Chapter 42

3030 Words
Paano kaya kapag nalaman nila ang tungkol sa paparating na pangyayari? Handa na ba silang lahat na harapin ang dapat naming harapin o hindi pa? Hindi rin ako sigurado, pero dapat silang maghanda. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isang karenderya na hindi masiyadong maraming tao. Hindi ako sigurado kung karenderya ba ito o restaurant dahil sobrang simple lamang ng lugar ngunit ang mga nakaparadang sasakyan sa labas ay sobrang ganda. Hindi ko na lamang ito pinansin at pumasok na sa loob. Agad naman akong binati ng isang lalaking naka-uniporme ng restaurant na ito. Mukhang restaurant nga, ang mukha lamang ng kanilang design ang karenderya ang datingan. Dahil na rin siguro ay nais nilang maiparamdam sa kanilang mga kustomer na welcome ang lahat dito. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad habang nakasunod pa rin sa lalaki. Hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa isang mesa na pangdalawahan lamang. Tamang-tama lang din nakatabi nito ang isang napakalaking bintana na kitang-kita ang kagandahan ng isang pond. Muntikan ko pang makalimutan ang tungkol sa misyon ko, masiyado akong nagsasaya sa bayan na ito. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng pagkakataon na kung saan may nakakasama akong talunin ang ilang halimaw sa kagubatan. "Kailangan mo ba talagang umalis?" Tanong ni Nola, bigla kong na pansin ang paghina ng boses nito noong tinanong niya ang bagay na iyon. Bumuntong hininga na muna ako bago ito sinagot. "Oo, kailangan,"tugon ko rito, "Kailangan dahil iyon talaga ang misyon ko. Huwag kang mag-alala, babalik at babalik din naman ako sa bayan na ito kapag na tapos na." Natahimik lamang si Nola at nanatili pa ring nakatingin sa langit. Sumunod na lang ako rito at pinakiramdaman ang malamig na hangin na tumatama sa aking mukha. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman ni Nola ngayon, alam ko rin na gusto lamang niya na dito ako upang magkaroon siya nang kausap. Alam ko rin na hindi madaling sabihin ang tungkol sa bagay na iyon pero na kaya pa rin niyang ibahagi sa akin ito. Pinapangako ko na sa pagbalik ko ay mananatili ako sa bayan na ito nang mas matagal. Sana nga lang ay nandito pa si Nola at hindi nito maisipan na maglakbay ng malayo. Kamusta na kaya ang mga kaibigan ni Nola? Iniisip pa rin ba ng mga ito na patay siya o alam nilang buhay ito pero nahihiya lang silang lumapit sa kaniya dahil alam nila kung ano ginawa nila sa kanilang kaibigan? Sino ba naman ang nasa tamang pag-iisip na iwan ang kanilang kaibigan sa bingit ng labanan? Hindi man lang sila bumalik at naghanap ng makakampi. Nagulat naman ako nang bigla na lang humiga sa hita ko si Nola habang naka-pikit ang mga mata nito. "Maari ba na manatili lamang ako sa ganitong posisyon, Kori?" Tanong ni Nola. "Kung diyan ka komportable ay walang problema sa akin 'yan,"tugon ko sa kaniya atsaka hinaplos ang kaniyang buhok. Noong unang kita ko pa lang sa kaniya ay akala ko napaka-sungit nito at ayaw lang talaga niya sa akin, ngunit ngayon na nalaman ko na ang totoong rason kung bakit siya nagka-gano'n ay parang gusto ko na lang humingi nang tawad sa kaniya. Sa totoo lang ay mabait naman pala talaga si Nola, nilalayo nga lang niya ang kaniyang sarili sa mga tao dahil ayaw lang niyang maulit muli ang nangyari sa kaniyang nakaraan. Nanatili lamang siya sa ganoong posisyon sa buong oras na pananatili namin roon. Hindi ko alam ngunit sa tingin ko ay nakatulog na ito at nagpapahinga. Hahayaan ko na lang muna siya, sa tingin ko ay sobrang pagod ito. Hindi ba ito natulog kanina? Alam naman niya