Chapter Seventeen
Enrique
Sinusundan ng aking mga mata ang Mama Lanie ko habang kasama niya si Mr. Marte, nasa mukha ng mama ko ang labis na kasiyahan. Itinaas ko ang menu na hawak ng dumaan sa harapan ko ang ibang kasamahan nila. Nasa isang luxury hotel ako kung saan gaganapin ang dinner business ni Mr. Marte sa mga ibang sindicate heads. How dare him na isama ang Mama ko sa kanyang mga gawain!
Tumalikod ako sa kanila at inilabas ko ang cellphone ko. Kinuhaan ko sila ng pictures habang nakikipag shaking hands sa mga kasama nito.
"Sir may I have your order?" sabi ng waiter sa akin.
"Later." kunwari tiningnan ko ang relo. "I am waiting for my date."
Umalis na ito at tinungo ang mesa sa kabila. Maya maya pa ay may dumating pa. Si Senyor Condrad! May umupo sa tapat ko kaagad na hinawakan ko ang baril na nakatago sa ilalim ng jacket ko.
"C104." sabi nito, naramdaman siguro nito ang ginawa ko, ibinaba ko ang menu. Nangunot ang noo ko ng makita ang kaharap ko. Napakurap ako, kumindat pa siya sa akin.
She's wearing black and white dress, na may see through long leeves, "who-the-hell-you-are-again?"
"C104." she smiled at me at kinuha ang atensiyon ng waiter. Sinabi niya dito ang order kaya napilitan na rin akong mag order. Pagkaalis ng waiter ay muli ko siyang tinitigan, lumikot ang mga mata niya patungo sa mesa nila Mr. Rick sa de kalayuan sa mesa namin.
"Is that your real face?" I asked, iba kasi ang hitsura nito bilang si Jane. "are you HE or SHE?" I added.
"I am the master con artist, so don't be surprised.. bro."
Napainom ako ng tubig dahil naging lalaki ang boses nito, dumating ang order namin. Umayos siya ng upo. "what's your name now?" muling tanong ko.
He smiled widely. "I prefer Jamaica for today!" napayuko ako ng may iba pang dumaan sa harapan namin. Nakipag shake hands ang mga ito kay Mr. Marte at kay Senyor Condrad. Tumayo si C104.
"Where are you going?!"
"Ang sweet naman ng darling ko." pang aasar nito.
"Shut up C104!"
"It's Jamaica darling." and he winked, muli itong umupo. "are they completed?" he whispered.
Tumango ako, palihim ko silang sinilip sa kabilang mesa using my phone. Kita kasi sa screen ko ang mesa nila. Sina Mama Lanie, Mr. Marte, Rick Ayala, Senyor Condrad, at ang dalawang bagong dating ang naka upo. Alam kong nasa paligid lamang ang mga bodyguards nila at matyagang nagbabantay.
"Good, now watch and learn." tumayo siyang muli at pakendeng na naglakad papunta sa mesa nila!
•
•
•
Joshua as Jamaica
Nag martsa na ako papunta sa mesa ng mga sindikato at kabilang na nga doon ang magaling kong ama! Sa kanang kamay ko nakalagay ang mini recorder, I flipped my fake hair. Naririnig ko ang pagtatawanan nila ng nasa tapat na ako ng mesa nila ay kaagad na natapilok ako at sumadsad ako sa gilid ng mesa nila.
I heard the crowd say "OH". Napatayo naman ang nag iisang babae sa grupo ng masasamang espirito. "are you alright?" dinaluhan niya ako. Inabot ko ang kamay niya gamit ang kaliwa kong kamay habang ang kanan na kamay ko ay pasimpleng idinikit sa ilalim ng mesa ang mini recorder habang tumatayo ako.
"Thank you.. my Gosh this is so embarrassing!" nagtakip ako ng mukha at tinakbo ang Comfort Room, ang ibang nakasaksi sa pagkakatapilok ko ay lihim na nagtatawanan, gumana ang plano ko!
I called BD02. "there conversation will be recorded, now get out of there before Senyor Condrad see you."
Enrique: how was your balls?
Joshua: still kicking!
Enrique: (chuckled) goodluck!
Ini-off ko na ang cellphone, may pumasok na isang waitress sa CR. Pumasok siya sa isang cubicle, inabangan ko siyang lumabas. After a few minutes lumabas siya. "hi!" sabay takip sa bibig niya, ipinasok ko siya muli sa cubicle. Inilabas ko ang panyo at tinakip iyon sa ilong niya maya maya pa'y nawalan na siya ng malay.
"Sorry Miss trabaho lang!" I undressed her at isinuot ang uniform niya, isinuot ko sa kanya ang damit na suot suot ko. Tinanggal ko ang long hair weg at nagsuot ng maikli gaya ng babae.
May pumasok sa loob at narinig ko ang pagbukas sa kabilang cubicle. Inilagay ko ang earpiece sa tainga ko at pinaupo ang babae sa inodoro. "BD02 do you hear me?"
"Loud and clear." he answered. Mabilis na umakyat ako sa itaas ng cubicle at bumagsak ako sa kabila. "s**t!" napahawak ako sa pwet at tumayo, inayos ko ang hitsura ko bago lumabas sa comfort room.
"Waiter!" may tumawag sa atensiyon ko.
=============================================================================
Sebastian
I take a sip of wine from my glass habang busy sa pangungumustahan ang mga kasamahan ko. Hindi parin mawala wala sa isip ko ang mukha ni Delly at ang boses nito. Sinipa ako ni Daddy sa ilalim ng mesa ng manginig ang kamay ko habang hawak hawak ang wine glass. Inilapag ko iyon sa mesa.
"Samuel how was your business going?" Senyor Condrad asked.
"It's quiet good Senyor."
Mr. Marte clapped his hands. "I am sure you have an idea why I asked for a dinner now mga kumpare." he started. "we are doing business together and helping each other for many years now. I think we should take more steps now."
"What do you mean?" Rick Ayala.
He exhaled. "I can handle Black Angel, so she is not our problem anymore. Our problem now is WEDA, the agency that she's working for at hindi sila titigil hangga't hindi nila tayo mahuhuli." tumingin ito kay Senyor Condrad.
"Senyor, how was your men? are they still active?"
"Oo naman, we are just waiting for another target."
He grinned. "then take care of WEDA for me and I'll pay you twice."
Tumango si Senyor Condrad at nag cheer ang dalawa. Nanunuyo na ang lalamonan ko, may nakita akong waiter. "waiter!"
Lumingon siya. Oh.. napatitig ako sa kanya. "yes?"
"Water more please?" I stared at her, she smiled at me.
"Okey."
"Where is Kendry, Senyor Condrad?" Mr. Marte.
"Binibigyan ko lang ng leksiyon."
Umiling iling si Mr. Marte. "poor man, anyway I want him in our Black Day Market na gaganapin sa susunod na buwan."
"Next month?" si Rick Ayala. "I thought next year pa?"
"Change of time kaya ko kayo pinulong lahat, this past few months hindi nagiging maganda ang businesses natin dahil sa WEDA so we have to get rid of them. And Black Dragon will take care of it."
Tumango tango ang iba. Tumingin si Mr. Marte sa akin. "how was the deal with the North?"
"It was fine, id-deliver na ang mga laman sa mga base natin sa mga probinsiya."
Tumango tango ito. "Kumpare, darating ang mga big boss ng Hongkong at Japan so ihanda mo na ang mga 'goods' mo the many the better." anito kay Rick Ayala.
"Yes, but I need men to escort my goods from my base to the Market before that day."
"I can give you a men." si Samuel Villonco.
"So it settled now?" Mr. Marte.
"How about my 'goods?' are they interested?" Samuel Villonco.
Tumawa si Mr. Marte. "your goods are not fresh Samuel, hmm.. let me think about it."
Ngumisi si Samuel. "who said they are not? galing probinsiya.. walang alam.. walang muwang.."
Itinaas ni Mr. Marte ang kopita. "Cheers?"
"Cheers."
Tumunog ang cellphone ko. "excuse me." I answered the call. "yes?"
"Sir my problema! nakatakas ang mga bata!"
"What?!" napalakas ang boses ko. Pinutol ko na ang tawag.
"Problem?" si Mr. Marte.
Ngumiti ako. "nothing." tumingin ako kay Dad, alam kong alam na niyang may problema.
Pagkatapos namin mag usap ay pinagpatuloy na namin ang pagkain, dumating ang waitress inilapag niya ang isang glass ng water sa mesa namin. May tumapon na tubig. "sorry." aniya. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang natapon.
"You look familiar." si Madam Lanie ang asawa ni Mr. Marte. Ngumiti ang waitress, "sanay na po ako Ma'am." yumuko ito at magalang na umalis sa table namin. Napailing ako, para kasing nakita ko na siya di ko lang maalala kung saan.
•
•
•
Enrique
Nakita ko na si C104 na lumabas sa exit sa likod, pinatakbo ko ang sasakyan papunta sa kanya at kaagad siyang sumakay. Tinanggal nito ang weg, "there is no point of hiding my face now." anito.
"Joshua Ayala." sambit ko sa pangalan niya ng makita ko ang totoong mukha niya.
"I'm flattered." sagot nito.
"Why your helping us?" I asked him, his father is Rick Ayala ang isa sa naging kleyente ko dati.
Nagkibit balikat siya. "sabihin nalang natin na gusto ko na rin ng kapayapaan sa bahay namin?" ibinigay nito ang mini recorder sa akin.
"I am impressed."
Tumawa siya. "being the ganster or being the con artist?"
"Both." nagkakilala kami sa isang riot sa lansangan noon, ang target ko ay ang kaibigan niya na utos naman ng ama niya.
"Huwag po! maawa kana po sa akin." sabi ng kaibigan nito. Bugbog sarada ang katawan at mukha nito sa pakikipagsuntukan sa akin. Kinasa ko ang baril.
May sumipa sa akin kaya nabitawan ko ang baril, naglaban kaming dalawa. Magaling siya pero kulang siya sa experience kaya natalo ko siya. "don't kill him.." anito. "please dont .." he holds my hand and begged. "I am Joshua Ayala!" sigaw niya. "don't kill my brother."
Napatingin ako sa target ko. "I don't believe you, kung kapatid mo siya bakit siya pinapapatay ng iyong ama?"
"Anak siya ni Mommy sa unang asawa.. he is my half brother so please spare his life please!"
I sighed. "Run."
Tinulungan nito ang sinasabi nitong kapatid sa pagtayo at paika ikang umalis. Itinutok ko ang baril dito, napapikit ako at hinayaan nalang silang makalayo.
"How was your brother?"
Lumingon siya sa akin. "thank you for saving my brother, pero he didn't make it, mas sakit siya after a month he died."
"Sorry to hear that."
Hindi na siya nagsalita, habang nasa byahe ay nagbihis na rin ito ng panglalaki at dumeretso na kami sa hide out namin.
"BD02." sabi ko at bumukas ang gate, pagkapasok sa sasakyan ay automatic na nagsara iyon. Lumabas na kami ni Joshua sa sasakyan at napangiti ako ng makita si Celen na busy sa pagsisipa sa isang hangging bag.
Sumandal ako habang pinapanuod siya, pumalakpak ako kaya napalingon siya sa akin. Her smile..
"Enrique!" she called my name. Lumapit ako sa kanya, "your good." dinama ko ang hanging bag.
"Where have you been?" she asked.
"You miss me?" I grinned.
"Asa ka." sagot niya. Hinapit ko siya sa baywang at niyakap siya.
"Why your doing these stuff?" tiningnan ko ang mga gawa niyang punching bag.
"I want to help Belle." she answered.
"Help her?" kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Tumango siya.
"Celen.. this is dangerous.."
"I know.. pero hindi ko kayang maupo na lang habang alam ko nasa panganib ang buhay ni Belle."
I stared at her. "I shouldn't dragged you here." iniwan ko na siya sa gym, paglabas ko nakita ko si Belle habang nakasandal sa labas. "your happy now?"
Hindi siya sumagot, umiling ako at tinungo ang sofa. Sumunod siya sa akin. "taxi driver, do you like Celen?"
"I don't like her, I love her." I answered.
"Why?"
Nangunot ang noo ko. "kailangan bang may dahilan para mahalin mo ang isang tao?"
"Lolokohin mo lang siya." aniya.
"Kung galit ka sa mundo, wag mo akong idamay."
Lumapit siya sa akin at walang sabi sabing hinalikan niya sa ako sa mga labi. I pushed her "what the hell!"
Nasalo siya ni Joshua na kapapasok lang sa loob. "lahat kayo manloloko! kaya don't say you love Celen dahil in the end sasaktan mo lang naman siya!"
Pumasok si Celen. "what's going on here?" nilapitan kaagad nito si Belle. "okey ka lang ba?"
Umiling ako at pumasok sa kwarto doon padapa akong humiga sa kama. Para akong sasabog sa inis, unang una ng makita ko si Mama, pangalawa si Celen na gusto na ring pasukin ang mundo ko at ngayon si Belle na kumokontra sa pag ibig ko kay Celen! "damn!"
Someone knocked my door, hindi ako umimik. Pumasok siya, si Celen naramdaman ko ang pag upo niya sa kama. "please understand Belle, ayaw niya lang akong masaktan."
Bumangon ako. "umalis kana dito Celen, may alam akong lugar na safe ka, kung si Belle hindi namin siya pababayaan, pangako."
Niyakap niya ako. "thank you Enrique, thank you for everything. Pero ito na siguro ang nakatadhana sa akin.. sa atin, hindi ko ito gagawin dahil lamang kay Belle, gagawin ko to dahil gusto ko ring makatulong."
Niyakap ko siya. "alam mong mahal kita Celen, wala akong ibang babaeng minahal maliban sayo.."
Hinawakan niya ang mga kamay ko. "aaminin ko Enrique.. mahal na din kita."
Ilang segundo akong nakatitig lamang sa kanya.
"Hoy! sabi ko mahal din kita." she repeated.
Napasuntok ako sa hangin, tinuro ko siya at sarili ko. "mahal mo ako? tayo na?"
Tumango siya. Napatalon ako. "Yes!" at niyakap siya ng mahigpit.
•
•
•
Belle
Pinahid ko ang luha ko na naglandas sa pisnge ko, bakit ako umiiyak? bakit hindi humihinto ang luha sa mga mata ko?
Narinig ko ang pag uusap nila at kung gaano sila kasaya. Bakit ba ako nasasaktan ngayon? bakit?!
Paglingon ko bumangga ako sa isang dibdib at kaaagad na tinakpan niya ang tainga ko. Pinahid niya ang luha sa mga pisnge ko. "masakit ang magmahal Belle, iyan ang totoo, ayaw mong magmahal dahil natatakot kang masaktan pero hindi mo hawak ang t***k ng puso mo."
"Hindi ako nagmamahal." sagot ko kay Joshua, niyakap niya ako at sa dibdib niya umiyak ako ng umiyak. Suminghot ako sa damit niya. Naramdaman ko ang pagtawa niya kaya napukpok ko ang dibdib niya.
"Pinagtatawanan mo ako." kinurot ko siya, at hinigpitan niya ang yakap sa akin.
"Oh anong nangyayari dito? amoy romansa na dito ah?" ang kakarating lang na si Elsa, may bitbit itong groceries. Mabilis na tinulak ko si Joshua at alanganing ngumiti kay Elsa.
=============================================================================
A/N: Celen and Enrique is on relationship na!
-WEDA is on danger
-black operasyon