Prologue

403 Words
" Hey, nerdy! Wait up!" Tinawag ko ang kaklase kong si Tristan, ang gwapong nerd boy next door kong kapitbahay. Magkatabi lang ang bahay namin, puno lang ang pagitan. Nagkataon din na magkatapat ang mga bintana namin, kaya madali akong nakakalipat sa kwarto niya. Nasa iisang subdivision lang kami dito Dasma Cavite. We have been classmates since kindergarten at magkapitbahay since nasa sinapupunan pa ng mga nanay namin. Mahiyain ito noon at patpatin kaya laging nabubully. Minsan isa ako sa nambubully sa kanya pero most of the time, ako ang nagtatanggol sa kanya. " Ano na naman kailangan mo, Maxine?" Bored na tanong nito habang patuloy na naglalakad. Nasa grade six na kami at next year high school na sa wakas. " Pahiram ng assignment sa Math ha? Alam mo namang mahina ako pagdating sa numbers eh." Inakbayan ko siya habang naglalakad. Pilit nitong iwinaksi ang braso ko pero mahigpit ko siyang hawak. Mas matangkad ako sa kanya, siguro late bloomer ito. Suot-suot niya pa rin ang malaki niyang salamin na halos kainin na ang buong mukha niya. " Ewan ko sayo Maxine, good luck nalang kung makakagradute ka this year. Bibigay ko sayo mamaya pagkatapos kong gawin sa bahay." Sagot nito at mabilis na naglakad. " Sige akyat ako ulit sa bintana mo mamaya! Wag mong ilock ha? Kundi babasagin ko salamin ng bintana mo!" Pahabol na sigaw ko sa kanya. Habol habol ko nang tanaw ang patpating lalaki. Hindi naman talaga ako bobo eh, gusto ko lang talaga magkaron ng dahilan para makasama siya. Kahit nerdy looking kasi ito, napaka cute at gwapo pa rin nito. Lalo na pag ngumingiti siya, labas ang dimples sa magkabilang pisngi. Half American ito kaya medyo brown ang buhok at mata nito. Balita ko nasa US ang daddy niya at malapit na silang kuhanin. Tuwing naiisip kong aalis siya di ko maiwasang malungkot. Paano mamimiss ko talaga siya, mamimiss kong makita ang nabibwisit niyang mukha pag nakikita ako. Pero pag nasa school kami, ako ang guardian angel niya. Takot sa akin ang mga boys dahil talagang inuupakan ko sila tuwing binubully nila si Tristan. After ko siyang ipagtanggol, ngiti ang bayad niya sa akin kaya sulit na sulit ang pakikipag umbagan ko. Kaya I made it my mission na ipagtanggol siya sa mga bullies. I am known as the mean b***h ng school namin. I didn't really mean to, but I had to, for him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD