Simula

489 Words
“Where is the groom?!” Napalingon kaming lahat sa pumasok sa kwarto, si Tita Finella. In her long black dress and black gloves. Galit na galit siyang pumasok at namumula pa sa iritasyon habang lakad dito at lakad doon ang ginagawa. “Nasaan na ang magaling mong boyfriend, Triana Marie? My God, sinasabi ko na nga ba, hindi talaga ako nagkakamali riyan sa lalaking ‘yan!” Napayuko na lang ako sa hawak kong bouquet. Everyone inside the room is worried. Lahat nag-aalala dahil sino ba namang hindi? Napakaengrande ng gagawing kasal. There are so many visitors. At bilang na lamang ang mga minuto ay magsisimula na ang seremonya pero... ang groom, nawawala. “Kian?! What?! Naghihintay na ang mga tao! Nauna na ngang dumating ang bride at wala pa ang groom?! Anong klaseng kasal ito?! Tutunganga na lang tayo at hahayaang mapahiya si Triana?” galit na tanong ni Tita Finella. Bakas sa kaniya na hindi niya kakayanin ang kahihiyan na dadalhin nito sa pamilya namin. “I’m calling Ross, Mama! Chill, okay?” naiiling na sagot ng pinsan kong si Kian habang problemado ring tumatawag sa telepono. Wala namang sumagot dito. Si Mommy ay puno ng pag-aalala. Si Daddy naman ay nakaupo lang na parang inaasahan na ito. “Ipapakulong ko iyang Ross na ‘yan, Triana! Oh, my gosh, nakakahiya!” Mangiyak-ngiyak na si Tita Finella. She’s my youngest auntie on my father’s side. She’s really like that. Sanay na sanay na kami sa pag-uugali ni Tita Finella. Tumayo na ako at binitawan ang bouquet. My chest is heavy, pero hindi naman ako makaiyak dahil makakadagdag lang ‘yon sa aming problema. Napatingin sila sa akin na mga problemado na rin ngunit walang magawa. Nagtitipon-tipon na kami rito sa pag-asang darating pa ang magaling kong fiance na mukhang hindi niya na gagawin pa. “Sinasabi ko na nga ba, Triana Marie. You should’ve chosen what I wanted for you. Kung si—” “Dad, stop. Past is past!” saad ko at inalis ang belo sa aking ulo. Sa isang iglap, hindi na matutuloy ang kasal. Just because my groom is missing! Huwag kang mag-alala, Tita Finella. Ako pa mismo ang magkukulong sa lalaking iyon! That jerk... huwag na huwag siyang magpapakita sa akin dahil hahanapin ko siya kung saang lupalop man siya tumakbo kasama ang babae niya at sisiguraduhin kong pagbabayaran nilang dalawa ang panloloko nila sa ‘kin at sa pamamahiya sa kasal ko. Kung mapapahiya lang din ako, pwes mapahiya na kaming tatlo! At sino nga ba iyong babae niya at saan niya iyon tinatago? Dahil nasisiguro kong meron! At sigurado akong iyon ang dahilan kaya hindi siya sumipot sa kasal namin! Damn you, Ross... and that girl of yours! I will make sure that your woman will regret the day she agreed to have an affair with you. I will both make your life a living hell. Tandaan mo iyan.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD