Chapter Thirty Eight Andrew "Sir, they're gone sa tingin namin patay na sila! tumalon sila sa yungib at imposibleng makaligtas sila doon!" "Sa tingin? siguraduhin niyo mga inutil!" singhal ni Rick Ayala! Nasa daongan na kami ni Alice at nasa ilalim kami ng tulay kung nasaan sila nakatayo, umalis ang tatlo habang ang tatlo naman ay sumama kay Rick, Pumailalim kami ng sumakay na si Rick sa speed boat kasama nito ang isa habang ang dalawa ay nasa kabilang speed boat. "Kailangan natin makapunta sa barge!" si Rick. "may private helicopter doon na pwede nating gamitin!" "Pero paano na po ang iba Sir?" "Gago kaba? kung gusto mong bumalik, eh di bumalik ka! you fool!" muling singhal nito. Humawak ako sa tali, tumango ako kay Alice. Nauna na si Rick Ayala, bago pa makaandar ang speed boat ng