na mayroong magaganap na pagdiriwang ngayon pero hindi man lang nagpahinga sa kaniyang bahay, kahit kailan talaga itong lalaking ito, oo. Lumipas ang ilang oras ay hindi pa rin nagigising si Nola, medyo nangangalay na ang aking binti ngunit tinitiis ko pa rin. Nanatili pa rin akong nakatingin sa langit at namamanghang nakatingin sa mga bituin. "Pasensiya ka na, Kori,"saad nito, atsaka tumayo na. "bakit?" Tanong ko rito. "Mukhang nakatulog ako,"tugon niya, "Hindi pa kasi ako nakakapag-pahinga simula noong bumalik tayo rito." "Ano ba kasi ang ginawa mo?" Tanong ko sa kaniya. "Binabantayan ka." Gulat na napatingin naman ako sa kaniya na ngayon ay nakatayo na sa aking tabi, inilahad naman nito ang kaniyang kamay na agad ko namang tinaggap. "Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko rito. "Binabantayan kita, hindi ba at na ikwento na nila Lauriel ang tungkol sa humahabol sa iyo?" Tanong nito, "Kailangan kong siguraduhin na walang masama sa iyo habang nandito ka, kung kaya ay binabantayan kita." Ano? Paano? Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa ngunit, naguguluhan ako. Paano niya ako binabantayan at para saan?  "Para saan?" Tanong ko rito. "Huwag mong mamasamain ang sinabi ko,"ani nito at ngumiti sa akin, "Hindi lang naman ako ang nagbabantay sa'yo, kaming tatlo nina Draco at Sam ang laging nagpapalitan ng pwesto. Alam nang mga babae ang tungkol dito kaya huwag kang mag-alala." Nakahinga naman ako nang maluwag sa sinabi nito, akala ko ay may ibang rason kung bakit binabantayan ako ni Nola. Iyon pala ay plano nila itong lahat, hindi man lang sila nagsabi tungkol dito. Sa katunayan niyan ay hindi naman kailangan, hindi ko na naman nakikita ang taong iyon dito sa bayan. "Hindi na naman kailangan, pero salamat sa inyo." Sabi ko at ngumiti sa kaniya, ngumiti lamang pabalik si Nola atsaka ito huminga nang malalim. "Tara na't bumalik sa kanila, panigurado ay kanina pa tayo hinahanap ng mga iyon at nagtataka na sila Lauriel kung saan na tayo na punta." Bumalik na kami sa bayan upang sumama sa kanilang kasiyahan. Hindi ko talaga inaasahan ang mga naranasan ni Nola sa kaniyang mga kaibigan no'ng nakaraan, noong una ay akala ko ganito na talaga siya at ayaw na ayaw lang niya na makipag-usap sa amin dahil na sanay na ito. Hindi namin alam na may nangyari pala sa kaniya na naging dahilan kung bakit siya naging ganito. "Nola,"tawag ko rito, bahagya naman itong lumingon sa akin at ngumiti, "Bakit ka pala laging nagtatakip ng mukha sa tuwing nagkakaroon tayo ng misyon?" Hindi naman umimik si Nola, ngunit nanatili pa rin itong nakahawak sa kamay ko at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Hindi naman gaanong kabilis ang lakad nito kung kaya ay nasasabayan ko lamang siya. "Habang tinatapos namin ang misyon nina Lauriel ay nakita ko ang mga kaibigan ko noon,"ani ni Nola at huminga nang malalim, mahigpit ko naman hinawakan ang kaniyang kamay upang sabihin sa kaniya na naririto lamang ako, "Ayaw kong makita nila ako kung kaya ay tinakpan ko na lang ang aking mukha. Simula noong oras na iyon ay napag-desisyunan ko na magtakip na lang ng mukha sa tuwing magkakaroon kami ng misyon, hindi ko naman kasi alam kung kailan kami muling magkikita. Mas mabuti na 'yong ligtas." Tumango naman ako sa kaniya bilang tugon at nanahimik na lamang. Hindi ko man maintindihan kung bakit gaano na ito ka galit sa kaniyang mga kaibigan noon sapagkat hindi ko pa naman ito napagdaanan, pero alam kung napaka-sakit nito at napaka-hirap. Ang hirap na rin magtiwala sa mga taong gustong makipag-kaibigan sa iyo ng totoo, dahil iisipin mo na lang