Chapter 01: Start

1079 Words
Friday na! But unfortunately, may exam pa kami kaya kahit inaantok pa ay bumangon na ako sa kama at dumiretso na kaagad sa banyo. I took a quick bath and got dressed before I went downstairs to eat breakfast. “Good morning, Mom,” I greeted as I saw her. “Good morning, sweetie! Sit down and I’ll prepare your breakfast.” “Where’s Manang Lucy po?” Tanong ko nang mapansin na wala ang ibang maids doon. “Pinagday-off ko muna tutal ay bukas pa ang balik ko sa Company natin.” Nakangiti akong tumango saka umupo at hindi na nagtanong pa. Pagkatapos kong mag-agahan ay ang saktong pagdating ni Manong Raul upang ihatid ako sa West University. Palapit pa lang kami sa parking lot ng school nang matanaw ko na sina Ella at Hazel mula sa malayuan na nag-aabang sa akin. “Hi, beb!” bati sa akin ni Ella pagkababa ko sa kotse. “Nag-review ka ba?” Tanong ni Hazel. “Malamang. Examination day, eh.” I chuckled. “Awit, sanaol nag-review. Sa cafeteria tayo,” yaya ni Ella. Patungo kami ngayon sa cafeteria ng West University. Mayroon pa naman kaming 1 hour bago magsimula ang test kaya napag-isipan naming kumain sandali. Nang matapos sa pagkain ay dumiretso na kami sa room para mag-review ng notes. Naging mabilis lang ang pagrereview ko dahil nabasa ko na ang iba sa bahay. Hindi rin nagtagal at dumating na ang Professor namin. Nagbigayan na ng test paper at sa amin ang huli dahil tatlo kaming nasa dulo ang pwesto. Ako ang unang natapos, sumunod sa akin si Hazel, then si Ella. “My gosh! What do you think your score is?” kabadong tanong ni Hazel nang matapos ang exam. “I don’t know,” sagot ko at kumibit-balikat. “Anyway, una na ako, ha? Nandyan na ang sundo ko,” paalam ko sa kanila. “Take care, beb!” anila. “See you on Monday!” “See you!” Patakbo akong tumungo sa parking lot para hanapin ang sundo ko. Nang mahanap ay agaran akong pumasok sa loob ng kotse at hinilot ang sentido ko. Napabaling ang paningin ko sa labas ng bintana ng kotse nang mapansin kong napahinto kami. Traffic na naman. Wala kaming nagawa kundi maghintay na lang. Inatake rin ako ng boredom so I browsed online. While browsing, may biglang nag pop-up na notification sa screen ng phone ko. Marco Ramos sent you a friend request. I don’t know who this guy is but based on his profile picture and the mutual friends, I guess he’s also a student from West University. To make it short, he’s my schoolmate and that’s why I accepted his friend request. 30 minutes. 30 minutes na ang nakalipas pero hindi pa rin umuusad ang trapiko. Natuon ang atensyon ko sa phone ko nang bigla na lang nag-chat ‘yong inaccept ko sa f*******:. Marco Ramos: Hi. Faye De Leon: Hello. Marco Ramos: How’s the test? Oh-kay? Feeling close? Faye De Leon: It went well. Marco Ramos: That’s good to hear. Nangunot ang noo ko sa pagtataka. Nag-tipa akong muli ng irereply. Faye De Leon: Uh. . . do I perhaps know you? Marco Ramos: Don’t you? I just left his chat on read. He’s kinda weird. Marco Ramos: Seen? Faye De Leon: What’s with you? Why did you message me? Marco Ramos: So sungit. See you on Monday. I logged out immediately as soon as I received his message. When we arrived home, dali-dali akong umakyat sa kwarto ko. Nag-alarm din ako para hindi magtuloy-tuloy ang tulog ko mamaya. I feel so exhausted kahit wala kaming ibang ginawa kundi magsagot ng test papers kaya nagpahinga ako saglit. After an hour, nagising ako sa tunog na nanggagaling sa ilalim ng unan ko. It was my phone. Pinatay ko ‘yon bago ako bumaba upang tingnan kung may dinner na kami para mamaya. Naabutan kong wala so I decided to cook my favorite dish, sinigang! “Do you need help po, ma’am Faye?” yaya Chay asked. “Hindi na po, yaya. I can handle na po.” I smiled. “Tawagin niyo na lang po ako kapag may kailangan kayo,” wika niya at iniwan niya na ako sa kusinang mag-isa. I honestly want to be a Chef someday but I also want to be a Flight Attendant but I’m learning medical stuff too so I still don’t know what course to choose in College. I haven’t decided yet what path I should take in the near future. “Yaya Chay!” I called her. “Tikman mo nga po itong niluto ko.” I handed her the spoon then she tasted it. Naipikit ko ang isang mata, kinakabahan sa magiging reaksyon niya. “Masarap po ba, yaya?” Hindi ko na naiwasan ang magtanong. “Masarap!” She sipped the soup one more time. My eyes sparkled in joy. “Oh ito, bigyan mo roon ang Mommy mo,” aniya pa. Na-excite ako kaya pumunta kaagad ako sa veranda. Naabutan ko si Mom na nag-aayos ng mga papeles. “Hi, Mom!” I greeted and kissed her cheeks. “Oh, sweetie, why are you here?” “This. . .” Sabay bigay ko ng bowl na may sinigang. “Did you cook this?” “Yes, Mom.” I smilingly nodded. Hinigop niya ang sabaw at maya-maya’y muli niya akong nilingon. “This is so delicious, sweetie!” She smiled at me. “I’m going to miss this once I leave the country.” Napawi bigla ang ngiti sa labi ko nang dahil doon. Korea? “What do you mean, Mom?” I asked, confused. “I’m going back to Korea tomorrow for our Company’s business trip and the discussion of merging. But don’t worry, sweetie. Your Dad and I will come back before your birthday, okay?” “Mom, October pa lang po. Sa March pa ang birthday ko. Does that mean you’re not going to be here on Christmas and New Year?” “I’m sorry, sweetie. Please, don’t be mad. If you want, you can follow us there on your Christmas break.” “I’ll think about it po.” I sighed. “You know we’re doing this for your sake, Faye. I hope you understand.” “I understand, Mom. I’m not mad. Nabigla lang po siguro ako kasi ang tagal niyong mags-stay doon. Almost 5 months,” I uttered. She hugged me tight. My parents wouldn’t be here on Christmas and New Year. I can invite Ella and Hazel to join me but I know they will be going to celebrate with their families. Uh-oh. 5 months of boredom, can I survive it alone? But it’s Korea, my favorite country. . . Should I fly to Korea? Yes or No?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD