Chapter Twenty Seven P.1 PAALALA: may mga salita ditong hindi angkop sa mga batang nagbabasa, hinihinge lamang ng aking mga characters ang mga salitang ito kaya sana maintindihan niyo ako, wag lang pong gagayahin ah..? umwaaah! oh mga bata wag matigas ang ulo! ^_^ • • • Alice Naramdaman ko ang pagkirot ng aking ulo, unti unti akong nagmulat ng mga mata, wala ng nakatakip sa aking bibig at hindi narin ako nakagapos pero nakakulong ako sa isang madilim na silda. Lumapit ako sa bakal na tarangkahan na nakakandado. "anyone?" pinilit kong buksan pero napagod lang ako, nagpa ikot ikot ako sa loob, wala ring kisameng pwede kong akyatan dahil puro semento ang nasa itaas. Biglang umilaw ang buong paligid at nakita ko na hindi lang pala ako nag iisa, marami kaming nakakulong sa iba't ibang sild