palagi na baka maging katulad lang ito nangyari sa nakaraan. Tahimik lang namin tinatahak ang daan pabalik sa pasukan ng bayan nang bigla na lang itong tumigil at humarap sa akin. "Bakit?" Tanong ko rito, seryoso lamang na nakatingin si Nola sa mga mata ko at parang nagda-dalawang isip na sabihin sa akin kung ano man ang iniisip niya, "Kung ayaw mong sabihin ay ayos lang, huwag mo pilitin ang iyong sarili, Nola." Umiling naman si Nola atsaka huminga nang malalim. "Maari bang tumakbo ako sa iyo kapag kailangan ko nang makakasama?" Tanong nito, "Hindi ko alam ngunit komportable akong kausapin ka at makasama ka." Kanina pa nga niya sinabing kompotable ako, siguro ay dala na rin sa kapangyarihan ko. Kaya ko sigurong gawing komportable ang mga tao sa akin dahil may kakayahan akong gumamot nang mga tao. Hindi ko inaasahan na sa akin talaga lalapit itong si Nola, isa pa, bago pa lang niya akong nakilala ngunit ang laki na nang tiwala niya sa akin. Hindi naman sa nagre-reklamo ako, ngunit, paano kapag masira na naman ang tiwalang binigay niya sa akin? Ngumiti lang ako sa kaniya atsaka tumango, "Syempre naman,"tugon ko rito, "Maari mo lamang akong puntahan sa bahay ni Treyni kapag kailangna mo ng kausap. Huwag kang mahihiyang magsabi sa akin." Ngumiti naman si Nola at na gulat na lang ako nang bigla ako nitong yakapin, "Salamat nang sobra, Kori." Yinakap ko na lang ito pabalik, "Walang anuman iyon, Nola,"tugon ko at kumalas na. "Tara na at baka hinahanap na talaga tayo nang mga no'n, baka kung ano na naman ang isipin ng mga babaeng 'yon." Nagsimula na muli kaming maglakad ni Nola ngunit sa oras na ito ay hindi na kami magkahawak nang kamay. Mabagal lang kaming naglalakad habang tinitignan ang ilang palamuti sa bayan, tumitigil din kami sa ilang mga tindahan na may nagtitindang mga pagkain at minsan naman ay bumibili. Ngayon ko lang natikman ang ilang mga pagkain nila rito, akala ko ay pareho lang talaga lahat ng mga pagkain sa mundo. "May sinasabi ba sina Lauriel sa iyo?" Tanong ni Nola habang hawak-hawak ang isang tinuhog na hiniwang mga patatas at pinirito. "Wala naman pero lagi silang may binu-bulong sa isa't-isa. Sa tingin ko yata ay tungkol sa atin, hindi ko naman alam kung ano kasi ano naman ang mayro'n tayo diba? Magkaibigan lang naman,"sabi ko at masayang kumain nang tinapay na sinasawsaw ko sa tsokolate. Masaya lamang akong naglalakad nang mapansin ko na wala na sa aking tabi si Nola, lumingon pa ako sa bawat gilid ko ngunit wala talaga. Nang ibaling ko ang aking tingin sa kung saan kami tumigil kanina ay nakita ko itong naka-tayo lamang doon at nakatingin sa akin. Anong nangyari sa kaniya? May masama ba akong sinabi? Wala naman hindi ba? Lumapit na lang ako sa kaniya atsaka kumaway sa harap nito. "Masama ba pakiramdam mo?" Tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman si Nola atsaka tumango, agad nitong hinawakan ang kamay ko at hinila na ako pabalik sa kasiyahan sa gitna nang bayan. Bakit ba kasi ito nagmamadali? Hindi ko pa nga natatapos kainin itong pagkain na binili namin kanina, patuloy lamang ito sa paglalakad hanggang sa makarating na kami ulit sa aming mesa. Kitang-kita ko na nagkakasiyahan ang mga ito at ang lakas-lakas nang tawa ni Draco. Sabay-sabay na napatigil naman sila sa tawanan at tumingin sa amin nang bigla na alng hinila ni Nola ang aking upuan. Dala-dala ko pa rin ang pagkain. "Saan kayo galing?" Nagtatakang tanong ni Lauriel, itinaas ko naman ang aking kamay at pinakita sa kaniya ang kinakain ko. Nagtaka naman ako nang magkatinginan sina Lauriel at ang kaniyang asawa na si Draco sabay ngiti nang sobrang