"
"Hindi ko po matukoy kung nasaan ang ito ngunit sigurado ako na malapit lang ito sa iyo,"
"Wala akong mapagtataguan dito,"
Napalingon naman ako sa paligid ko at naghahanap ng pagtataguan sana nang mahagip ng mga mata ko ang lalaking nakatayo sa isang puno. Tumalon ito mula roon sa harap ko at tinapo sa akin ang isang kutsilyo. Agad akong umiwas sa kaniya at pilit na tumakbo patungo sa isang puno. Takbo lang ako ng takbo dito sa kagubatan habang ramdam ko pa rin ang pagsunod nito sa aking likuran. Hindi ko na alam kung saan ako papunta ngunit isa lang ang nasa isip ko ngayon, kailangan kong makawala sa paningin niya ngunit paano? Napakaraming puno rito ngunit alam na alam ko na mahahanap lang ako nito. Panigurado rin na medyo nakakalayo na ako sa Floridel kung kaya ay hindi na ako makakabalik pa, habang ang susunod na bayan naman ay hindi ko alam kung gaano pa ito kalayo mula sa kagubatan.
"Tumakbo ka lang!" Sigaw nito atska tumawa. Bigla naman nagtaasan ang aking mga balahibo habang patuloy pa rin ako sa pagtakbo.
Naramdaman ko an rin ang ilang hapdi sa aking braso dahil sa mga sanga na nasasagi ko, ngunit hindi naman ito nagtatagal at ginagamot naman ito agad ng aking katawan. Medyo nalalapit na rin maubos ang mana ko at baka mamaya ay hindi na talaga magagamot itong mga sugat ko at manghina na lang ako. Baka ito na ang oras na kaya na niya akong patayin.
Habang tumatakbo ako ay na pansin ko ang isang usok sa hindi kalayuan. Siguro naman ay bahay iyon, sana man lang ay may tao na handa akong tulungan.
Takbo lang ako ng takbo patungo sa lugar na iyon hanggang sa makarating ako sa isang lugar na kung saan mayroong limang tao na naka-paikot sa isang apoy. Kitang-kita ko silang masayang nagkwe-kwentuhan habang kumakain ng karne.
Mayroon itong dalawang babae atsaka tatlong lalaki. Agad akong tumakbo sa harap nila at sabay-sabay naman na napatingin ang lahat sa akin.
Gulat at nagtatakang nakatingin ang mga ito habang ang iba naman ay parang inoobserbahan ang aking kabuuan.
"Tulungan niyo po ako,"sabi ko at naramdaman ko na lang ang panghihina ng aking katawan at pagbagsak nito sa lupa.
Gulat na napatayo naman ang isang babae at ang dalawang lalaki. Lumapit ang mga ito sa akin at yinugyog ang aking balikat.
"Anong nangyari?" Tanong nito, Ngunit wala na akong lakas na sagutin pa siya.
"Atara, tulungan mo 'kong gamutin itong babae!" Sigaw nang babae, habang ang lalaki naman ay binuhat ako patungo sa hindi ko alam kung saan. Naramdaman ko na lang ang isang malambot na bagay sa aking likod at doon ko napantanto na nasa kama pala ako.
Hindi nagtagal ay tuluyan na talaga ako nawalan ng malay dahil na rin siguro sa pagod ng aking katawan. Ubos na rin ang mana ko at wala na akong lakas upang sagutin pa ang kanilang mga tanong.
Bago ako tuluyan nawalan ng malay ay naramdaman ko naman ang mainit na enerhiya na pumalibot sa buong katawanan ko at ang paghapdi ng aking mga sugat. Salamat sa inyo, mabubuting estranghero.
Bigla akong nagising nang maalala ko bigla ang lalaking humabol sa akin. Kahit masakit pa ang aking katawan ay agad kong hinanap at tinignan kung nasaan ako. Labis naman ang aking pagtataka na nasa loob ako ng isang kweba na kung saan nakahiga ako sa isang malambot na maliit na kama. Amoy na amoy ko rin sa aking pwesto ang niluluto sa labas ng kweba na ito. Nahuli ba ako nang taong iyon? Kung nahuli nga ako ay bakit naman papahingahin muna ako sa dito bago patayin?
Ipinikit ko ang aking mga mata at sinubukan na aalahanin ang nangyari bago ako mawalan ng malay. Naalala ko naman ang ilang mga hindi pamilyar na mukha na tinulungan at ginamot ako. Oo nga pala, nakatakas nga pala ako sa taong iyon.
Bumangon na ako at maingat na lumabas sa kweba. Nang tuluyan na akong makalabas ay tanging dalawang babae na lang ang nakikita ko at wala ng iba. Hindi ba at may kasama pa silang tatlong lalaki? Bakit dalawa na lang yata sila na nandito?
Abala lang ang mga ito na linisin ang kanilang mga kagamitan. Napatingin naman sa akin ang isang babae at ngumiti.
"Gising ka na pala."
Lumingon naman ang isa pang babae na may dala-dalang mga panggatong at ngumiti rin sa akin. Inilagay naman nito ang mga panggatong sa isang gilid at lumapit sa akin.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong nito.
"Medyo okay na naman, Salamat sa inyo,"tugon ko sa mga ito at ngumiti. Umupo na ako sa isang malaking kahoy at humarap sa kanila.
"Ano ba ang nangyari sa iyo?" Tanong ng babaeng may kahabaan ang buhok at mapupungay na mga mata. Naka-suot din ito ng magandang damit at may balabal.
"May humahabol sa akin sa loob ng kagubatan,"sabi ko at napahawak sa aking ulo, "Hindi ko alam kung ano ang kaniyang intensyon."
"Nagsumbong ka na ba sa guild?" Tanong ulit nito, umiling lamang ako sa kaniya at bumuntong hininga.
Tumayo naman ang isang babae na naka-suot ng damit na kitang-kita ang kaniyang dibdib. Naka-suot din ito ng pantalon at bota. Naka-tali ang kaniyang buhok at napaka-angas niya kung titignan. Kumuha ito ng tubig at lumapit sa akin.
"Inumin mo muna 'to, baka nauuhaw ka kaka-takbo,"saad nito. Agad ko naman itong tinaggap.
"Ako nga pala si Treyna,"saad nang babaeng naka-suot ng magandang damit at inilahad ang kaniyang kamay. Agad ko naman binaba ang lalagyan ng tubig at sinarado atsaka tinaggap ang kaniyang kamay.
"Ako pala si Kori,"pagpapakilala ko. Ngumiti naman ito at tinignan ang kasama niya.
"Ako naman si Lauriel,"saad nito at ngumiti sa akin, "Ang grupo namin ay puno ng mga manlalakbay at may kaniya-kaniya kaming mga kapangyarihan."