"Collen, pinapatawag ka ni sir Sean sa office niya. Now na raw ha," saad ng secretary ni Sean kay Collen. "Ok ate, sunod na ako. Tatapusin ko lang ito," tugon ni Collen dito. Pero, lumipas ang 30 minutes nalimutan ni Collen ang pagpapatawag sa kanya dahil nakapukos siya sa kanyang ginagawa. "Serious naman. Why?" tanong ni Sean, na biglang sumulpot sa kanyang likuran. "Ay palaka! Sir, ginulat n'yo naman ako." Napakapit pa si Collen sa kanyang dibdib. Muntik ng malaglag ang paint brush na ginagamit ni Collen, mabuti na lang at nasalo iyon ni Sean. "Pinapatawag kita kanina pa, bakit hindi ka pa rin pumupunta ng office ko?" muling tanong ni Sean. Medyo lumayo ng bahagya si Collen kay Sean, dahil iyon na naman halos nakadikit na naman ang kanyang pisngi sa pisngi ni Sean. "Pasensy