lapad sa isa't-isa, ano na naman kaya ang iniisip nang mga ito? "Hindi ko inaasahan na gusto mo pala ang pagkain na iyan,"ani ni Draco, sasagot na sana ako na masarap naman talaga ang pagkain na ito nang bigla na lang umimik si Nola. "Manahimik ka riyan,"saad ni Nola atsaka kumagat nang binili naming pagkain. "Anong mayro'n? Masarap naman ito ah?" Tanong ko sa kanila atsaka kumagat na rin. "Kawawang, Kori,"ani ni Lauriel at umiiling na nakatingin sa akin. "Napaka-inosente talaga nang babaeng 'to."ani ni Treyni at hinaplos ang aking likod. "Ano ba ang pinagsasabi niyo?" Nagtatakang tanong ko sa kanila, sabay-sabay naman na nagtawanan ang mga ito atsaka tumayo. "Magsimula na nga tayong magsayawan,"ani ni Lauriel at hinila ang kaniyang asawa. Sumunod naman si Treyni na kasama ang kaniyang kapatid na si Sam. Nagtataka lang ako, bakit wala ang pamilya nang dalawang 'to? Nasaan ang anak nila Lauriel at Draco, pati pamilya ni Sam? "Hindi ba imbitado ang mga pamilya nila?" Bulong ko kay Nola at kumuha nang pagkain, hindi ko marunong sumayaw kung kaya ay hindi ko na niyaya si Nola Nagtaka naman ako nang hindi pa rin ito umiimik hanggang ngayon, my problema kaya 'tong lalaking 'to? Naka-yuko lamang ito at ayaw naman na tumugon sa tanong ko. Hinawakan ko naman ang kaniyang kamay na naging dahilan nang pag-gulat nito, lumingon naman ito sa akin at ngumiti lang ako sa kaniya. "Ayos ka lang ba?" Tanong ko rito, tumango naman si Nola atsaka ngumiti sa akin. "Huwag kang mag-alala, ayos lang ako. Hindi lang talaga ako sanay na inaasar ako nang mga iyon,"saad nito atsaka umayos na ng tayo. Napa-ngiti na lang ako sa kaniya atsaka bumalik na sa pagkain. May nakita akong isang malambot na pagkain sa hindi kalayuan sa akin kung kaya ay tumayo ako saglit at inabot ito. "Ayaw mo bang sumayaw?" Tanong ni Nola, napatigil naman ako sa ginagawa ko at tumingin sa kaniya. "Hindi ako marunong sumayaw eh,"sabi ko at tuluyan nang kinuha ang pagkain at sinimulang lantakan ito. "Ako rin naman,"mahinang bulong niya at tumingin na lang sa mga taong nagsa-sayawan sa gitna. Ang tamis nang pagkain na 'to, masarap din at parang gusto-gusto ko kumain nito palagi. Saan kaya ito nabibili? Hindi ko rin kasi alam kung sino gumawa nang mga pagkain nila dito eh. Tatanungin ko na lang sina Lauriel mamaya at baka alam ng mga ito kung saan pwedeng makabili nang ganitong klaseng pagkain sa bayan, siguro naman ay hindi magda-damot ang mga iyon. Oo nga pala, nakalimutan ko silang tanungin patungkol sa pagbabantay sa akin. Kahit kailan talaga ang mga iyon, oo. Alam ko naman na nanganganib ang buhay ko pero hindi naman kasi kailangan nilang bantayan ang isang katulad ko, pero kung sabagay, iniisip nga naman nang mga ito na isa akong espesyal na tao dahil lamang sa iniligtas ko ang hari sa bingit nang kamatayn na hindi naman nila alam.  Bigla naman akong napatingin sa hari at tinignan ang ilang inumin at pagkain nito, sinisigurado ko na walang inihalong lason ang mga tao sa paligid niya. Isa itong pagdiriwang at possible ang na ang taong inutusan na pumatay sa hari ay makikipag-halubilo sa mga tao na nandito, isang malaking iskandalo na naman ito. Hindi lang iyon, maaring pakawalan nang hari ang bayan na ito at magiging puntirya na ang mga tao dito sa ibang kaharian. Baka ang iba pa sa kanila ay gagawing alipin sa ibang kaharian. Karamihan pa naman sa kanila ay may mga kapangyarihan. Habang nakatitig ako sa gawi nang hari ay hindi ko na pansin ang paglahad ng kamay ni Nola sa harap ko, nagulat na lang ako nang bigla na lang itong tumikhim at doon ko nakita ang kamay niya. "Maari ba kitang