Pagkatapos ng cheerdance namin noong nakaraan ay ganoon pa rin naman ang naging routine namin. Pasok sa umaga, discussion, browse online, mall sandali, uwi ng bahay, movie marathon, sleepover. Halos 3 times a week dumadalaw sa bahay sina Hazel at Ella para samahan daw ako although kasama ko naman ang maids, drivers, at bodyguards namin. Pinayagan na rin naman sila ng parents nila na mag-stay dito sa bahay.
December 20 na ngayon, nakapag-shopping na rin kami nila Hazel at Ella. They will spend the Christmas with me. Sinabi ko na rin kala Mom and Dad na hindi na ako susunod sa kanila sa Korea. Maybe some other time, they agreed and reminded me that they will be here before my birthday.
Kasalukuyan kaming walang magawa kundi tumambay lang rito sa bahay at humiga sa sofa. Ayaw rin kasi naming mag-mall ngayon dahil sobrang traffic at coding pa. Si Ella ay nanonood ng Kdrama, si Hazel naman ay nagbabasa ng stories sa W*****d, habang ako ay nagba-browse na lang online. Kaniya-kaniya kaming mundo.
While scrolling, may biglang nag-chat. Hindi na ako nagulat kung sino ‘yon dahil simula pa lang noong araw ng cheerdance ay hindi na huminto si Marco sa kakachat sa akin araw-araw. I opened his messages boringly.
Marco Ramos: Hey, Faye. Did you eat?
I replied.
Faye De Leon: None of your business. You know what? You’re consistent. Can’t you see that I’m already pushing you away?
Marco Ramos: Sungit.
Akala ko ay magla-log out na siya, nang makita kong tumatawag siya sa akin through messenger, I mean video call ay nataranta kaagad ako. Napalingon naman sa akin ‘yong dalawa na tila nagtataka kung sino ang tumatawag sa akin dahil ayaw ko iyon sagutin. Nagmadali akong umakyat sa kwarto ko at ni-lock ang pinto. Pinindot ko ang green button which means I’m answering his call.
“Ano bang problema mo, ha? Bakit ka tumawag bigla?” iritado kong tanong sa kaniya.
“I just wanna see you. . .”
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko pero kaagad kong binalewala iyon. Taas ang kilay akong humarap muli sa screen.
“I don’t care.”
“But I care.”
“What’s your problem, seriously? Diretsyuhin mo nga ako. Ano bang sasabihin mo?”
“I have feelings you, Faye. . .” dere-deretso niyang sinabi iyon na tila ba matagal niya nang kinikimkim.
My mind stopped functioning for a second as well as my heart. What did he just say? What’s happening?
“Can I court you?”
“H-Huh? What are you saying? Are you crazy? Or you’re just tripping?”
I laughed. Alam kong peke ‘yon ngunit hindi ko pinahalata.
“I’m dead serious.”
Tumawa ako nang malakas. “Last joke mo na ‘yan, ha?”
“I’m not joking around. I like you, Faye. Matagal na, honestly. That’s why I kept bugging you. And now I have the courage to confess. I want to court you, can I?”
Natigilan ako bigla.
Ligaw? For real?
What should I do?
***
Kinausap ko si Hazel at Ella tungkol sa napag-usapan namin ni Marco kanina. I badly need their opinions.
“Why don’t you give him a chance?” ani Ella.
“Beb, this is not a threat. This is based on what I noticed, heard and saw, ha? He’s a playboy. Malay mo ba kung pine-playtime ka lang n’yan. Ayaw ko sa kaniya para sa ‘yo,” saad ni Hazel.
“But it’s up to you, beb. The decision is all yours, that’s your heart, not ours,” dagdag pa ni Ella.
“What do you feel ba when he’s around you?” Hazel asked.
“Nararamdaman mo ba ‘yong pagbilis ng t***k ng puso or feeling mo wala sa ‘yo ‘yong puso mo, parang nags-stop gano’n?”
“Sandali! Isa-isa lang, okay?” awat ko sa kanila.
“Yes, I do feel that. And what I feel when he’s around me? Uh. . . lagi akong kinakabahan.”
“Shoot! Alam na,” ani Ella.
“They say, kapag daw naramdaman mong kinakabahan ka or bumibilis ang t***k ng puso mo sa isang tao, that’s a warning sign. Sasaktan ka n’yan,” komento naman ni Hazel.
“Stop it, Hazel!” saway ni Ella.
Napairap si Hazel. “Basta. I don’t want him for you.”
“Hayaan mo si Faye magdecide. It’s her choice naman, taga-payo lang tayo. But for me, give him a chance. He’s nice naman.”
Nagpalipat-lipat ang paningin ko sa kanila habang pareho silang nagtatalo. Mas naguguluhan ako lalo sa dalawang ito.
Now what?
***
After several hours of thinking about it carefully, I’ve finally made up my mind. Kinuha ko ang phone ko at nabasa ang bagong chat ni Marco.
Marco Ramos: Have you already made up your mind? Just give me a chance, please. I’ll prove to you that I’m deserving. To tell you the truth, you’ve been my crush since junior high school until now. I’m just afraid to approach you before, thinking you might reject me. But now I’m not afraid to take a risk anymore.
Napahinga ako nang malalim. Matagal niya na pala akong gusto. Well, maybe I should give this a try.
Faye De Leon: I’ll give you a chance. . .
Marco Ramos: Wait, really? You sure?
Faye De Leon: Yes. Do you want me to change my mind?
Wala namang mawawala sa akin kung susubukan ko. Wala namang masama sa pagbibigay ng chance.
Marco Ramos: Thank you, Faye. I’ll do my best and prove myself to you! I won’t waste the chance you gave me.
I suddenly felt happy. Not because I’m now giving him a chance but because of what he just said. I really appreciate effort.
***
Natapos ang Christmas at New year nang masaya. Nag-celebrate lang kami nila Hazel at Ella sa bahay. The maids cooked for us, sobrang dami nga ng nakain namin. Inimbitahan ko rin si Marco, my Mom knows about him na. Noong una ay nag-aalinlangan pa siya but she accepted him na.
Ngayong araw, February 1. It’s friday today. Hindi na rin kami masyadong busy kasi magtatapos na ang klase. Last year na namin ito bilang highschool student, next school year ay college na kami.
Nasa room kami ngayong tatlo, wala raw Professor sabi ng mga kaklase ko. At dahil walang Professor, free kaming gawin ang mga gusto naming gawin. So as usual, I just browsed online. Naabutan kong naka-online si Marco. Wala rin siguro siyang klase.
Speaking of Marco, nanliligaw pa rin siya. He’s nice and gentleman. Nasanay na rin akong palagi niya akong hinahatid-sundo sa bahay. Masyado siyang ma-effort. He’s the ideal guy of every woman. Kaya hindi ako naniniwala roon sa sinabi ni Hazel tungkol sa kaniya dahil halos lahat ng ‘yon ay kabaliktaran sa pagkakakilala ko sa kaniya.
I reached for my phone when I heard it rang. He sent me a message.
Marco Ramos: Hi, miss.
Faye De Leon: Crazy.
Marco Ramos: Crazy over you.
Faye De Leon: Bulok na ‘yang linya mo.
Marco Ramos: Kidding aside. Have you eaten already?
Faye De Leon: Hindi pa, kakain pa lang kami mamaya nila Hazel at Ella sa cafeteria.
Marco Ramos: All right. Huwag kang papagutom.
Faye De Leon: Opo, sir. See you later, bye!
Marco Ramos: I'll see you later.
I logged out without replying. Napangiti ako. Tsk, lalaking ito talaga.
“What are you smiling at, huh?” Hazel asked me.
Natawa ako. “Masama bang ngumiti, beb?”
“Not really but I know there’s a reason behind that smile. You look so blooming rin kaya,” aniya. “Teka nga, umamin ka nga sa akin. Nade-develop ka na, ano? Gusto mo na ba o hindi?”
“A-Ano ba ‘yang tanong mo-”
“Oo o hindi lang ang isasagot mo.”
“Fine.” Nakagat ko ang ibabang labi ko. “Oo. . .”
Nanlaki ang mga mata niya hindi dahil nagulat siya kundi dahil inasahan niya nang iyon ang sasabihin ko. Napasinghap siya bago ngumiti nang matipid.
“Okay, if you really like him, I’ll accept that. But beb, please don’t let him hurt you, okay? I don’t want to see you hurting.”
“I know he won’t do that. He won’t hurt me.”
“You never know. Nevermind. So, what’s your plan now? Kailan mo siya balak sagutin?”
“I’m planning to answer him on Valentines day,” bulong ko.
“Ang taray! Araw pa talaga ng mga puso!”
“Ang romantic kasi no’n para sa akin.”
“Alright then, we’ll support you. I’m happy for you, beb. Finally, you’ll have a boyfriend soon.”
“I’m happy too, beb. I hope magkatuluyan na kayo ni Gabriel,” biro ko at natawa nang mamula siya sa hiya.
“Duh. Whatever.”
“I know you like each other. Confess your feelings, beb. Baka mamaya huli ka na pala.”
Umiwas siya ng tingin at nag-kunwaring nakatuon ang atensyon sa iba. Natawa ako lalo.
Lumipas ang ilang oras at nag-uwian na pero nakatayo pa rin ako sa parking lot, hinihintay ko kasi si Marco dahil ang sabi niya ay ihahatid niya daw ako sa bahay.
Nang matanaw ko si Marco ay dali-dali akong pumasok sa kotse niya. Gusto ko nang umuwi, nagugutom na ako.
“How’s your day?” He asked.
“Okay naman kaso nakakapagod,” I answered.
“Wanna eat?”
My eyes sparkled. I'm so hungry so I immediately nodded in agreement.
“Yes!”
Huminto kami sa tapat ng isang Korean restaurant. Namangha ako nang makita ang loob nito.
“What do you want to eat?” Marco asked as we sat down.
“Katulad na lang din ng order mo.”
“All right.”
Hindi rin nagtagal at dinala na sa amin ang order namin. Pagkatapos kong kumain ay nakipag-kwentuhan lang ako sa kaniya.
“May balak ka ba sa February 14? Sasama ka ba sa party?” nahihiyang tanong ko.
“Yes, and I want you to be my partner. . .”
“Sure.” I smiled. “I’ll be your partner.”
***
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod. Pagkahatid sa akin ni Marco kanina ay nagpahinga kaagad ako. Nagising na lang akong madaling araw na. It’s already 12:30 PM. Bababa sana ako ngunit na ang mga ilaw sa bahay kaya nag-online na lang ako tutal ay hindi pa naman bumabalik ang antok ko.
Marco Ramos is active now •
Active pa rin siya? Anong oras na, oh? O baka nagising lang din siya gaya ko. Napabalikwas ako nang matanggap ang chat niya.
Marco Ramos: Why are you still awake?
Faye De Leon: Kakagising ko lang. How about you?
Marco Ramos: I can’t sleep.
Faye De Leon: Why?
Marco Ramos: I don’t know. Maybe because you’re thinking of me?
Faye De Leon: I’m not. Try to drink some milk.
Marco Ramos: I will, Doc.
Natawa ako nang bahagya saka nagtipa muli ng ire-reply sa kaniya.
Faye De Leon: Anyway, thank you nga pala sa kanina.
Marco Ramos: You’re always welcome.
Faye De Leon: See you tomorrow. Dinalaw na ako ng antok. Good night!
Marco Ramos: Goodnight, sleepyhead. Sweet dreams.
Wala sa sarili akong napatulala sa kawalan habang nagmumuni-muni. Malalim akong napasinghap saka dumungaw sa labas ng bintana.
I don’t think this would work, but I guess it’s worth a shot. . .