Nang magising ako ay sakay na ako ng van. Napabalikwas ako sa pagkakaupo at napatingin sa aking mga kasama. Lahat ay haggard. May mga tulog. May mga napapangiwi sa pagkakaupo. Tumitig ako sa katabi kong si Ate Pamela. Bakas sa mukha nito ang pagod ngunit kumikislap ang mga mata nito.
"A-ate," tawag ko sa kanya at agad naman itong napalingon sa akin.
"Wala kang babanggitin kay Inay tungkol sa pinuntahan natin kagabi. Pasensya ka na kung nadamay ka pa sa nangyari."
"Ate, lagi bang gano’n ang ginagawa n’yo?" ‘Di ko mapigilang itanong sa pinsan ko. Bahagya pa akong nanginig nang maalala ang mga nasaksihan at naganap kagabi.
"Oo." Nanlamig ako lalo sa naging sagot nito.
"Ate, b-bakit mo pa a-ako sinama?" Napaluha na ako.
"Hindi ba at ikaw ang nakiusap sa akin?" Galit naman na sagot nito.
"P-pero, Ate..."
"’Di ba at nag-enjoy ka rin naman?" Ngumisi ito.
"Ate! H-hindi t-totoo ‘yan!" pagtanggi ko rito. Tuluyan na akong napaiyak.
Bakit ganito ang pinsan ko? Magkasama kaming lumaki. Bakit ako ipinahamak nito?
"’Wag kang plastic. Alam kong nag-enjoy ka. Kung makaungol ka nga ay daig mo pa ang ambulansya. Dapat nga magpasalamat ka pa at isa lang ang tumira sa’yo at ‘di ka pinilahan!"
"Ate!" Hilakbot na hilakbot ako sa mga salitang lumalabas sa kanya.
"Mula nang dumating ka sa amin, lalo kong naramdaman ang hirap. Bukod pa iyon sa laging pagkukumpara ng tao sa ating dalawa. Maging si Inay, lagi akong ihinahambing sa’yo. Kasalanan ko ba kung mas maganda at matalino ka? Kaya kung anu-anong trabaho ang pinasok ko para kahit sa ganda man lang, malampasan kita. At nagtagumpay ako. Pero alam kong hindi pa rin ako masaya. Gusto kong maranasan mo ang naging puhunan ko para sa gandang tinatamasa ko at sa pagkaing ipinapalamon ko sa'yo sa nakalipas na mga taon." Napahagulgol ako ng iyak dahil sa ginagawa niyang panunumbat sa akin ngayon. Kaya pala madalas ay malamig ang trato nito sa akin ay dahil may kinikimkim pala itong sama ng loob. Kaya pala kibuin dili ako nito at madalas paringgan. Tumahimik na lang ako hanggang sa makarating kami sa bahay.
Napaigtad pa ako nang bahagyang manakit ang p********e ko nang bumaba na ako mula sa van. Diyos ko! Naibenta ko na pala ang aking puri na hindi ko namamalayan. Tinatagan ko ang aking mga binti para makapaglakad nang diretso papasok sa bahay. Mabuti na lang at wala ang tiyahin ko. Dumiretso ako sa aking silid para kumuha ng tuwalya pagkatapos ay bumaba ako ulit para maligo.
Muli akong napaluha nang makita ang pamumula ng aking mga hita. Dama ko rin ang pamamaga ng aking p********e. Mahapdi ito. Tinakpan ko ng palad ang aking bibig upang hindi marinig ng pinsan ko ang aking pag-iyak. Ansakit isipin na hindi na ako birhen.
Mabilis ang ginawa kong paglilinis sa aking katawan. Mamaya pagdating ng tiyahin ay magpapaalam na ako. Ayon naman sa sulat na natanggap ko mula sa eskwelahang aking papasukan ay pwede na akong pumasok at tumira roon kahit sa susunod na buwan pa ang pasukan. Mainam na rin iyon nang makaiwas na ako kay Ate Pamela. Baka sa susunod, papipilahan na talaga ako nito.
Nag-impake ako agad pagkabihis ko. Kailangang makaalis na ako nang maaga bukas dahil malayo pa ang biyahe ko. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok si Ate Pamela. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Oh, ayan. Bayad sa serbisyo mo. Mabuti na rin at nakapag-impake ka na rin pala." Napatingin ako sa sobreng ibinato nito sa higaan ko.
"Buong bente mil ‘yan. Dinagdagan ng sinerbisyuhan mo ‘yung talent fee mo. Kunin mo na at malaking tulong din ‘yan sa pag-aaral mo. Magpaalam ka nang maayos kay Inay at ‘wag na ‘wag kang magsusumbong dahil kung gagawin mo ‘yun, titiyakin kong warak ‘yang nasa gitna ng mga hita mo bago ka pa makarating sa pupuntahan mo. Naiintindihan mo ba, Angelique?!" Nanggalaiti akong tumango na lamang dito. Nang makita nito ang pagsang-ayon ko sa kagustuhan niya ay lumabas na siya. Malungkot akong napatingin sa sobre. Naninikip ang dibdib kong inabot ito at inilabas ang tig-iisang libong salapi. Napaiyak na naman ako. Ito. Ang perang ito ang naging kapalit ng p********e ko mula sa demonyong gumawa ng kahalayan sa katawan ko. Sana hindi na magtagpo ang landas namin ng lalaking iyon. Tiyak kong kapag nagkita kaming muli ay hihimatayin ako sa takot.
...
Martenei University
Ang ganda ng eskuwelahang kinaroroonan ko. Nakakamangha ang nagtatayugang mga gusali. Moderno ang structure ng bawat building. May sarili itong ospital at mall. May mga sosyal ding kainan sa paligid. Kung 'di ko lang tiyak na bus ang sinakyan ko papunta rito ay iisipin kong nasa ibang bansa na ako. Napakalawak at napakalinis ng unibersidad. Napakaraming mga sosyal at mayayamang estudyante ang naglalakad sa paligid. Nakakahiya. Ako lang yata ang dukha sa lugar na ito. Mahigit tatlong linggo na ako sa eskuwelahan. At aminado kong nami-miss ko rin ang lugar na pinanggalingan ko. Sosyal man ang lugar na ito at kumpleto, alam kong hindi ako lubusang magiging masaya rito. Sa isiping iyon ay na-realize ko na talagang nag-iisa na lamang ako sa buhay.
"Aniq, may initiation rights sa ikalawa ang 7 Demons. Gusto mo bang sumali?" Ito si Nika, ang aking room mate.
"7 Demons? Ano ‘yun?" Napaupo na ako mula sa pagkakahiga sa kama ko.
"Gang dito sa Martenei. Magandang sumali roon para at least may proteksyon tayo mula mismo sa kanila." Ha?! Nakakalito ata ang sinabi niya.
"Ganito kasi ‘yan. Dito sa Martenei U, may isang gang na nangangalaga at dumidisiplina sa mga estudyante. Kapag nagkamali ka, sila ‘yung nagbibigay ng parusa. At hindi lang basta parusa iyon, matinding parusa. Kaya mas mabuti na ang sumali sa grupo nila. At least kapag nagkamali ka, hindi ka basta-basta mapaparusahan. May proprotekta pa sa’yo. Sila ang magiging pamilya mo rito sa Martenei." Mahabang paliwanag nito. Grupo? Pamilya?
"Gusto ko ‘yan! Paano ba ang sumali?" excited na tanong ko sa kanya.
"Una, may exam. Dapat makapasa ka sa ibibigay nilang pagsusulit. ‘Yung ikalawa, may challenge raw na ibibigay. Kapag nakapasa ka sa dalawang iyon, pasok ka na." Hmm. Madali lang naman pala.
"Anong challenge nga pala ang ipapagawa?" curious na tanong ko kay Nika.
"’Di ko alam, eh. Tikom naman ang bibig ng mga nagre-recruit na nakausap ko kanina," pagkikibit-balikat nito.
"So, sasali ka ba?" excited kong tanong dahil ako ay talagang balak sumali. Kakayanin ko naman siguro ang anumang challenge para magkaron ako ng grupo at pamilyang proprotekta sa akin sa limang taon ko rito sa university.
"Oo naman! Wala naman daw namamatay sa pagsali roon pero may mga namatay na sa pinarusahan," nakangising sabi nito.
"Sige, sasali na rin ako."
...
"Kumusta ang exam?" magkapanabay naming tanong sa isa't isa. Nagkatawanan pa kami dahil sa naging pagsasabay namin.
"Ang hirap!" reklamo ni Nika. Oo. Mahirap ang exam. Mabuti na lang at medyo may utak ako kaya nasagot ko ang lahat ng mga tanong.
"Eh, kailan ba lalabas ang result?" tanong ko sa kanya.
"Mamaya lang ay ipo-post na nila ang resulta. Wait na lang natin," sagot niya.
Kaya nagkuwentuhan na muna kami habang naghihintay. Napag-alaman kong nag-iisa palang anak si Nika ng mga magulang na kasalukuyang nagtratrabaho sa Greece. Pumasok ito sa Martenei dahil nabo-boring na itong mamuhay mag-isa. At least daw rito sa school, may magiging room mate ito na at ako nga iyon.
Pagkalipas ng isang oras na paghihintay ay may lumabas na mukhang gangster mula sa loob ng kuwarto. Nagtawag ito ng mga pangalan. Halo ang sa babae at sa lalaki.
"Dominique Micua." Nagtatalon si Nika nang matawag ang pangalan niya. Kinakabahan na ako dahil marami na itong natawag pero wala pa ang pangalan ko.
"Okay, ang panghuli ay si..." Shocks! Pabitin effect pa si kuya!
"Angelique Lim." Yes! Nakapasa ako! Nagyakapan kami ni Nika dahil sa tuwa.
"Oh, bukas na ang initiation. Boys, t-shirt at mag-shorts na lang. Girls, bestida ang isuot. Oh, alas nuebe dapat andoon na kayo sa 7 Demons building. Hindi papapasukin ang mga late," huling bilin ng examiner bago umalis.
"What's with the bestida?" tanong ni Nika sa akin.
"Uy, baka pagsasayawin tayo or baka pagkakantahin." Wala namang ibang explanation 'yung nagpa-test sa amin kung bakit bestida ang kailangan naming isuot bukas, eh.
"Hay, sana nga gano’n lang." Hinila na ako ni Nika paalis.
Hay! Sana nga gano’n lang talaga ang ipapagawa nila sa amin bukas.