Chapter 36

3014 Words
Patuloy lamang ako sa panonood hanggang sa makarating sa isang video na pinapaliwanag na ang mundo namin ngayon. “The world, the earth, and everything on it—has turned into a game. A game that you never wished to have in real life, why? Because it is matter of life and death. It will determine if you are strong enough to survive the rough road of your life.” A game, yeah, just what the news reporters says. This world totally has turned into a game. A game that no one can explain on how to play properly. Hindi ito katulad sa mga nalalaro ko na kung saan ay mga tutorial pa bago ka sasabak sa labanan, sa larong ito, kailanga mo turuan ang sarili mo para malaman kung paano ito lalaruin. Pigil hininga kong pinatuloy ang pakikinig sa video. “Survival of the fittest would be the right term for this. However, there is no need to be scared of. No person in this planet cannot grow rapidly and that depends on your status.” Status? Kaparehong-kapareho lang talaga ito sa mga nalalaro ko online, walang palya. Magbabase ang lahat sa skills at iba pa. Kung alam ko lang sana na ganito pala ay aayusin ko na ang buhay ko.  Sa katunayan niyan ay madali lang naman matanggal ang mga alikabok dito, hindi naman ito masiyadong marami. Sa tingin ko nga ay nililinis pa rin ito ni Treyni kahit wala naman gumagamit. Nang matapos kong walisan ang buong kwarto ay agad ko pinunsan ang mga kabinet at ang sahig, pagkatapos ay pinalitan ko ng tela ang higaan atsaka ang unan. Hindi naman nagtagal ay na tapos na rin ako sa wakas at nagtungo na sa banyo ni Treyni. Mukhang nagpapahinga na ito sa kaniyang kwarto, nagtungo na ako sa likod at na ligo na muna. Panigurado ay maraming alikabok ang kumapit sa katawan ko noong naglilinis pa ako ng kwarto na pinahiram ni Treyni sa akin. Binuksan ko na ang grip at hinayaan mapuno ang banyera. Habang hinihintay ko itong mapuno ay nilagyan ko muna ito ng sabon at sinindihan ang mga kandila. Hindi naman nagtagal ay na puno na rin ito at agad akong pumasok sa loob. Hinayaan na mabasa ang hubo't-hubad kong katawan. Napaka-init ng tubig, kung kaya ay ang sarap sa pakiramdam. Ano kaya ang gagawin ko ngayong gabi? Panigurado ay hindi na ako makakatulog ngayon, siguro ay lalabas lang muna ako at maghahanap na pwedeng puntahan. Sigurado naman ay may mga pasyalan sila dito tuwing gabi. Bukas na lang ako magpapahinga. Lumipas ang ilang sandali ay agad na akong tumayo at binalawan ang sarili ko. Nagbihis na ako atsaka ako lumabas ng bahay, ngunit bago iyon ay may iniwan muna akong sulat para kay Treyni sa tapat ng kaniyang pinto kapag ito ay nagising na lang bigla at magtaka kung bakit wala ako sa kwarto ko. "Lalabas lang muna ako, hindi ako maka-tulog eh. Huwag kang mag-alala nasa akin naman ang susi na ibinigay mo kanina. -Kori" Pagkatapos kong isulat iyon ay agad akong lumabas ng bahay at sinigurado na naka-sarado ang pinto. Pagkatapos no'n ay nagsimula na akong maglakad papunta sa kung saan ako dadalhing ng aking mga paa. May ilang binata at dalaga pa akong nakikitang kumakalat sa daan, kung kaya ay panigurado may pasyalan talaga ang lugar na ito tuwing gabi.  