Game 26

1005 Words
Pagkatapos ng lahat ng preperasyon na ginawa ko para sa quest at hard grind na gagawin ko ay tumungo agad ako sa gate papalabas ng town. Nakita ko ang karwahe na pwede ko sakyan papunta sa Green Mountain, kailangan ko lang bumayad ng pera sa drayber ng karwahe. Papalapit na sana ako sa karwahe ngunit ay napatigil ako. Napa isip ako kung pwede ko rin naman lakaran ang Green Mountain in game since maaga naman din ako naka pag login kaya at naka laro kaya hindi sayang ang oras ng aking lalakarin pa punta sa Green Mountain. Medyo naguguluhan ako pero di nag laon ay sumakay na rin ako sa karwahe, kasi napag isip isip ko na para hindi masayang ang oras na lalakarin ko patungo sa Green Mountain ay sasakay na lang ako ng karwahe at babayad sa NPC na drayber ng karwahe, nang sa ganon ay maaga ako makaka rating doon at maaga rin ako makaka farm at marami rami rin ang mafafarm ko. Konting segundo lang ay naka rating na din kami at nasa paanan na ng Green Mountain. Mabuti na lang ay laro ito at hindi matagal ang paglalakbay ko sa karwahe. Pagka baba ko ay nakita ko rin na mayroong paparating pa na isang karwahe. Ginamit ko ka agad ang sneak skill ko para matago ang presence ko at ang sarili ko mula sa kanila. Ginawa ko lang ito para ma protektahan ang sarili ko sapagkat hindi ko alam kung sino ang darating at kung anong motibo nila. Pwede nga sila maging ordinaryo na party lang na gagawa lang ng quest as a party, dahil pag naka party sila gumawa ng quest ay mas madali ito, tulad ng mga quest na extermination o kaya hunt quest, dahil ito sa rason na pag party ay merong mga combination ang pwede mangyari para mas malakas na kapangyarihan, at mas nalalabas nila ang kanilang potential bilang isang hunter dahil makakagawa ang kanyang mga party members ng sitwasyon kung saan mapapalabas ang buong kapangyarihan nya. Pero kahit na ganoon ay hindi pa rin ako makikipag party sa kung sino lalalo na pag hindi ko kilala. Dahil para sa akin ay kahit magkaka party kayo ay mayroong chance pa rin na isa sa mga party members mo ay pagtaksilan ka at patayin ka para makuha ang mga bagay na nasa inventory mo at para makuha ang item na nakuha nyo. Ito ay hindi lang isang theory dahil nangyari na ito sa isang player sa loob ng laro. Same game rin Dynasty Hunters. Close na daw siya sa lahat ng party members nya at kaya nya na pagkatiwalaan sila. One day while nag huhunt sila as a party at tinatapos ang quest nila, ay napag isip ng biktima na kumalaban ng lord dito sa laro para may malaki silang experience at treasures na makuha. Kaya lumaban sila ng isang boss type na monster. Kaso medyo mahirap ito dahil napaka laki ng health ng boss type na monster. At hindi lang yon ang boss type na monster ay malaki din and defence ng boss type monster. Sobrang hirap nito na kahit na party sila at may medyo na hihirapan pa rin sila. Makalipas ang isang oras at ilang minuto ay sa wakas napatay din nila ang boss. Pagkapatay ng boss ay may chest na lumabas sa gitna ng room. Ang sabi ng biktima ay pahinga muna sila dahil mahaba haba ang laban na iyon na ginawa nila. Nahihirapan sila kahit na magandang party sila at magaling dahil sa magandang chemistry nila, na to the point na hindi nila kailangan mag salita sa isa’t isa pero nakaka gawa parin sila ng combo na maganda. Habang nag papahinga sila ay isang kasama nila ay tinaponan sila ng daggers na mayroong effects na nakaka paralyze sa kanila. Kina gulat naman to ng buong party ngunit wala silang magawa dahil na aapektohan na sila ng paralysis sa buong katawan nila, na abot sa punto na hindi na sila maka galaw. Yung suspect naman ay pumunta agad sa baol at binuksan ito, naka kuha agad siya ng magagandan equipment na mas napa overpower siya.  Pagkatapos ay isa isa nyang pinatay ang kanyang mga kasama at kinuha ang mga bagay na napaka importante at sobrang mamahalin para kanyang iprenda at maka roon siya ng kapangyarihan. Yan ang isa sa mga rason kung bakit hindi ako nakikipag party kahit na sino pa man iyan. Para ma protektahan ang sarili ko mula sa mga character na delikado. Yan rin ang rason kung bakit hindi pa ako umaakyat at gina gawa ang mga quest ko. Gusto ko maka sigurado kung anong klaseng party sila. At ayaw ko rin ma una sa loob ng Green Mountain, dahil ayaw kong ma una doon at makita nila ang mga bakas ko at malaman nila na hindi lang sila ang nandi rito sa Green Mountain. Isa pa ay pag may makalaban ako na isang monster malalaman din ito ng kalaban dahil maririnig nila ang laban namin at makikita nila ang kina labasan ng aming away. Kaya mas mabuti na paunahin muna sila, at wag masyadong lumapit muna. Isang full party sila na merong tank, damage, magic, at support sa kanila. Magandang combination ito para sa kanila. Kahit sino mang kalaban ay maari ni itong ma patay ng walang kahirap hirap. Hindi na rin ako lumapit sa kanila para lang ma sure na hindi nila malalaman na nandito ako nagtatago sa kanila. At kung magpapa kilala naman ako bigla ay baka makikita nila na kalaban ako at may balak ako na masama sa kanila dahil nagtatago at hindi nag pakilala agad. Nag handa sila pagka baba nila sa kabayo at nag check sila ng kanilang mga gamit at suot. Pagkatapos ay nag check sila kung anong mga quest nila ang makaka pareho at yun ang uunahin nila para mas madali gawin ang mga quest nila. Sa wakas ay umakyat na rin sila sa Green Mountain. Pina daan ko lang ang limang minuto bago ako umakyat rin mismo habang naka sneak skill. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD