Akala ko ba ay matapang sila? Bakit kung titignan ko na sila ay iiwas ng tingin? Dapat ba ganiyan ang mga na uuna? Mukhang mali naman yata ang kanilang kinilos para sa isang bully. Tumahimik na bigla ang mga ito kung kaya ay agad akong napangisi. Iyon naman pala at takot na takot na ma unahan tapos ganito pa kung kumilos. Akala ko ba ay matapang mga ito? Hindi naman pala eh. Oo, alam ko, lalaki ako at babae sila pero hindi rin naman kasi tama kung ganiyan mo tratuhin ang isang tao. Hindi iyon maganda at kahit kailan hinding-hindi iyon magiging maayos. Huminga ako ng malalim at umayos na ng upo. Hindi naman nagtagal at dumating na rin. Ngumiti lamang si Lauriel atsaka umalis na. Ilang sandali pa ay na tapos na rin ako at may pumasok na isang pasyente. May ilang tanong lang akong tinanon