Patuloy lamang ako sa paglalakad at tinignan ang ilang tindahan na hanggang ngayon ay bukas pa. May ilang tindahan na sobrang ingay at sa tingin ko ay nagkakasiyahan. Gusto ko sanang pumasok doon ngunit nakita ko na puro lalaki lamang ang nasa loob, kung kaya ay umatras na lang ako at naglakad na lang muli. Habang naglalakad ako ay nakita ko ang isang batang aligaga at may hawak-hawak na bote. Nai-iyak na ito at bigla na lang tumakbo. Sinundan ko naman ang batang iyon at kung saan ito papunta. "Hoy! Ibalik mo 'yan!" Sigaw nang isang lalaking naka-suot ng isang apron sa harap. Mayroon itong simbolo sa may dibdib na isang lalagyan ng mga gamot. Gamot ba iyong kinuha ng bata? Ngunit bakit? "Ano po ang nangyayari?" Tanong ko sa lalaki nang mapadaan ito sa harap ko. "Kinuha lang naman ng puslit na iyon ang isa sa mga gamot ko. Aba napakamahal no'n at hindi man lang nagbayad!" Sigaw nito. Napatingin naman ako sa pinanggalingan ng bata at napa-buntong hininga. "Magkano ba ang gamot na iyon?" Tanong ko rito. "Isang Pilak at tatlong tanso,"tugon ng lalaki, tumango lamang ako at binayaran na siya. Natahimik na lang ang lalaki at umalis na. Hindi ko alam kung bakit ngunit maaring may paggagamitan ang batang iyon sa gamot na kaniyang kinuha. Puntahan ko na nga lang at titignan kung ano ang maitu-tulong ko sa kaniya. Nagsimula na akong maglakad patungo sa likod ng isang gusali, panigurado ay nandito lang iyon sa malapit at hindi pa ito nakaka-layo, iyon lang ay kung nasaan ba iyon tumago. Sana naman ay hindi ako nito pahirapan, tatanungin ko lang naman ito kung bakit niya ito na gawa, kung bakit kailangan niya pa magnakaw ng gamot. Naglalakad lamang ako sa madilim na pasilyo dito sa likod. Maraming mga taong nakatira sa lugar na ito na sobrang payat na at nanghihingi ng pera. Anong klaseng lugar ito?  Iyong iba ay natutulog lamang sa tabi at wala man lang kahit na anong tela na nakatakip sa kanilang katawan bilang proteksyon sa malamig na gabi. Nakaka-awa ang mga ito, bukas na bukas ay susubukan ko bumili ng ilang pagkain upang ibigay sa mga tao dito. Ngunit mukhang kakailangan ko ang tulong ni Treyni upang madala ko ang lahat na pagkain na iyon. Mayroon pa naman akong pera at sapat pa iyon upang matulungan ko sila. Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad, hanggang sa makarating ako sa pinaka-dulong bahagi na mayroong maliit na bahay at butas na yero. "Ina! Ina may dala na po akong gamot!" Sigaw ng bata at nakita ko na lang itong pumasok sa isang kwarto.  Ito 'yong bata na nagnakaw ng gamot sa tindahan ng lalaking iyon. Sinundan ko naman ito sa loob at tinignan kung para saan ba itong gamot na ninakaw niya, ngunit, halos piniga naman ang aking puso nang makita ang kaniyang ina na nakahiga lamang sa kama at lumalalim na ang kaniyang mga pisngi. Sobrang putla na ng kaniyang mga balat at itim na itim na ang ilalim ng mga mata nito.  Gulat man ay pumasok pa rin ako sa loob at hinawakan ang bata. Gulat naman na napatingin ang bata sa akin at bigla na lang na bitawan ang gamot na naging dahilan ng pagkabasag nito. Lumuhod ito sa aking harapan at umiyak. "Nagmamaka-awa po ako sa inyo, huwag niyo po akong isumbong,"saad nito. Napatingin naman ako sa gamot na nagkalat sa sahig. "Bakit mo naman iyon ginawa?" Tanong ko rito. "May sakit po ang aking ina, ngunit wala po akong pera pambili ng gamot upang gumaling lamang ito. Mayroon pa po akong apat na kapatid, at kung wala ang aking ina ay maari kaming mamatay sa gutom." Paliwanag nito at umiyak lamang.  