Game 14

1017 Words
Hindi ko talaga kayang kumalma kapag kasama ko silang lahat o kaya kapag nakikita ko ang pagmumukha nila. Sapagkat, alam ko sa sarili ko kung ano-ano ang mga pinagdaanan ko noong mga panahon na kasama ko pa sila sa iisang grupo, at alam ko na hindi iyon madali. Mas lalo ko diniinan ang aking pagpikit bago iminulat ang aking mga mata at halos magulat nang makitang nasa tabi ko na ang mga taong iniiwasan ko. Bago ko pa sila maka-usap, agad kong inactivate ang stealth. Bigla naman gumalaw ang kanilang mga character na para bang hinahanap ako ng mga ito. Umalis na ako sa grupong iyon at dumeritso na sa susunod na boss. Wala akong pakealam kung may panget silang masabi tungkol sa akin, tama na iyong na gawa nila sa akin noon. Ayaw na ayaw ko ng makipagusap sa kanila, at ayaw na ayaw ko ng makita pa sila. Tahimik lamang akong naglalakad patungo sa susunod na boss ngunit bigla akong hinarang ng ilang mga halimaw. Wala akong na gawa kung hindi ay nilabanan muna ito, ngunit, laking gulat ko ng biglang may notif na may na tapos daw akong misyon sa listahan. Oh? Baka kabilang ito sa mga simpleng misyon pero ayon nga lang at hindi ko pa ito binabasa. Sabi ko nga ay gusto kong unahin ang mahirap na mga misyon dahil iyon ang mas kumukuha ng oras kung ihahalintulad ito sa mga misyon na kagaya nito. Hindi ko nga alam na possible pala ito, o kabilang pala ito pero heto ngayon mission complete. Patuloy lamang ako sa pakikipag-away sa mga halimaw na nakakasalubong ko at patuloy naman sa pag-notif ang system na na tapos ko na ang misyon. Aliw na aliw ako sa pakikipaglaban nang may makita akong bato na sobrang laki sa aking harapan. Ngayon, saan na ako papunta? Didiretso ba ako o liliko? Siguro, diretso na lang. Hindi ko pa yata ito napupuntahan noong mga panahong naglalaro pa ako, mas mainam na sigurong puntahan ko muna ito saglit. Dumeritso na ako sa paglalakad hanggang sa makatuntong ako sa ibabaw ng malaking bato, nagulat naman ako ng wala akong ibang makita sa likod ng bato kung hindi ay dingding. Is this a trap? Bigla na lamang yumanig ng sobrang lakas at unti-unting tumaas ang kinatatayuan ko na bato. Doon ko napagtanto na nakatayo pala ako sa isang nilalang na kanina ko pa hinahanap. Akala ko pa naman ay mahihirapan ako sa paghahanap, iyon pala ay sobrang dali lamang nito. Mabuti naman at agad itong nagbigay ng reaksiyon sa ginawa ko. “Found you,”bulong ko. Unti-unting itinaas nito ang kaniyang mga ipit at ilang mga galamat nito. Isang malaking alimango na may matigas na katawan. Dito yata ako mahihirapan ng sobrang dahil hindi ako sigurado kung tatagos ang mga sandata ko sa katawan nito, pero halata naman na talagang hindi. Huminga ako ng malalim bago tumalon at umatras para makita ang kabuuan nito. Not bad, she is bigger than I thought she would. Nakakaakit siguro siyang tignan kung kulay red pa ito pero kaso itim, mukhang nakakalason. Noong una ay inakala ko na ako lamang ang tatalo sa halimaw na ito ngunit, hindi nagtagal ay may narinig akong papalapit na yapak patungo sa gawin ko. Kalmadong tinignan ko kung sino ang mga ito at nakita ang kagrupo ko noon. Lalapit na sana silang lahat sila sa akin ngunit agad akong tumalikod at umupo sa isang bato. Ayaw kong makipaghatian sa kanila. Kung gusto nilang kunin ang halimaw na iyan, kunin nila. Diyan naman sila may alam at diyan naman sila magaling. Huminga ako ng malalim at inilibot ang aking paningin. “Aatakihin mo ba?” Biglang tanong ng leader namin noon na sa fux. “You can take her,”malamig kong tugon at umupo, “Let me see how you handle her.” Tumango lamang ito at agad na sinenyasan ang kaniyang mga kasama. Alam kong nagdadalawang isip ang mga ito na umatake dahil sa ginawa nila sa akin noon. Ganito rin ito eh, iyong halimaw na para sa akin ay pinagtulungan nila na makuha upang makuha iyong item na sobrang rare. Para sa akin iyon para mas lumakas ako dahil mahina pa ako sa mga panahon  na iyon pero sobrang selfish nila. Nais nilang kunin ang item na iyon para ibenta at magkaroon ng pera. Hindi ko alam kung may alam ba silang lahat na malakas na ako, sa tingin ko kasi ay sa paningin nila, isa pa rin akong mahina na nilalang. Ako pa rin ito, si Mark na mahina. Well, wala naman akong oras para baguhin ang pananaw nila, mas mabuti na iyong magulat sila para hindi na nila ako apihin pa. Unang umatake ang mga nasa unahan at sabay-sabay silang nagpalitan ng atake, ngunit, kahit anong gawin nila ay wala talaga silang talo sa kakayahan ng nilalang na ito. Walang epekto o kahit kaunting pagkuha man lang ng life sa health bar nito. Sana ay maging maayos sila sa pakikipaglaban. Ayaw kong magsisi na nakuha nila ang item na iyon o na punta ang item na iyon sa mga mahihina na katulad nila. “Attack her eyes!” Sigaw ng Leader namin. Napatingin naman ako sa alimango na nasa harapan namin ng bigla itong sumigaw. Oh, isang malaking pagkakamali yata na sinigaw niya ang bagay na iyon. Masiyadong mataas na ang level ng halimaw na ito, maaring bukas na ang spiritual wisdom nito kaya naiintindihan na nito ang gusto nilang gawin. Hindi nga ako nagkamali, bigla na lamang may isang makapal na bagay ang tumakip sa kaniyang mga mata. Matalino rin ito pero, may mga bagay na mahina siya. Isa na roon ang rune na nasa inventory ko. Isang rune lamang ay sigurado akong patay na ito, hahayaan ko muna sila makipag-away. Inatake ni Dragoon ang Alimango ngunit tumalsik lamang ito. “Stupid,”bulong ko. Patuloy pa rin sila sa pag-atake pero wala pa rin itong epekto, kung kaya ang ginawa ko ay itinapon ang rune sa ibabaw ng alimango at isang malakas na apoy ang pumalibot sa kaniya na naging dahilan ng pagdaing nito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD