Lumipas ang ilang oras na biyahe bago ako makarating sa Fairbanks Airport. May halos isang oras at labing limang minuto pa akong biyahe bago ako makarating sa north pole. Huminga ako ng malalim at tinignan ang paligid, sobrang ganda ng airport nila. Classy at elegant. Walang-wala ito sa airport sa lugar namin, kung sabagay mas marami naman silang pera rito kaya malamang ay kayang-kaya nilang pagandahin ang lugar. Hindi ako nagtagal doon at agad na naghanap ng masasakyan. Mabuti na lang at hindi rin naman ako nahirapan sa paghahanap at nakakita ng isang kulay itim na parang taxi at pinara ito. “In this place, please,”sabi ko at nginitian siya. Gulat itong napatingin sa akin ngunit agad din na tumalikod at nagsimula nang magmaneho. Hindi ko alam kung bakit pero parang may gustong sabihin s

