"Ok ka lang? Matutunaw na ang karagatan sa titig mo." Tinapik ni Ian si Collen ng nakita niyang nakatulala ito sa dalampasigan. "Oo naman, bakit?" tugon ni Collen. Nagulat pa ito sa kanyang pagdating. "Naging tahimik kasi at seryuso nitong nakaraang mga araw. Ngayon naman madalas kitang nakikitang tulala may problema ba?" muling tanong ni Ian. "Wala, ok lang ako. Gusto ko lang pagmasdan kung gaano ka ganda ang paligid hindi kasi nakakasawa," tugon ni Collen. Pero tumaas lang ang kilay ni Ian at dahil hindi naniwala sa naging tugon ni Collen. "Ito na nga magsasabi na. Hmmm... Siguro namimis ko lang sila mama at papa mga kapatid ko, ilang linggo ko na rin kasi silang hindi nakikita. Alam mo bang ngayon lang kami nagkatampuhan ng pamilya ko sa haba haba ng panahon mula pagkabata ko."