Kawawa naman pala ang batang ito, ibinaling ko naman ang tingin sa kaniyang ina na nahihirapan ng huminga. Gusto nitong magsalita ngunit hindi na kaya ng kaniyang katawan na bumigkas pa ng kahit isang salita. "Naiintindihan ko ang iyong sitwasyon, bata,"sabi ko at lumapit sa kaniya atsaka hinawakan ang kaniyang balikat. Napa-tingin naman ang bata sa akin na patuloy lamang sa pag-agos ng kaniyang mga luha sa dalawang pisngi niya, "Ngunit mali pa rin ang ginawa mo na magnakaw. Alam mo naman siguro na masama iyon, hindi ba?" Tumango naman ang bata at umiyak na ulit, "Pasensiya na po kayo, babayaran ko po ang mama na iyon sa oras na maka-hanap ako ng trabaho." Kahit napaka-hirap ng kanilang buhay ay hindi ko maipagkakaila na humanga ako sa kaniya.  "Binayaran ko na ang mama, basta ipangako mo lang sa akin na hindi mo na ulit gagawin iyon,"sabi ko. Gulat na napatingin naman ang bata sa akin at mabilis na tumango, "Pangako po!" "Ngayon, hayaan mo na akong gamutin ang iyong ina,"sabi ko at lumapit sa babae. Ipinikit ko na ang aking mga mata at hinayaan na dumaloy ang enerhiya sa katawan ko. Unti-unti ko naman naramdaman ang mainit na enerhiya na napunta sa aking kamay at nang iminulat ko ito ay siya naman ang paglabas ng hugis bilog sa ibabaw ng babae at mayroong hugis tatsulok sa gitna.  "Ano po ang ginagawa ninyo?" Gulat na tanong nang bata. Lumingon naman ako sa kaniya at ngumiti. "Hindi ba at gusto mong gumaling ang iyong ina? Narito ako upang tulungan ka."     "Farmakeftikós." Ilang sandali pa ay unti-unti nang nawala ng hugis bilog sa ibabaw nito, ngunit ganoon pa rin naman ang kulay ng babae. Wala na nga lang iyong nangingitim sa mga mata niya at hindi na rin gaano kalalim ang kaniyang pisngi. Inulit ko pa ito nang apat na beses bago ito tuluyang na gising. "Mama?" Tawag ng bata at lumapit sa babae. Ma-ingat na tumayo naman itong babae at tinignan ang kaniyang paligid. Gulat ang mga mata nito ng makita niya ako at ang pin na nasa dibdib ko. Naisipan ko kasi na idikit na lang ito lagi sa aking damit upang hindi na nila sila magulat kapag nalaman na isa pala ako sa nasa ilalim ng proteksyon ng hari. "Pagpa-umanhin niyo po kung ano man ang ginawa ng aking anak,"sabi nito at pinilit ang sarili na tumayo.  Hindi pa ito gaano ka galing at kailangan pa ng ilang minuto bago magkaroon ng bisa ang paggamot ko sa kaniya. Agad naman ako lumapit dito at hinawakan ang kaniyang kamay, inalalayan ko itong humiga ulit at ngumiti sa kaniya. "Huwag mo na iyong alalahanin, na gawa ko na ng paraan ang pagnakaw ng iyong anak ng gamot sa tindahan. Nangako na rin ito na hinding-hindi na niya ito uulitin pa,"sabi ko. Gulat na napatingin naman ang babae sa kaniyang anak na ngayon ay naka-yuko na lamang. "Huwag kang magalit sa kaniya, ginawa lang nito ang kung anong makakabuti para sa iyo. Nag-aalala kasi ito, sana nga lang ay huwag na niya itong ulitin sapagkat napaka-sama nito." Dugtong ko, tumango naman ang babae at ngiting tumingin sa akin. "Pasensiya ka na po ina,"sabi ng bata habang nakayuko, "Hindi ko na po alam kung ano ang gagawin ko kung kaya ay ginawa ko ang pinagbabawal niyo." "Pasensiya ka na rin anak,"saad ng babae, "Alam kong sobrang nahihirapan ka na sa ating sitwasyon ngayon. Ikaw ang panganay kung kaya ay sa'yo na punta ang responsibilidad ko." Umiyak naman ang bata at agad itong dumapa sa kaniyang ina na nakahiga. Napa-ngiti na lamang ako sa dalawa at hinayaan na muna sila. Sa katunayan niyan ay naiintindihan ko naman talaga kung bakit na punta ito sa ganitong sitwasyon. Hindi rin naman nila kasalanan na naging mahirap ang mga ito, ito 'yong mga klaseng tao na