Chapter Nineteen
Elsa
"Black Day Market?" katapos lang namin pakinggan ang recorded na conversation ng mga masasamang espiritu.
"Yes, ginaganap iyon once a year ng mga malalaking sindikato here in abroad. Iyon ang pinakamalaking bintahan ng mga illegal drugs at bintahan ng mga kababaihan para gawing s*x slaves ng mga foreigner. But it should be happen in next year." si Enrique.
"Ang tagal tagal ko na sa black dragon pero ngayon ko lang nalaman na may ganito palang kalakalan. Saan gaganapin ang Black Day Market?"
"That's our problem, si Kendry lang ang nakakaalam dahil siya lang ang hinahayaan ni Senyor Condrad na sumama at base sa narinig natin, pinaparusahan siya ngayon kaya imposibleng makabalik siya dito."
"I will find Kendry!" tumayo ako.
"Easy Elsa, hindi nalang ngayon si Senyor Condrad ang kalaban natin kaya hindi dapat tayo padalos dalos, ilan lang tayo and we are talking thousands of enemies here."
"But he is on danger!"
"He is our leader, kilala mo siya higit kanino man hindi siya basta basta mamamatay and I believe hindi rin siya kayang ipapatay ni Senyor Condrad."
"May alam ako kung saan tayo makakakuha ng mga tauhan." si Joshua. "sa WEDA."
"Nagpapatawa kaba? WEDA is against us."
"Yes they are, but you are not in black dragon anymore, kayo ni Enrique."
"How sure are you na tutulungan nila tayo?"
"Because they need us too." si Joshua.
Tumunog ang cellphone ni Enrique. "si Senyor Condrad." tumango kami.
"Senyor."
"Come to fourth at may pag uusapan tayo Enrique."
Ibinaba na niya ang tawag. Umiling si Celen na girlfriend na nito. "baka kung anong gawing masama sayo ng taong 'yon!"
"I have to gain his trust again para makakuha ako ng information about black day market and the same time I can help Kendry there."
Umiyak si Celen pero hindi na ito nagkomento pa. Nilapitan niya ito niyakap. "hindi ako mapapahamak, pangako." gumanti ng yakap si Celen.
Hindi naman tumingin si Belle sa dalawa.
"Elsa ikaw na ang bahala sa kanila, think about what Joshua said." anito at bago umalis ay hinalikan pa nito si Celen. "I love you Celen." pinagdikit nito ang noo nila at hinalikan muli ito sa mga labi.
"I love you too." she answered.
Inalo ko si Celen ng makalabas na si Enrique. "he will be fine Celen." pinahid ni Celen ang luha at ngumiti.
"May tiwala ako sa kanya Elsa, babalik siya."
"Ganyan nga Celen." tiningnan ko si Belle. "are you alright?"
Tumango ito at kinuha ang baril sa itaas ng mesa at lumabas sinundan ito ni Joshua.
•
•
•
Belle
Pinagbabaril ko ang mga lata. "ahhhhh damnit!" mula sa aking likuran ay may mga brasong yumakap sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay na may hawak sa baril.
"Hindi ka dapat bumabaril ng hindi sa target ang atensiyon mo, konting lingat mo lang ay baka ikaw ang tamaan ng bala niya." he stood at my back. "now enhale exhale." he commands. I did as I told.
"Now fire."
Kinalabit ko ang gatilyo at natamaan nga ang aming target na lata. Natuwa ako. "isa pa!"
"You have to stare at your target." hawak parin ng dalawang palad niya ang mga kamay ko. "now fire."
At muli akong nagpaputok, tumalsik ang isang lata kaya napangiti ako. "Joshua bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito?" hindi ko maiwasan na itanong iyon sa kanya kahit alam ko naman na hanggang langit ang galit niya sa akin.
I hear him sighed at kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. "hindi ko rin alam, basta ang alam ko lang ayaw kong nakikita kang umiiyak at nasasaktan." sagot niya na ikinabundol ng dibdib ko, mahina hanggang sa palakas ng palakas, naririnig ko ang t***k ng puso ko. "Belle okey ka lang?" akmang hahawakan niya ako muli pero umatras ako.
"No.. don't touch me!" inihagis ko ang baril on the ground at tumakbo sa CR hawak ang dibdib ko, huminga ako ng malalim. "what the heck!" pinukpok ko ang dibdib ko. Humarap ako sa salamin kasabay nun ang pagguhit ng ngiti sa aking mga labi. "he's crazy!"
Paglabas ko nakita ko si Celen na busy sa pag aaral ng karate mula kay Elsa, si Celen ang bumuhay sa akin, at kay Celen ko naramdaman ang totoong pagmamahal ng isang magulang, kaibigan at kapatid. Siguro nga nagseselos lang ako kay Enrique dahil makukuha na niya ang atensiyon sa akin ni Celen.
Napatingin sila sa akin, ngumiti ako at nag okey sign sa kanila. Hindi masamang magmahal siya ng iba, at hindi ko iyon ipagkakait sa kanya, nakita ko ang pag ngiti ni Celen sa akin bago pinagpatuloy ng dalawa ang pagpapraktis. "you look happy now."
Napapikit ako ng maramdaman si Joshua sa likuran ko, hindi ko siya sinagot at umiwas ako sa kanya. "hoy bakit mo ba ako iniiwasan? may ginawa ba ako?"
"Wala! just stay away from me." itinulak ko siya at dumapa sa sofa, bakit ba kasi maliit lang ang space? dalawang kwarto na hindi kalakihan, isang gym, kusina, may kaliitang sofa, pero ang lawak naman ng background? Hindi na niya ako kinulit, pumunta siya sa kusina. I'm dead!
=============================================================================
Enrique
Nadatnan ko sa likod bahay si Senyor Condrad, nakaharap siya sa mga tanim na halaman. Lumikot ang mga mata ko, wala si Kendry.
"Senyor Condrad."
Humarap siya sa akin at tinuro niya ang upuan, "dalhan niyo kami ng beer and cigarettes." utos nito sa katiwala na isa ring well trained.
"Enrique it's been a long time." tinapik niya ang likod ko "c'mon have a seat."
Sinunod ko siya, napansin ko ang kutsilyong nakalapag sa mesa. Kay Kendry iyon! Tumingin din siya sa kutsilyo. "oh that thing." tukoy nito sa kutsilyo. "if you involved woman in your business it will failed you. Bweno gusto kong ikaw na ang humawak ng black dragon, kaya mo ba?"
Ngumiti ako. "Senyor Condrad, ito iyong matagal ko ng hinihintay." tumawa ang Senyor.
"That's why I like you Enrique, you have the blood of your father!"
Napatigil ako at napatitig dito. "Yes Enrique, I know from the start that you are the son of Diego Tan kaya kita tinanggap sa Black Dragon Organization."
Napakuyom ako. "my father is really working here." I murmured.
"He was." tumayo si Senyor. "gaya ni Kendry, your father betrayed us for his woman tinangka niyang buwagin ang grupo at sa pangtangka niya napatay siya ng mga tauhan namin."
Hindi ganun ang sinabi ni Mr. Marte sa akin! Naguluhan ako. "my father is your co-founder, bakit niya gustong buwagin ang samahang isa siya sa mga nagtatag?"
"Because he wants more power, hindi siya kuntento sa ganito lang, he wants to build more to gain power and people." napailing ako, hindi ganoon ang pagkakilala ko sa ama ko.
"May gaganaping black day market sa susunod na buwan, I want you to go with me."
"Alright." dumating ang inutusan nito.
"how many men do we have here?"
"Around fifty Senyor."
"Good, call them dahil ipapakilala ko ang bago nilang boss." inilahad ni Senyor ang kamay. "show no mercy, in your world walang puwang ang salitang kaibigan." tinanggap ko iyon.
"I am not your grandson."
Maya-maya pa'y ipinakilala na niya ako sa mga tauhan namin. Malapit na Papa.. malapit ko ng makuha muli ang black dragon.
May nagbabantay na dalawa sa labas ng isang silid. Kasama ko si Senyor Condrad, pupuntahan namin kung nasaan si Kendry. Kaagad na binuksan ng dalawa ang pinto, binangga ko ang isang bantay at pasimpleng kinuha ang maliit na kutsilyo na nakasabit sa pantalon niya kasama ng mga susi nito.
Bugbog sarado ang mukha ni Kendry at nakatali ito sa isang silya. Nakita ko ang pag ngisi ng dalawang bantay, umiling si Senyor Condrad, humarap ito sa apo at iniangat ang mukha.
"Tell me where is Elsa." he asked. Kendry chuckled and laugh. Sinampal ito ni Senyor Condrad. "I'll give you one day and night to think Kendry!"
"Hinding hindi mo mapapatay si Elsa Grandpa, hangga't may natitirang hininga sa katawan ko." si Kendry, tumingin ito sa akin. "may bago ka na palang bagong aso." he mocked at me.
Nilapitan ko siya at kaagad na sinuntok sa tiyan. "dalawa lang ang bantay sa labas." I whispered at him at inihulong ang maliit na kutsilyo sa pagitan ng mga hita niya. "where is Elsa!" ginaya ko ang tanong ni Senyor Condrad.
"Kill me, dahil hinding hindi ko sasabihin kung nasaan siya!"
Hinugot ko ang baril sa tagiliran ko at itinutok iyon kay Kendry. "enough." si Senyor Condrad, I knew it! Ibinuka ko ang mga palad sa gilid ko, yumuko si Kendry pero alam kong nakatingin siya sa palad ko. Dalawa, lima, tatlo at ikinuyom ko ang palad ko. Nakita ko ang pag ngisi niya. Dalawa, ibig sabihin dalawa ang bantay sa labas ng silid, lima ay singkwenta ang palakad lakad, tatlo sa gate at ang pagkuyom ko ng palad ang ibig sabihin ay wag kang mamamatay.
Muli na kaming lumabas sa silid niya at isinama ako ni Senyor Condrad sa iba pa niyang Mansiyon para ipakilala sa mga tauhan nito and now I am the boss.
I texted Elsa.
=============================================================================
Kendry
Inipit ko ang maliit na kutsilyo sa pagitan ng mga hita ko. Sinubukan kong tumayo pero sumakit ang katawan ko dahil narin sa bugbog na natamo ko, para lang isang nailcutter ang laki ng kutsilyo. Ikiskis ko ang ang tali ng mga kamay ko sa gilid ng upuan, binilisan ko ang pagkiskis hanggang sa maramdaman ko ang pagluwag ng tali sa mga kamay ko. Kinuha ko ang kutsilyo at pilit na pinutol ang nakatali sa katawan ko at paa.
Tumayo ako bitbit ang maliit na kutsilyo, nilapitan ko ang pinto. Malakas na humiyaw ako para marinig nila.
"Ahhhhhh!" bumukas nga ang pinto, sinipa ko ang isa at sinaksak ito sa leeg. Kinuha ko ang baril niya at pinalo ang kasama nito. Tinakpan ko ang bunganga ng isa at binali ang braso nito. Ganun din ang ginawa ko isa. Kinuha ko ang jacket ng isa at isinuot iyon, nagsuot din ako ng cap. Dalawang baril ang hawak ko, tinungo ko ang silid ni Grandpa, yumuko ako ng may dalawang palakad palakad. Umikot ako sa kabila at nakita ko ang ibang busy sa pagbabaraha ang iba naman ay nag iinuman.
Pumasok ako sa silid ko. I opened my drawer at took the other key. Ang susi ng silid ni Grandpa. Sumilip ako sa labas at binuksan ang pinto ng silid ni Grandpa, lumikot ang mga mata ko. Nasaan na ang kutsilyo! Binuksan ko ang drawer niya, at may nakita akong isang folder out of curiosity binuksan ko iyon.
And I saw my father's picture and the other man. Diego Tan. The two are the targets someone named Marcelo Lerzorda! si Grandpa ang nagpapatay sa Daddy ko at sa isang kaibigan nito! Hindi maaari!
"Pare nakatakas si Kendry!" sa labas.
Kinuha ako ang folder at isinuksok iyon sa dibdib ko. Don't you ever fight against your master! Nakabig ko ang isang libro at bumagsak iyon sa sahig kasabay nun ang pag ikot ng bookshelves at may isang maliit na pinto doon.
Binuksan ko iyon, may basement! Naghanap ako ng pwedeng pang ilaw, may nakapa akong switch kaya nag ilaw sa loob. Isang sala set may computer, may TV at DVD player, maraming libro. Isang DVD ang nakalapag sa itaas ng TV. Kinuha ko iyon at inilagay sa DVD player.
=============================================================================
A/N: Enrique is the Black Dragon boss now.
At ano kaya ang matutuklasan ni Kendry sa secret basement ni Senyor Condrad?
Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..
Luh' yah!