"Oh, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" tanong ni Delle nang makasalubong niya si Collen. "Wala, na miss ko lang ang family ko," tugon ni Collen. Ngumiti pa ito upang maniwala si Delle, pinunasan na rin ni Collen ang kanyang luha. "Are you sure?" Kumunot ang kilay ni Delle, tumingin din ito sa pinanggalingan ni Collen kung saan naroroon si Sean. "Dito muna ako Delle," paalam ni Collen. Hindi naman tumugon si Delle sa halip tumungo ito sa kinaroroonan ni Sean. "Bro, anong nangyari? Bakit parang umiiyak si Collen, nag away ba kayo?" tanong ni Delle kay Sean. "Wala, may ilang bagay lang akong ipinaalala sa kanya," tugon ni Sean. At humakbang si Sean palayo kay Delle. "Anong paalala? Bro, sinasadya mo bang gawin ang lahat ng ito para kay Collen? Matagal ko ng gustong tanungin ito