isayaw?" Tanong nito, napangiti naman ako sa kaniya sabay kamot sa aking ulo. Hindi ba at sinabihan ko na ito na hindi ako marunong sumayaw? Baka pagsisihan lang niya na niyaya pa niya ako sumayaw kasama siya. Panigurado ay makaka-ilang apak ako sa kaniyang mga paa bago matapos pa ang musika. "Hindi ako marunong sumayaw,"tugon ko rito at yumuko. Hinila naman ni Nola ang kaniyang upuan atsaka umupo roon at humarap sa akin. "Wala naman masama kung susubukan natin, hindi ba?" Tanong nito. Itinaas ko na ang aking paningin at nakita itong naka-ngiti lamang na nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit, ngunit, kusang umangat ang aking kamay at tinaggap ang alok nang lalaking ito. Ano na lang ang mangyayari sa amin? Baka ilang beses ko pa itong gamutin. Bahala na nga, ginusto naman niya ito kung kaya ay susunod na lang ako. Tumayo na kaming dalawa at nanatiling nakatingin lamang sa isa't-isa habang papunta sa gitna. Iniliagay nito ang kaniyang kanang kamay sa aking bewang habang ang aking kaliwang kamay naman ay nasa balikat niya. Itinaas naman nito ang kaniyang kaliwang kamay at inilagay ko roon ang aking kanang kamay. "Gayahan mo lang ang galaw ko,"ani ni Nola at nagsimula nang sumayaw. Una nitong ginawa ay umindayog lamang kami. "Kapag aatras ako sa aking kanang paa, ay isunod mo ang iyang kaliwa,"turo ni Nola, "Sundan mo 'ko ah?" "Sige,"ani ko. Hindi talaga ako marunong sumayaw ngunit kailangan ko naman sumunod sa kaniya upang hindi masayang ang pagtuturo niya. Ngayon ko lang talaga nasubukan na may isayaw na lalaki, paano naman kasi ay palagi lamang akong naroroon sa simbahan at walang ibang ginagawa. Sa tuwing nagkakaroon ng pista ay tanging mga pagkain lamang ang inaatupag ko at hindi ang sayawan. Nakaka-panibago talaga ang ginagawa ko ngayon. Unang umatras si Nola gamit ang kaniyang kaliwang paa, kung kaya ay sinundan ko ito nang kanang paa ko.  "Ngayon, ikaw naman ang umatras,"saad nito, sinunod ko naman itong si Nola at nagawa naman namin nang walang natatakapang paa. Manghang-mangha lamang akong nakatingin sa aming mga paa na patuloy lang sa pagsasayaw sa tugtog sa paligid. Hindi ko na pansin na naka-ngiti na pala ako dahil sa aliw. "Hindi ko inaasahan na ganito pala kasaya itong pag-sayaw,"sabi ko at tinignan na si Nola. Nagulat naman ako nang makita itong nakatingin lamang sa akin at naka-ngiti. Sabay naman kaming napatigil dalawa sa aming ginagawa. "Bakit?" Tanong ko rito. "Ang ga,"tugon sana nito ngunit agad niyang pinutol ang kaniyang sinabi at umiwas nang tingin, "Galing mo nang sumayaw. Tapusin na natin itong tugtog at bumalik na sa ating upuan upang makapag-pahinga ka naman." Tumango lamang ako sa kaniya at masaya na kaming nagsa-sayawan sa gitna nang bayan. Hindi ko na rin masiyadong na papansin ang mga taong naka-palibot sa amin, hanggang sa bigla na lang tumigil ang tugtog at napag-isipan na namin na bumalik sa aming mesa upang magpahinga. Habang papalapit kami roon ay nakita ko na lang ang aming mga kasama na naka-ngiti na nakatingin sa amin. Tila ba may kung ano-ano na naman silang iniisip. "Bakit?" Tanong ko at umupo na. "Hindi namin inaasahan na marunong ka pala sumayaw, Kori,"ani ni Lauriel at tumawa. Uminom na muna ako nang tubig sila sinagot. "Hindi naman ako marunong sumayaw, tinuruan lang ako ni Nola,"sabi ko. "Hindi naman namin inaasahan na guro ka na pala ngayon, Nola?" Asar ni Draco rito atsaka ito tumawa nang malakas. Kagayang-kagaya nang kaniyang asawa, hindi na talaga ako magtataka kung bakit nagpa-sakal ang dalawang 'to, ay mali, kasal pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD