"Ano 'yan" tanong ni Ian nang makita si Collen na may hawak na papel. Ngumiti si Collen at pinakita ang papel. "Patimpalak para saan?" Napakunot ang kilay ni Ian. "About sa painting. Five hundred thousand pesos Ian, ang laki ng premyo nila." Natutuwang saad ni Collen. "Sasali ka? Sinong mga hurado?" seryusong tanong ni Ian. "Walang Nakalagay eh. Pero, ang gumawa ng competition ay samahan ng mga artist ng pilipinas. Pwede naman akong sumali diba?" Nagpacute si Collen kay Ian. "Paano kung naroroon din si Sean ok lang sa iyo?" tanong muli ni Ian. "Eh ano naman kung naroroon ang lalaking iyon? Wala akong paki alam," seryusong tugon ni Collen. "Talaga lang ha? Hmmmp.." Napangisi si Ian kay Collen. "Ito nang aasar pa eh. Don't worry hindi maapektuhan ang pagsali ko sa contest sa