gusto kong tulungan. Ang mga tao na walang masamang iniisip kahit nasa mahirap na sila na sitwasyon. Ngumiti lang ako sa mga ito atsaka tatayo na sana nang bigla ako nitong pinigilan. "Maari ka bang maaya ng kahit tsaa man lang?" Tanong ng babae, tumango naman ako at ngumiti sa kaniya. Hinawakan ko naman ang balikat ng bata, nagtataka na napatingin naman ito sa akin. "Maari ka bang bumili ng pagkain at tsaa sa bayan? Ako na ang magbabantay sa iyong ina,"sabi ko. Masayang tumango naman ang bata at agad na pumunta sa harap ko. Ibinigay ko naman agad sa kaniya ang pera at hindi naman itong nagda-dalawang isip na tumakbo palabas ng kanilang bahay. "Pasensiya ka na talaga,"sabi ng babae.  "Wala lang iyon, kung ako rin naman ang nasa sitwasyon ng bata ay baka iyon ang isipin ko. Bata pa lang naman ito at hindi pa niya kayang magtrabaho,"saad ko. Ngumiti naman ang babae at napatingin sa yero nilang butas-butas na. Paano kaya kapag umulan? Mababasa lahat ng gamit nila dito sa loob, pati na rin ang kanilang higaan. "Tinuruan ko ang mga batang ito na kahit gaano man kami kahirap ay huwag na huwag silang magnanakaw. Kahit gaano man kami kahirap ay hinding-hindi sila gagawa ng mga bagay na alam nilang mali,"paliwanag nito, "Hindi ko naman aasahan na darating ang araw na magagawa at magagawa pa rin ng mga ito at dahil pa talaga ito sa akin." Nakita ko ang pagtulo ng mga luha ng babae sa kaniyang mga pisngi. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngunit, ramdam ko ang bigat sa mga sinasabi nito. Isa lamang siyang mabuting ina na tinuruan ng mabuting asal ang kaniyang mga anak, ngunit nang dahil sa sakit niya ay na pilitan ang mga ito na gumawa ng hindi tama. Sa tingin ko rin naman ay hindi ito gusto ng kaniyang anak, nakita ko ang pagda-dalawang isip nito at pag-iyak noong mga panahon na tumatakbo ito palayo sa nagtitinda. Ayaw din nito na kumuha ng gamot ng walang bayad ngunit kapag hindi niya ito ginawa ay maaring ito ang maging rason kung bakit maiiwan silang lahat na naghihirap. Kinuha ko ang kamay nang babae at ngumiti. Nagulat naman ito ng makita akong umiiyak na rin. Hindi ko mapigilan ang luha ko na tumulo dahil sa kwento niya.  "Bakit?" Tanong nito. "Hindi ko man alam kung paano mo pinalaki ang iyong mga anak ngunit nakikita ko naman sa kaniya ang kabutihan mo,"sabi ko, "Noong hinabol ng lalaking nagtitinda ng gamot ang anak mo ay kitang-kita ko ang pagka-hindi gusto nito sa kaniyang ginagawa ngunit wala naman siyang magagawa, gusto lamang niyang masalba ang ina niyang may sakit, ngunit, tama na iyon. Patawarin mo na ang ginawa ng iyong anak, na bayaran ko na rin ang nagtitinda kaya hindi niyo na kailangan pa mabahala." "Salamat ng marami,"saad nito at ngumiti. Maingat naman itong tumayo na agad ko rin sinuportahan, nang makatayo na ito ay sakto naman ang pagkarating ng kaniyang anak na may dala-dalang tinapay at isang plastic na may laman ng dahon ng tsaa. "Ako na ang maghahanda. Maupo ka na muna,"ani ng babae at nagtungo na sa kusina. Sa tingin ko ay naging epektibo na ang paggamot ko sa kaniya kung kaya ay bumalik na ito sa pagka-lusog. Umupo naman ako sa isang upuan at naghintay na lamang doon. Nagulat naman ako nang bigla na lang lumapit ang bata habang naka-yuko sa akin. "Pagpasensiyahan niyo na po ang ginawa ko,"sabi nito, "babayaran ko po kayo, pangako." Napangiti na lang ako sa bata at hinawakan ang kaniyang ulo at hinaplos ang kaniyang