Chapter Nine

2219 Words
Chapter Nine Belle "Celen? nandito kana ba?"mabilis na tinanggal ko ang takong. Tinungo ko ang kwarto namin, pero wala din siya doon. "hindi pa siya nakauwe? may raket na naman ba siya?" pabagsak na inihiga ko ang sarili sa kama, napatingin ako sa kisame, iniisip ko parin kung sino ang gustong pumatay sa akin. Ilang minuto rin akong nakatulala lang bago naligo at nagbihis, nakaidlip na ako lahat lahat at wala parin si Celen, hindi parin siya nakakauwe. "Celen?" tumayo ako, baka nasa salas na siya. Pero wala parin siya. Nag aalala na ako dito. "Celen nasaan kana ba?" Lumabas ako ng bahay, napayakap ako sa sarili ng bigla kong maramdaman ang lameg. "Belle, ba't nandito kapa sa labas? si Celen?" Napalingon ako, si Fe kaibigan siya ni Celen. "hindi mo ba siya kasama?" napatayo ako. "wala kayong raket ngayon?" "W-wala siya dito? hindi siya kasi sumipot sa raket namin ngayon.." Kinabahan ako, "teka, Fe may pantawag kaba?" Tumango ito at ibinigay sa akin ang cellphone. Idinial ko ang number ni Celen, pero panay lang ang ring. "Celen ano ba, sagutin mo na please!" Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin ang mga naka itim na lalaki, de kalayuan sa kinatatayuan ko. "Fe.." sambit ko. "Bakit?" Iniabot ko dito ang cellphone niya, at dahan dahan akong umatras. "hoy Belle!" sigaw ni Fe. Nakita ko ang pagngisi ng mga lalaki habang tinitingnan ako, kaagad na tumakbo ako palayo kay Fe. "huwag mo ng tawagan si Celen!" sigaw ko at kaagad na tumakbo. Napahawak ako sa dibdib, dahil nauubusan na ako ng hangin. Humihingal na nagsumiksik ako sa isang masikip na eskeneta. Pikit matang pinasok ko ang madilim at mabahong lugar na iyon. Hindi parin ako tinatantanan ng mga humahabol sa akin! Tulog na ang mga tao at puro tahol na lamang ng aso ang naririnig ko, may ilan ilan ding nagtatagay sa kanto. Pumasok ako sa isang barong barong at doon nagtago, narinig ko ang pagtakbuhan ng mga humahabol sa akin. "Sino ka po?" Napalingon ako, isang dalagita ang nakita ko. Pupungas pungas itong bumangon. Umupo ako at nag "shhhh" dito. "Cheche may kausap kaba diyan?" Lumingon ito. "wala po, Inay." tumayo ito sa higaan nito sa lapag. Lumabas ito at sumilip sa labas. "Wala na po sila, Ate.." bumalik ito sa pagkakahiga sa lapag. "S-salamat.." "Teka ate," hinawakan niya ako sa kamay, may dinukot ito sa bulsa. "eto po, baka wala pa kayong kain." Isang daang piso iyon, ngumiti ako at muling ibinigay dito ang pera. "anong pangalan mo?" "Cheche po." "Salamat Cheche, pero busog na ako." niyakap ko siya bago lumabas sa barong barong na bahay. Muli akong tumakbo palabas sa lugar na iyon. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko na makita ang mga taong humahabol sa akin. Lumakad ako, pero nararamdaman ko na may sumusunod sa akin, hanggang sa pabilis ng pabilis na ang hakbang ko at muli akong tumakbo, lumilingon ako habang tumatakbo kaya di ko namalayan ang isang sasakyan sa aking harapan. Napatakip ako sa mukha ng papabangga na sa akin ang sasakyan.. No.. • • • Celen Nanginginig parin ang mga kamay ko, nakapatay ako! Nasa isang compound na kami ni Enrique, naramdaman ko ang paghawak ni Enrique sa mga kamay ko, mabilis na iwinaksi ko iyon. "sino kaba talaga!" "I'm sorry, Celen." Umiyak na ako. "hindi mo ba alam? nakapatay ako! isa na akong mamamatay tao!" napahagulhol ako. "This is my fault.. I'm sorry.." sagot niya. "Sino kaba talaga? at sino iyong mga taong kumidnap sa akin? bakit kilala ka nila?" Tumayo si Enrique. "sorry, pero hindi mo na dapat pang malaman kung sino talaga ako." Narinig namin ang paghinto ng motor, kaagad na sumilip si Enrique sa labas. Nakahinga ito ng maluwag, doon pumasok ang isang babae. Ito ang nag ligtas sa akin mula sa mga kumidnap sa akin. Tumingin ito sa gawi ko. Biglang bumundol ang kaba sa dibdib ko, hindi ako pwedeng magkamali! "E..Elsa?" tawag ko sa kanya. Nangunot ang noo niya at tinitigan ako, kinikilala niya ako. "Ako to! si Celen!" tinuro ko ang sarili. "hindi mo na ba ako natatandaan? sa truck van, sa Isabela!" "Celen?!" mabilis na nakalapit siya sa akin at mahigpit kaming nagyakap, kapwa kami umiiyak na dalawa. "Buhay ka, Elsa." tuwang dinama ko ang pisnge niya. "Ikaw rin." inayos niya ang buhok ko at tinitigan ako. "ikaw nga si Celen, ang saya ko." "Magkakilala kayo?" si Enrique. Tumango si Elsa at muling niyakap ako. Ikwenento namin kay Enrique ang pinagdaanan namin at kung bakit kami nagkakilalang dalawa. Pinahid ko ang luha. "Kung ganun pala, hawak ka ngayon ng mga sindikato? at magkasama kayo ni Enrique?" tumingin ako sa dalawa. "Oo Celen, kaya kung ako sayo, sundin mo na ang sinasabi ni Enrique, magpakalayo layo kana dito." hinawakan ni Elsa ang kamay ko. "pumunta ka sa lugar na walang nakakilala sayo, para makapag bagong buhay. Mamuhay ka ng tahimik, malayo sa peligro, malayo sa mga taong gustong manakit sayo, please." "Pero.." tumunog ang cellphone ko. Si Fe ang tumatawag, I ignored her calls, nakatanggap ako ng text mula dito. call asap! emergency! Idinial ko ang numero ni Fe. "Fe, ayaw ko na titigil na a-" "Celen, si Belle.." naririnig ko ang pag hikbi nito sa kabilang linya. "Ano ang nangyari kay Belle?" "Hindi ko alam basta may humahabol sa kanya, t-tapos tumakbo na siya." Nabitawan ko ang cellphone, hinarap ko si Elsa. "Elsa may nangyaring masama kay Belle! Pakiusap tulungan mo ako, pakiusap." umiyak ako ng umiyak. "Si Belle natin?" "Oo! please save her!" niyakap ako ni Enrique. "Elsa you stay here." kinuha ni Enrique ang susi ng motor kay Elsa. "ako na ang maghahanap sa kanya." "No! sasama ako, hindi mo siya makikilala." Tumango si Elsa. "sige hanapin natin si Belle, umangkas kana kay Enrique, I can handle myself." kinuha ni Elsa ang isang baril sa drawer niya at ibinigay iyon sa akin. "Gamitin mo kung kinakailangan." Tinatagan ko ang loob at tumango. "okey." Napahawak ako ng mahigpit kay Enrique. Sana walang masamang nangyari kay Belle! Nasa likuran namin si Elsa. Tinuro ko kay Enrique ang bahay namin ni Belle, napatakip ako sa bibig ng makitang maraming butas na iyon ng bala. "My God! Belle!" mabilis na bumaba ako ng motor, niyugyog ko ang tulalang si Fe. "Fe si Belle! Nasaan si Belle!" "H-hindi ko alam.." nakatulala parin ito. Pumasok ako sa loob ng bahay. "Belle!" Sumunod sa akin sa loob sina Elsa at Enrique. "Celen.. kapatid mo siya?" si Enrique, hawak ang litrato namin ni Belle. "Oo." "Bilisan na natin! Nasa panganib ang buhay niya ngayon!" tumakbo sa labas si Enrique. Mabilis na pinaandar niya ang motor. "Bakit? anong kinalaman ni Belle? naguguluhan na ako!" "Mamaya ko na ipapaliwanag, basta ang mahalaga mahanap natin ang kapatid mo ngayon!" nilingon niya si Elsa. "use connections." "Areglado." humiwalay na si Elsa sa amin. "Mag-iingat ka Elsa." sabi ko, tumango siya at sa kabila siya dumaan. ============================================================================= Elsa Elsa: C104.. C104. Con: C104 on the line. Elsa: C104 find a girl named Belle, she is the previous target of BD02 make her safe bring her at HO4. Con: copy. Ibinaba ko na ang cellphone at ipinagpatuloy ko ang paghahanap kay Belle, napahinto ako ng makita ko ang mga kalalakihan sa gitna ng kalsada. Bumaba ako sa motor at hinarap sila. "What do you want?" I asked them, walang mga armas ang mga ito pero magaling ang mga ito sa pakikipaglaban base sa mga tindig at galaw ng mga katawan nito, who are they? "Just go back young lady." one answered. "Let me pass." muli akong sumakay sa motor. Umiling ang isa at senenyasan nito ang mga kasama para sugurin ako. Mabilis na pinaandar ko ang motor, pero kaagad na nasugod ako ng isa, napaliyad ako para ilagan ang sipa niya, at kaagad akong tumalon sa motor. Pinalibotan nila ako, nagpalipat ang tingin ko sa kanila, mahigpit na napakuyom ako. "who are you?" I asked again. Wala akong baril dahil ibinigay ko iyon kay Celen pero may kutsilyo ako. Sinugod ako ng isa, mabilis na inilagan ko ang mga pagatake niya, magaling siya. Ngayon ko lang sila na encounter. Are they one of us? No.. they are not. Napayuko ako para ilagan ang sipa niya, at gumanti ako ng sipa natamaan ko siya pero kaagad itong bumangon. Sunod sunod na silang sumugod sa akin, panay ang ilag ko sa mga pag atake nila at gumaganti din ako, sinalo ko ang isang kamao at hinatak ko siya palapit sa akin at ginawang panangga sa mga pag atake ng mga kasamahan nito. Kinuha ko ang kutsilyo at sinaksak ko ang ginawa kong panangga. Tinamaan ako ng sipa ng isa kaya nagpagulong gulong ako sa kalsada, nabitawan ko ang kutsilyo at tumilapon iyon. Nakita ko ang pagpulot ng isa sa kutsilyo, lumapit siya sa akin at hinawakan ang buhok ko, patayo. Umiling ang lider at lumapit sa akin, hinaplos niya ang mukha ko at malakas na sinampal, lumingon ito at tiningnan ang kasamahan nito na nasaksak ko, muli siyang tumingin sa akin at malakas muli akong sinampal. "We don't need you but you killed one of my men.." kinuha niya ang kutsilyo sa kasama niya, napakagat labi ako ng sugatan niya ang mga braso ko. "Ahhh!" Tumawa ito ng malakas. "does it hurt? how about this one?" sinugatan naman niya ang kabilang braso ko, muli akong napahiyaw sa sakit, tumingin ako sa mukha niya at dinuruan siya, napapikit siya at muli akong sinampal. Naramdaman ko ang pagdugo ng ilong ko. Umatras siya ilang dipa sa akin habang may pumipigil sa akin. Inikot ikot nito ang kutsilyo, napapikit ako ng ibato niya sa akin ang kutsilyo, katapusan ko na ba? Pero ilang segundo na at wala akong naramdaman na sakit, napadilat ko at nakita ko si Kendry.. na nakatalikod sa akin, napatingin ako sa mga lalaking pumipigil sa akin bumulagta na ang mga ito sa gilid ko. "Kendry.. your alive!" tuwang niyakap ko siya sa likod, nakita ko ang benda sa bente niya. "Of course, hindi pa ako nakakaganti sayo." he grinned. "You asked for it." I said, kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya, "how did you get here?" "I putted tracker in your jacket." Napakapa ako sa Jacket ko then find out something, hinampas ko siya. "you i***t!" Napatingin siya sa dumudugong mga braso ko. "Elsa.." Napatingin ako sa likuran niya at nakita ko ang pagtayo muli ng lalaki at sinugod nito si Kendry, kaagad na hinatak ko si Kedry at kinuha ko ang kutsilyo sa kamay niya at sa isang iglap nasaksak ko iyon sa lalaki. "Wew that's hot!" "Now we're even." ibinalik ko ang kutsilyo kay Kendry. He cupped my face and give me little kisses on my nose. "Kendry.." I stared at him. "Elsa, I'm sorry for everything, for putting you my world, for letting you killed people. I'm sorry for showing this kind of darkness. Now I asked you, please go somewhere.. far away from here.. far away from me." Umiling ako. "I let myself to get involved here, I want to go away from here God knows how much I wanted to but I just can't Kendry, Mr. Marte have my sister and I want to save her." Nakita ko ang pagkalito sa mga mukha niya, wala itong alam sa nangyari kay Risa. "wait hindi mo alam na ibinenta ni Senyor Condrad si Risa kay Mr. Marte noon?" Umiling ito, hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "babalik ako sa Black Dragon, something going on and I want to find it out. Please Elsa, trust me this time." Tumango ako. "I trust you, Kendry." niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa mga labi napapikit ako, uo nasa madilim ako, pero kasama ko naman ang taong nagbibigay ng liwanag sa madilim kong mundo. And then he vanished, narinig ko ang pagtataholan ng mga aso, I know it was Kendry, pinunit ko ang damit ng isang lalaking nakahandusay sa gilid ko at itinali sa magkabilang braso ko. Are they the one who's chasing Belle? but why? itinayo ko na ang motor at muling sumakay para puntahan sina Enrique at Celen na nasa hide out na. Pagdating ko sa hideout kaagad na sinalubong ako ni Celen. "don't worry, Belle is safe, just calm down." Tiningnan niya ang mga sugat ko, napatingin ako kay Enrique at ngumiti dito. "Kendry is not a bad one, he's on our side." I told him, umiling iling ito. "I don't trust him and please don't ask me to trust him because you know I can't." tinalikuran ako ni Enrique at pumasok siya sa kusina. Tinulungan ako ni Celen na gamutin ang sugat ko. "Thank you Celen." I smiled at her. "Belle is safe, I can promise you that." she nodded. Paglabas ni Enrique may dala na itong mainit na tubig, tinulungan nito si Celen na gamutin ang mga sugat ko. Yeah nasa madilim nga ako, pero sa madilim ng buhay ko nakatagpo ako ng totoong mga kaibigan. "Don't move." Enrique hissed, nagkatinginan kami ni Celen binatukan nito si Enrique, hindi ko napigilan ang mapangiti. ============================================================================= A/N: sino kaya ang mga lalaking humahabol kay Belle? At tama kayang pagkatiwalaan ni Elsa si Kendry? Where is Belle? what happened to her? Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers.. Luh' yah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD