"Good morning si... Kuya! Anong ginagawa mo dito?" Nabigla si Collen ng makita niya si Zandro sa opisina ni Sean, na alam niyang nasa Lucena ito. "Good morning my sister. Bakit parang nagulat ka na naririto ako?" Tumaas ang kilay ni Zandro kay Collen. "Ahm.. Ahmm. Ano, akala ko nasa Lucena ka?" tanong ni Collen dito. Napakamot kamot pa siya ng kanyang ulo. "Napanood ko iyong balita kagabi. Kaya kaninang madaling araw umalis agad ako sa bahay upang makarating ng maagap dito sa trabaho mo. Syempre may kailangan akong linawin." Napangisi pa si Zandro sa kanya. Tumingin si Collen kay Sean, inaalam niya kung ok lang ito. Ngumiti naman si Sean, sa kanya. "So, paano bro, alis na ako. Ninay alis na ako, maya na tayo mag usap sa bahay." Tumayo si Zandro at nagpa alam sa kanila. Nang tum