buhok. "Huwag ka na mag-alala, basta 'wag mo lang kakalimutan ang pangako mo." Sabi ko. Tumango lamang ang bata at agad akong yinakap. Na gulat pa ako no'ng una ngunit yinakap ko rin ito pabalik. Lumipas ang ilang minuto ay bumalik na rin ang kaniyang ina at uminom na kami ng tsaa. Hinayaan ko lang kumain ang mga ito nang mga na bili nilang pagkain. "Hindi ka ba kakain?" Tanong ng babae. "Hindi na po, kumain na ako sa bahay kung kaya ay busog na busog pa ako ngayon,"tugon ko, tumango lamang ito sa akin at nagpatuloy na sa pagkain. Gutom na gutom ang mga ito, tila ba hindi pa sila nakakakain ng ilang araw. Pagkatapos ng bata ay agad niyang kinuha ang limang malalaking tinapay at inilagay sa plato, pagkatapos ay itinabi ito sa kusina. "Para saan iyon?" Tanong ko rito. Nagulat pa ang bata at nag-aalalang tumingin sa kaniyang ina. "Para sa kaniyang mga kapatid. Hating gabi na rin, kung kaya ay tulog na tulog na ang mga ito sa kwarto nila." Saad ng babae. Tumango lamang ako sa kaniya at tinapos na ang aking tsaa. Nanatili lamang ako ng ilang oras sa kanila nang mapagtanto ko na malapit na pala mag-umaga. Nagpa-alam na ako sa mag-ina atsaka ako bumalik sa bahay ni Treyni. Nang makarating ko rito ay agad naman akong dumeritso sa aking silid at nagpahinga. Mukhang marami akong dapat gawin mamaya, magpapahinga na muna ako at kailangan ko pang kausapin si Treyni tungkol sa pagbigay ng mga pagkain sa mga tao roon. Ipinikit ko na ang aking mga mata at natulog na ng mahimbing.     "Kori!" Napa-balikwas naman ako ng bangon ng bigla na lang may sumigaw nang pagkalakas-lakas sa tenga ko. Napatingin pa ako sa kaliwa't-kanan ko atsaka napatigil sa galit na galit na mukha ni Treyni. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko at humikab. Ano ba ang kailangan nito? Pagod na pagod ako dahil may ginawa ako kagabi. Kulang pa ako sa tulog kung kaya ay nagmamakaawa ako na hayaan muna ako. "Anong oras mo balak bumangon?" Sigaw nito. Humiga naman ako ulit at itinakip ang unan sa aking mukha. "Mamaya na, kulang pa ako sa tulog,"sabi ko habang naka-pikit ang aking mga mata. "Alas kuwatro na po ng hapon!" Sigaw nito. Alas kuwatro na ng hapon? Ganoon na ba talaga ako katagal na natulog? Ngunit bakit iba naman yata ang pakiramdam ko, sa tingin ko naman ay binibiro lamang ako ni Treyni at talagang umaga pa lamang. Bahala nga siya riyan. "Kailangan nating umalis kaya bumangon ka na riyan!" Sigaw nito at hinila ang kumot na naka-takip sa mukha ko. "Ano ba!" Sigaw ko at tumayo na, "Bakit ba? Saan ba tayo papunta?" Inis na tinignan ko naman ito atsaka nag-unat. Napatingin naman ako sa suot nito, bigla naman tumaas ang isang kilay ko at nagtatakang tinignan ang babaeng humalukipkip sa aking harapan. "Mayroong misyon na ibinigay ang Guild, kung kaya ay pinapatawag tayo sa harap ng gusali nito. Kung ayaw mong mahuli ay maligo ka na at magbihis." Saad niya at tuluyan ng umalis sa aking kwarto. Inis na tumayo naman ako at inayos ang aking kama, pagkatapos ay dumeritso na ako sa banyo upang maligo.  Guild? Hindi ba at kakarating lang namin kahapon? Bakit naman agad-agad na may misyon ang mga ito, hindi ba pwedeng gawin ang misyon na ito sa susunod na araw. Bakit kailangan na ngayon pa at gustong-gusto kong magpahinga. Huminga na lamang ako ng malalim atsaka tumayo na sa banyera. Pagkatapos ay binanlawan ko na ang sarili ko at nagbihis na. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD